"Tama na! Tama na!!" sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay niya sa tenga na tila umaasang mawawala ang ilusyon na nilagay ko sa isip niya. Napaluhod na siya.

What a pathetic bitch. Hindi niya yan matatanggal kahit anong gawin niya. Ako lang ang may kakayahang magtanggal ng ilusyon na nilalagay ko sa utak ng mga ginagamitan ko ng infernum.

"Tama na! Tama na!! Parang awa mo na! Ayoko na!!" sigaw niya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha niya

Patuloy lang siya sa pagsigaw hanggang sa bigla na lang siyang himatayin. Doon na natapos ang laban ko. Narinig kong napasinghap ang mga estudyante sa nakita nila. Tila nagtataka kung ano bang nangyari.

"The winner is Akisha Raven Scott!!"

naglakad na ko pababa ng stage narinig ko ang bulung-bulungan ng lahat.

"Pano nangyari yun? Panong napabagsak niya si Isabel gamit lang ang pakikipagtitigan?"

"Ano ba talagang nangyari? Bakit biglang bumagsak si Isabel?"

"Sus! Tiyamba lang yan! Hmmp! Pasikat"

Marami pa kong narinig na masasamang komento galing sa iba. Nagbingibingihan na lang ako. I will never step down to their level. I'm higher than them.

Tapos naging sunod-sunod na ang laban hanggang sa natapos. Siyempre nanalo ang mga Royalties.

"And now here's the announcement of the groups and it's members"

Oo nga pala noh ngayon na malalaman kung saang grupo ko nabibilang.

Patuloy si headmistress sa pag-aanounce ng mga grupo. Halos nabanggit na lahat ng grupo pero di parin ako natatawag. Hanggang sa ang huling grupo na ang iaanounce.

"And for the last group. The Royalties Group! The members are Ash Zachary Lockwood, Brent Jimenez, Troy Jimenez, Liliana Roxell, Chloe Del Valle and lastly the new member of Royalties Group Akisha Raven Scott!!" sabi ni headmistress dahilan para mapasinghap sa gulat ang lahat

"Pano siya napasama sa Royalties Group?"

"Its unfair! Hindi porket natalo niya si Isabel ay mapapasama na agad siya! Di pa nga natin alam kung ano ba talagang nangyari kay Isabel malay mo nanghihina lang talaga siya ng mga oras na yon!"

"Di ko to matatanggap! Ang dami pang mas malakas sa ugly nerd na yan pero bakit siya pa ang napasama! Kebago-bago pa nga lang niya!"

Narinig kong himutok ng lahat mapababae man o lalaki. Napatingin naman ako sa headmistress. May pinaplano ang babaeng ito at malalaman ko yun.

"Enough! That's my final decision and it will never change!! That's all you can go home now. I know all of you is already tired. Kung may problema kayo sa desisyon ko espada ko ang makakaharap niyo bago pa man kayo makapagsalita" sabi ni headmistress saka naglakad palayo

Napatingin ako kila liana at lahat sila nakangiti ng malaki habang nakatingin sakin.

"Buti na lang kasama ka na namin ngayon palagi!!" sabi ni liana

"Pero nakakapagtaka na may dinagdag siya ngayon sa grupo natin. Ito ang pinaka unang beses na nagkaroon tayo ng bagong miyembro" sabi ni chloe

"Natutuwa kami na kabilang kana sa grupo namin. Dito sa Royalties Group di lang tayo isang grupo. Isa din tayong pamilya" sabi ni brent na sinang-ayunan nilang lahat maliban lang kay Ash

Pamilya? Nagpapatawa ba siya? Never akong magkakakaroon ng pamilya. Wala akong tinuturing na pamilya. Isa lang kayong laruan wala ng iba pa.

LILIANA'S POV

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now