CHAPTER 15: PANGANIB

Start from the beginning
                                    

"Tama na! Wala kang ebedensiya Kyla! Kaya wag na wag mong pagbibintangan ang daddy ko." Galit na sabi ni Yuhan saka iniwan si Kyla

Napaiyak na lamang si Kyla sa galit, inis at lungkot. Galit dahil sa ginawa ng ama ni Yuhan sa mga estudyate, inis dahil pinagtanggol ni Yuhan ang ama niya at lungkot dahil hindi siya pinaniwalaan ng matalik niyang kaibigan.

*******
Nag lalakad si Blake ng makasalubong niya si Yuhan. Hindi na sana niya ito papansinin, Kaya lang lumapit sa  kanya si Yuhan at bigla bigla siya nitong sinuntok.

"Ano bang problema mo?!" Galit na sigaw ni Blake Kay Yuhan

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Pwede ba?! Layu layuan mo nga ang kaibigan ko!" Yuhan

"Bakit? Nagseselos ka ba?!" Pang iinis na tanong ni Blake kay Yuhan.

"Binabalaan kita pare. Wag na wag ka nang lumapit sa kaibigan ko. Tandaan mo yan!" Saka umalis din kaagad si Yuhan.

Dumeretso naman si Blake sa room nila habang may kunting dugo pa sa kanyang mga labi.

Napansin naman ito ni Kyla kaya agad itong lumapit sa kanya.

"Blake? Are you okay?" Tanong ni Kyla Kay Blake.

"Yes. Si Sanya? Wala pa ba?" Blake

"Wala pa eh. Oh! Punasan mo." Kyla saka abot ng kanyang panyo kay Blake

"Kyla mag usap nga tayo." Jessna

Nabigla si Kyla sa pagtaas ng boses ni Jessna sa kanya. Sinundan niya naman ito palabas ng kanilang room.

"Jess? Galit ka parin ba sa akin?" Tanong ni Kyla sa Kaibigan.

"Tinatanong pa ba yan? Bakit kay Blake ka na madalas sumasama? Hindi mo man lang ba iniisip kong anong mararamdaman namin? Mararamdaman ni Yuhan?" Jess

"Jess. May ginagawa kasi akong importanteng bagay kaya sumasama ako Kay Blake. At isa pa, magagawa ko lang yun sa tulong niya. At kay Yuhan? Wala akong mapapala dun."

'Paak!!!'

Isang malakas na sampal ang ginawa ni Jessna Kay Kyla na ikinabigla niya at ng mga estudyanteng nakakita sa kanila.

"How dare you to say that?! Ganyan ba ang isusukli mo matapos kang iligtas ni Yuhan sa muntik nang sumaksak sayo?!" Jess

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now