FIRST

5.4K 162 17
                                    

BINATUKAN ko ang unggoy !!! Yun first kiss ko! Para kay Song Jong Ki ko lang nilalaan yun, pero itong walang hiya lalaki na ito basta basta nalang nagnakaw ng halik!
   " Hep! Masakit yun ah "
    " Unggoy ka! First Kiss ko yun ! Ninakaw mo!
     " Talaga?!! " tila natutuwang ang bruho.
       "Ybarra Monica! Tara na mga apo at makakain na tayo " tawag ni Lola Ana.
        " La! Ako lang apo, tunay at certified"
          Inirapan ko na lang ang unggoy na ito at hindi pinansin ang pang aalaska nito. Bumaba na ako at tinulungan ang matanda, kumain na lang ako ng tahimik dahil pigil na pigil akong hambalusin ang unggoy na pa ngisi ngisi pa habang giliw na giliw naman ang kaniyang lola. After 10 years natapos din ang aming pagkain nagsimula na lang maglinis sa salas at huli'y kusina, Ang mayabang naman na unggoy ay tapat sa pangako nyang sya maglinis ng bintaana sa taas. Nang maipon ko na ang lahat ng kalat at basura inilagay ko na ito sa sako at inilabas ng bahay. Mayroon lagayan sa may tabi ng poste ng bahay. Hila hila ang sako hindi naman ganoon kabigatan ng biglang may bumuhat dito
     " Ay!!! "
      " Monica, ako na magdala nyan hindi bagay sayo magbuhat ng sako " si Archer yun kapitbahay ni lola sa tapat na matagal ng nagpapalipad hangin sa akin. Cute din naman ang binata pero wala akong oras sa lovelife busy lang ang peg ko lagi alam nyo na para sa foods ..este sa kinabukasan. Nginitian ko na lang si Archer at hinayaan dalhin ang sako.
        " Ahm, Monica, baka pwede naman imbitahan kita mamaya kumain sa labas ?"
           " Ah..  "
            " Hindi sya pwede ! saka busog sya ! Ang sundalong unggoy ang bigla sumabat, madilim ang mukha nito at masamang tinitignan si Archer, napaurong tuloy ang lalaki. Ang walanghiyang unggoy na ito nanakot pa !
         " Oy ! Sundalong Unggoy, hwag kang sumagot hindi ikaw ang tinatanong ! " pero bago pa ako makapalag bigla aking hinila nito papasok sa bahay naiwan si Archer na gulat na gulat. Sinara nito ang gate na galit na galit, Ano ba ang problema ng lalaking ito parang babaeng hindi dinadatnan ng buwanang dalaw!
       " Hoy, lalaki, ano ba ang problema mo ha ! Sino ka ba? tatay ba kita?  Ano.... Ahmmmp !?!! "
       Bigla ba naman ako kinuyumos ng halik. nagpiglas ako pero dahil mas malaki ang katawan nya wala akong magawa. Yun kamay ay nilapat sa aking likod upang mas lalo pa akong madikit sa katawan nito. at sa wakas binitawan nya ako. Isang sampal ang ginawad ko sa kaniya, I felt so confused, hindi ako nandiri sa kaniya . Naasar ako kase nagustuhan ko ang halik nya !!
        Napaiyak akong tumakbo pabalik ng bahay.
       " I- I am sorry " usal nito.

note: Pasensya na po talaga sa mabagal n update. thank you for the support. God bless

My Lieutenant And I(COMPLETED)Where stories live. Discover now