Chapter 7

30 0 0
                                        

Stephen's POV

Habang papaalis na si Alex parang nakita ko sa mga mata ni Eunice ang lungkot. Noong time na tinitignan ko siya habang kausap si Alex nakikita ko 'yung lungkot na pinaghalong saya sa mata niya. May lihim siyang gusto sa bestfriend niya. Paano ko nalaman? Nakita ko lang naman siyang napaluha nung inalis niya 'yung kamay niya sa braso ko.Ngayon-ngayon lang oras na ito. Tumalikod siya para di ko makita pero akala niya lang iyon. Kitang kita ko yung pagpatak ng luha niya kanina. Sabi ko noon pa, ayokong may nakikitang babaeng umiiyak lalo na sa harapan ko.

"Pumasok ka na. Huwag ka mag ditch ng class." Sabi niya sa akin na nakatalikod.

"Huwag mo ng itago iyan. Nakita ko na na umiyak ka."

Bigla siyang humarap. Nakita ko 'yung pagbabalik itsura niya syempre 'yung facial expression niyang dragon!

"At sinong umiyak?! Walang umiyak dito! Duling ka kaya kung ano-ano nakikita mo!"

"Okay sige di ka na umiyak sabi mo eh."

"Di naman talaga ako umiyak 'no."

"Oo na nga."

"Umalis ka na nga! Gusto ko mapag isa!"

Imbes na umalis ako hinila ko siya palabas ng school. Buti na lang hinayaan niya akong gawin 'yun kundi baka kanina pa niya ako sinapak.

-----------

Nandito na kami sa Park. Dito ko nasaksihan ang babaeng akala ko malakas pero mahina pala. Hindi iyak ang ginawa niya kundi atungal. Pero hinayaan ko lang siya na gawin 'yun, moment niya yan. At nandito lang ako para makinig kahit puro atungal ang ginagawa niya. Mamaya na lang ako magsasalita kapag tinanong niya ako.

Makalipas ang isang taon. Weeehh?? biro lang!

Tapos na siya sa pag iyak este atungal. Buti naman kase ako na naaawa sa mga taong nandito sa park na gusto ng peace of mind. Ang kaso paano sila magkakaroon ng peace of mind kung ang katabi ko naatungal. Buti nga at tapos na. Nakakaawa talaga sila. Tsk tsk tsk...

(singhot) "Okay na ako. Tara na umalis na tayo dito. Masyado nang naeexpose ang pag-iyak ko baka madiscover pa ako nitong artista."

OH! COME ON! May gana pa siyang mag biro sa lagay niyang iyan? Psshh.

Lihim akong natatawa sa sinabi niya. Pero dahil sa may lahi siyang aso narinig niya 'yung pinipigilan kong tawa.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan ha?!" Tumayo siya na nakapamewang.

Ayan na! Bumalik na ang kaninang natutulog niyang diwa. Normal sa kanya ang pagiging halimaw.

"Hehe. Hindi naman ako natatawa nangiti lang."

"LIAR! Nakita ng dalawa kong mata kung paano mo pigilan iyang pag tawa mo! Gusto mong mamatay ngayon?!"

Patay na! Ayan na naman siya.Dahilan niya siguro 'yung pambubugbog kapag badtrip siya. Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas.

(Light bulb) Aha! Kala mo di mo na ako mabubugbog. :p

Para makatakas lilituhin ko siya.

"Ano 'yun?" sabay turo ko sa malayong direksyon para tumingin siya duon.

Effective dahil tumingin siya sa direksyong tinuro ko. Dahil duon, nagawa kong umalis sa pagkakaupo at tumakbo ng mabilis sa kabilang daan. Wish ko lang di niya ako maabutan.

Hala! Takbo! Dahil nung tumigil ako saglit at tumingin sa likod ko nakita ko siyang tumatakbong papunta sa'kin. Mukha siyang halimaw na manlalapa na lang basta-basta. Ayoko nga magpakaen! Kaya mabilis ulit ang pagtakbo ko. Runner kaya ako! Kaya malakas ang pakiramdam ko na di niya ako mahahabol. Eheheehe.

Catch Me If You CanWhere stories live. Discover now