"Pero oo nga, Charlie, bakit hindi mo subukang mag-ayos? Humahaba na rin naman ang buhok mo. 'Wag ka nang mag-cap."

"Ehh... Nakakatamad mag-ayos eh." Si Mama nga sumuko na sa kakapilit.

Tas nagtinginan yung mga upper classmen namin. "Kami na lang ang mag-aayos sa'yo."

'Di na ako nakatanggi. Kinaladkad na nila ako sa tapat ng salamin at kung anu-ano na ang ginawa sa mukha at buhok ko. Tas kapag kinakamot ko, pinapalo nila yung kamay ko. Eh pa'no, ang kati-kati kaya nung mga nilalagay nila. Para akong hinigad sa mukha. Kaya tinanggal na lang nila yung kolorete sa mukha ko at pinagdiskitahan na lang yung buhok ko. 'Di pa sila nagkasya, nipichuran pa nila ako.

"Ganito, Charlie. 'Wag kang magsuot ng sumbrero sa loob ng isang buwan, ililibre kita," sabi pa ng Captain Ball namin.

"Libre saan?" eksaytment kong sagot.

"Sa Vikings."

Vikings? Nakakain ba 'yon? Baka naman bilihan yun ng bisikleta? Baka nagkamali lang si Ate sa pagbigkas. Pero ays din 'yon, gusto ko rin ng bagong bike. Di bale, libre naman eh. "Sige."

Ang usapan, kapag daw mahuli nila akong naka-sumbrero, babalik sa zero yung counting. Kahit pa naka-twenty-nine days na akong hindi nagsusumbrero, pero nagsuot ako ng cap kahit saglit lang sa thirtieth day, balik daw sa zero yung bilang.

Pagtapos naming makapagbihis lahat, nauna na akong umalis. Sabi ko sa kanila dadaanan ko lang si Kuya Chuckie kahit ang totoo, wala naman siyang pasok tuwing Sabado. Baka kasi 'pag nalaman nilang may date kami ni Martin, kun anu-ano na naman ang isipin. Niteks ko nalang siya na sa Hepa Lane na lang kami magkita. Hindi ko kasi nakain yung binili ko sa UP nung laban nina Mase kaya gusto ko ulit kumain ng streetfood. Ays nang tanghalian 'yon.

Nung nakarating na ako sa kitaan namin, 'di pa ako napansin ni Martin kung 'di ko pa siya kinalabit.

"M-Mahal na p-pinuno...a-ahh..." nauutal niyang sagot bago ako sinipat mula ulo hanggang paa.

Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang kamay ko pero matindi ang pagkakaayos nila. Sa gilid pa rin yung hati ng buhok ko imbes na sa gitna. "Pasensiya na ah, nakorner ako nina Ate Jessa eh."

Maraming beses siyang umiling. "A-Ayos lang...ano...b-bagay sa'yo yung buhok mo. Mahaba na pala?"

Tas ayon, nikwento ko sa kanya yung mga pinag-usapan amin sa shower room kanina. Sabi pa nga niya, siya raw ang magsusumbong kina Ate Jessa kapag nakita niya akong nagsuot ng sumbrero.

"Pahahabain mo pa ba 'yang buhok mo?" tanong niya sa'kin habang hinihintay namin yung kikiam.

"Hindi ko alam eh. Nakakatamad kasing ayusan," katwiran ko habang inaabot ni ateng tindera yung order ko.

"Pahabain mo kahit hanggang balikat lang. Tingin ko mas magiging maga- ahhh...cute. Tama, magiging mas cute ka," mungkahi naman niya.

"Matagal na akong cute 'no. Baket panget ba ako dati?" Tas inirapan ko siya.

Saka naman siya tumawa. "Sabi ko MAS magiging cute ka. Baka may manligaw na sa'yo nang tuluyan 'pag gano'n."

"Ah, baka hindi ko na pala pahabain. 'Gang ganito na lang," sabi ko bago umorder ulit ng kikiam. "Ayoko pang magdalaga."

"Kahit naman hindi ka magdalaga at kahit maikli pa rin ang buhok mo, meron at merong nagkakagusto sa'yo-"

"Hindi nga pede," napapalatak kong sabi sa kanya, bago sunod-sunod na sinubo ang tatlong piraso ng kikiam.

"Bakit naman hindi pwede?"

"Kasi sabi nina Kuya ko, bawal pa akong ligawan at bawal din akong magpaligaw."

"Kahit pa sinabi nina Kuya mo, hindi mo mapipigilan yung taong may gusto sa'yo."

Tumuhog ako ng kikiam at sinubo yun ng buo. "Pede ba 'yon kahit 'di pa ako dalaga?"

Natawa naman siya. "Oo naman. Hindi naman nagkakagusto ang isang lalaki dahil lang maganda yung babae. Tsaka, sino bang hindi magkakagusto sa tulad mo? Napaka-energetic mo...funny, friendly...isa kang ray of sunshine. 'Di tinatablan ng lungkot. Parang wala kang problema."

"Hindi ba nakaka-sad kung puro problema ang iisipin? Mas ays kaya kapag masaya lagi," sabi ko.

"'Yan na nga ang dahilan kung bakit kita gus-ahh.. Kung bakit may nagkakagusto sa'yo. Kasi isa kang bottomless source of positive energy."

"Bottomless..." pag-uulit ko bago ako natawa. "Parang bottomless iced tea, hehe."

Umiiling si Martin habang tumatawa bago niya ako inakbayan at iginiya papunta naman sa may isawan. Basta kapag nasusuya na ako, hinihila niya ako sa bagong kainan. Parang natikman yata namin lahat ng streetfood sa Hepa Lane eh.

Nung niteks na ako ni Kuya Chuckie ng bandang ala-una, hinatid na rin ako ni Martin hanggang sa kanto ng bahay namin. Wala raw kasing magbabantay ng bahay namin dahil may date ulit sina Mama at Papa. May kanya-kanyang lakad din sina Kuya Mac-Mac. Kaya nagkaroon ulit ako ng oras na maglaro ng PS3 huehue.

Pero nasobrahan yata ako sa streetfood kasi ilang beses akong pabalik-balik sa banyo pagdating ng hapon. Ayoko namang uminom ng Diatabs kasi sabi ni 'Ya Marcus mas magandang ilabas ko kasi nasa bahay naman daw ako at may kubeta naman.

Pero grabe! Hanggang kinabukasan ganun pa rin! Maya't-maya pa rin ang pagsakit ng tiyan ko! Sobrang hinang-hina na nga ako eh. Hindi na nga ako nakasamang magsimba eh.

Tas nung nag-uwi ng burger sina Mama para sa'kin, wala na akong ganang kainin kasi sinubukan kong kumain ng SkyFlakes habang wala sila pero sinuka ko lang din.

"Anong nangyayari sa'yo, Charlotte?" nag-aalalang tanong ni Mama nung nakita niyang nakabaluktot pa rin ako sa kama.

"Nagtatae lang po. Nasobrahan po ako sa pagkain eh," matamlay na pagdadahilan ko tas naramdaman ko na naman yung pagkulo ng sikmura ko.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong niya bago hinimas ang likod ko. "Aba, ang init mo yata." Sinalat pa niyang mabuti yung noo ko. "Ang init mo nga, Charlotte!"

Hindi na ako nakaangal nung dalhin na nila ako sa ospital. Kinailangan pa akong buhatin ni Kuya Mac-Mac kasi hindi na ako makalakad dahil sa sobrang panghihina. Tas sa Emergency Room pa lang, niturukan na ako ng dextrose.

Dumating na rin sina Mason at Kuya Chino.

Tas si 'Ya Marcus ang nagsabi kung ano ang sakit ko nung pinuntahan niya kung saan ako nakahiga.

Amoebiasis daw. Tas pinagbawalan na akong kumain ng streetfood, huhu. Nuuuu...

===

A/N: Sabi ko wala munang update.. ano to?! chararat.. pero seryoso.. dahil parehas kaming may sakit ni Tarlie ngayon.. magpapagaling muna kami. Matatagalan ang next UD hahaha. yun lang.. wala akong ganang mag-author's notes.. lels. ingat sa flu mga peeps.. panahon na naman ng sakit :) anjan pala sa gilid ang pichure nina Tarlie at Martin.. huehue

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now