°Chapter Trese°

10 2 0
                                    

     -,- Alam niyo... sa totoo lang eh nahihiwagaan na ako sa isang ito... Unang-una, gabi lang ‘to lumalabas ng bahay... Ikalawa, sobrang sungit niya... Tapos ikatlo, :/ marunong pala siyang magsabi ng ‘sorry’ at ‘please’ huh... Haay naku... -.- Ano ba kasi talaga ang meron sa isang Homer Josh Cruz na katulad niya???

     At heto na nga... -.- sinama lang naman niya ako sa isang roof top ng isang hindi ko kilalang building... Tapos ayun...   -.- nag-iistar gazing na ang loko habang nakahiga doon sa damuhan... -,- Ang sosyal nga nitong building eh... may damuhan sa rooftop... Anong building ba naman kasi ito?

“Teka lang... :/ nasaan ba tayo Mr. Cruz???” --tanong ko

“Homer... -.- Homer na lang ang itawag mo sa akin...” --siya

“Ahhh... ehhh... >///< Homer???”

     Spell A-K-W-A-R-D...

“Andito tayo sa hotel na pagmamay-ari ng parents ko... -.- Dito ako nagpupunta tuwing gabi kapag gusto kong mapag-isa...” --siya

“Ahhh... :/ ganun ba?”

     Kaya naman pala pinapasok lang kami nung guard nang basta-basta... -.- Sa kanila pala itong building na ito... Ang yaman talaga nila... -,- Yung bahay nga namin eh parang garahe lang ng bahay nila...

“Teka lang... :/ Eh bakit ka ba pumupunta dito tuwing gabi??? Hindi ba nagagalit ang parents mo???” --tanong ko

“-.- Wala sila sa bahay tuwing gabi... Busy sila sa work... Umaga na silang umuuwi sa bahay namin kaya wag ka nang magtaka kung iritang-irita sila kapag may nag-iingay mula doon sa bahay niyo...”

“Hoy, >//< Hindi ako yung nag-iingay noh!!!”

“Psssshhh... -,- Eh kung makasigaw ka nga kanina parang katapusan na ng mundo...”

     O///O Waaaaahhhh!!! >//< Narinig niya yun?!?!?

“-.- Wag kang mag-alala... nakaalis na yung parents ko nung oras na nag-ingay ka...”

“Ahehehehe... (;^.^) mabuti na lang...”

     >//< Naku po... ‘pag nagkataon eh baranggay hall na naman ang bagsak ko nito... Buti na lang...

“Teka lang... :/ Ang ibig mo bang sabihin eh hindi mo na nakakasama yung parents mo dahil sa work nila... Eh umaga na sila kung umuwi tapos umaalis din sila ng maaga, di ba?”

“Oo... -.- masyado silang busy para pagka-abalahan pa ako... Umuuwi na lang sila para magpahinga... Tapos pagkagising nila eh balik trabaho na naman sila... -.- Yung mga kasambahay na nga lang namin ang nakakasama ko araw-araw eh...”

“Eh teka lang??? :/ Bakit hindi ka na lang sumama sa mga kaibigan mo para naman hindi ka nag-iisa buong araw???”

HD143MBWhere stories live. Discover now