TLGMMBG ♡56♡

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinilit kong magpakalakas para kay Sam, para makabalik ako sa kanya, at para na rin makaganti sa lahat ng kasamaan na ginagawa ni Dad. Doon ko na rin naisipan ituloy ang pag-aaral ko, na kunyari payag ako sa lahat ng balak niya. Nag-aral ako ng kung ano-ano na connected sa pagpapatakbo ng negosyo para mas handa ako, para alam ko ang pasikot-sikot sa business world kapag naagaw ko na ang lahat sa kanya hanggang sa sumuko at bumagsak siya.

 Hindi ko maiwasan na sumama ang loob at kasakiman siya pero dahil sa wala pa akong magawa at sa tuwing naiisip ko ang lahat ng ‘yun wala akong magawa kundi kapitan ang alak. Pakiramdam ko napakahina ko, ni hindi ko sila kayang ipaglaban dahil si Chase lang ako. At kinakalaban ko ang demonyo sa lahat ng demonyo.

Minsan nga mapapaisip na lang ako na kung anak kaya talaga kami ni Kuya Chad.  Ni minsan hindi namin naramdaman ang pagiging ama niya o kahit man lang ang presensyang matino nya sa buhay namin. Puro lang siya mando na dapat ganito, ganyan, dapat dito, doon, dahil para daw mas lumaki pa ang pera niya at mas maging maimpluwensya siya.

Bwisit na buhay ‘yan. Puro pera na lang.

__

“The usual..” Order ko ‘dun sa bartender sabay minix niya agad ang hiningi kong alak at iniabot sakin. Napatakbo tuloy ako agad sa bar dahil sa dami ng gumugulo sakin kapag nag-iisa ako. Nababaliw ako.

Napasinghap lang ako sabay straight nung alak. Sumenyas naman ako ng isa pa sa bartender kaya hindi siya nag-atubiling bigyan ulit ako.

“Hi Chase?” Bati sakin nung isang babae pero hindi ko siya pinansin, sabay lagok lang ako nung alak. Badtrip ako, hindi man lang ba makakahalata at aalis?

                                 

“Hi Babe, don’t you remember me? I’m Clara?” Sakbit naman agad si babae sa leeg ko. Sinaksak pa talaga sa balikat ko yung cleavage niya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Miss, wala ako sa mood makipaglaro sayo kaya kung ako sayo habang nasa katinuan pa ‘ko at kinakausap kita ng ayos aalis ka na.”

“Ano ka ba Chase! Ako ‘to si Clara! Di mo na ba talaga ko naalala? We used to hangout and you know—“ She bit her lower lips. “play a lot back then.”

I flashed out a small grin yet half annoyed. “Mara, clara, o kung sino ka ‘man—uhm..sorry ha? Pero hindi talaga kita nakikilala at kung ano ‘man ang nakaraan natin, o kung meron ‘man nga, sorry dahil dala lang for sure ng kapusukan at ng murang isip ang lahat ng ‘yun. Pasensya na ha? Pero I’m explaining everything to you in my most gentleman way pero pwede bang tigilan mo na ang pagkaskas ng katawan mo sakin? Hindi magandang tingnan at kinikilabutan ako. Tyaka hindi ako interesado sa alok mo kaya makakaalis ka na.” Inilayo ko naman ang katawan ko sa kanya pero panay ang kapit niya sakin.

“Ano ka ba, okay lang ‘yun. We use to do this a lot. Uhm—you ready for tonight?” Sabat naman niya.

Naiirita na ko sa babaeng ‘to. Nase-stress na nga ako sa tatay kong hinayupak dumagdag pa ‘tong linta na ‘to. Bat ba kasi ang landi ko nung kabataan ko? Kairita. Landi ko sobra, pang-ilan na ‘to. Kaya ayoko minsan tatambay sa bar eh, akala lagi ng mga babae tulad pa rin ako ng dati.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon