CHAPTER 21: BROKEN FRIENDSHIP

Começar do início
                                    

"At kailan pa kayo naging close ni Blake?" Zandra

"Aiiish. Ano? Nakita niyo ba o hindi?" Ang dami pa kasing sinasabi. Hays.

"Kasama niya kanina si Yuhan. Diba Zand? Papunta ata silang canteen eh."

Pagkasabi na pagkasabi nun ni Libeth, dali dali akong tumakbo papuntang Canteen. At tama nga sila. Magkasama si Yuhan at Blake. Bakit sila magkasama? Kinausap niya na kaya si Yuhan?

"Blake!" Tawag ko sa kanya.

Napalingon naman silang dalawa ni Yuhan.

"Blake, may dapat kang malaman."

"Ano yun?" Blake

Tinignan ko muna si Yuhan saka nagsalita.

"Papauwiin ng Principal ang mga estudyante at dapat bago mag lingo, wala ng estudyante ang naririto. LAHAT LAHAT! Pati ka, pati ako, pati ka Yuhan. Eh diba sabi ni ma'am limang araw nalang at buhay na ni Kyla ang iaalay nila sa ginagawa nilang ritual? Paano kung di natin maligtas si Kyla?" Hingal kong sabi sa kanina

"So ano Yuhan, anong Plano?" Blake

I think pinakita niya na yung memory card Kay Yuhan?

Ayy? Biglang tumayo si Yuhan at parang ready to sugod na anytime.

"Pupuntahan ko si daddy. Kakausapin ko siyang itigil niya na ang ginagawa niya at pakawalan na si Kyla." Yuhan

"Sa tingin mo, susundin ka niya? Sa tingin mo aamin siya na siya nga ang kumuha kay Kyla? Wag. Baka mapaaga ang pag alay kay Kyla. Peste naman kasi yang kalokohang ginagawa nila eh." Inis na sabi ni Blake

"Kawawa naman si Kyla. Ano na kayang nangyari dun? Pinapakain ba siya? Pinapatulog? O Hindi kaya.. sinasaktan?"

Hindi kami close ni Kyla, pero nag aalala parin ako sa kanya. Sana okay lang talaga siya.

"Wag na wag nilang gagawin yun dahil mapapatay ko talaga sila, kapag nangyari yun." Galit na sabi ni Yuhan

Grabe, talagang in love talaga to Kay Kyla. Tsk.

★★★★★★★★

Kyla's POV:

SCHOOL OF DEATHOnde histórias criam vida. Descubra agora