"Aaaaaasssssaaaaarrr! Bakit ngayon pa nagbrownout naaammaaaannn! Di pa ako tapos sa ginagawa ko..naman oh!"
Inis na inis ako ngayon.Bakit? Paano bukod sa brownout na ngayon pinagalitan pa ako ni Papa dahil lang sa mali yung naibigay ko sa kanyang dokumento. Malay ko bang di pala yun yung kailangan niya.
Haiissssstttt.Tapos eto pa...si Mama... Inutusan niya akong bumili ng malunggay kanina.Sabi ko sa kanya walang nabibiling malunggay sa palengke.Ayaw ba namang maniwala, pinipilit niya sa akin na meron daw.Gusto talaga papagurin pa ako papunta dun! At pagpunta ko dun.. WALA!!
BADTRREEEEPPP!!! At ang nakakainis pa dun nadulas ako sa palengke para lang maghanap ng malunggay na wala naman. Maraming nakakita sa kapalpakan ko kaya... aaahhhhh kahihiyan syempre...!!!
At eto nga,kung kelan patapos na ako sa napakahirap na thesis namin bigla namang nagbrownout! SAKLAP NAMAN!! Patapos na eehh.. biglang ganun... -_-
"Makalabas na nga lang...." sabi ko..
Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng bahay.Sobrang boring at badtrip na araw na ito.
Nga pala, magpapakilala muna ako sa inyo.Kahit badtrip ako ngayon i will introduce myself para sa inyo.
Ako nga pala si Stephen Alejandro. Mayaman (mayaman sa utang) gwapo!!! (oo gwapo walang papalag!!!) , chinito (syemperd!), mabait (owwwsss..???),College Student (estudyanteng tamad magaral..), ano paba??? Teka, basta judge me na lang. ;)
Pero sa totoo lang napakaboring ng buhay ko. Walang kathrill thrill. Di tulad nung napapanuod ko na mga action movies at mga adventure scenes na talagang nakakachallenge na masarap gayahin kaso di ko magawa. Hanggang imaginations lang ako eh! Hahaha..
Gusto ko sana yung mala action at may leading lady..hehehhe.. syempre!! Kasama yun noh! Ang scene ipinagtatanggol ko yung leading lady ko sa mga goons. Nakipaglaban ako. Syempre ako nanalo kase bida ako! At pagkatapos sasabihin ng bidang babae saken.
"You're my hero!!!" at yayakapin niya ako at....magkiss kami.. deep kiss... (imagination)
Bwahhahahhaa!! Nice one! Ganda ng pangarap!! :D
Ichallenge ko kaya sarili ko... teka.. isip isip...
(Light bulb) AAH! Singhutin ko kaya tong sapatos kong amoy patay na daga??? Makakaya ko kaya.??? (imagination)
"EEEEEeeekkk.. wag na nga lang.." (dumuduwal)
Di ko namalayan nandito na pala ako sa convenient store. Pumasok ako at naghanap ng inumin.
"Makabili nga ng soda pampagana sa boring kong life..tssss.. "
Pumunta ako sa soda section at kumuha ng isa tas nagpunta ako kaagad sa counter para bayaran na ito.
" I receive 100 pesos,sir.." sabi nung cashier at binigay yung sukli ko kase 35 pesos lang naman yung soda.Umupo ako sa isang bakanteng upuan at nakinig ng songs gamit ang ipod ko..
Nang biglang.....
( Music Background: Close to you)
Napalingon ako sa may magazine section... waw...... O_O
Para akong nakakita ng anghel na bumaba sa lupa...
Why do birds suddenly appear.. everytime you are near...
Habang nagtitingin siya ng mga magazine,titig na titig ako sa kanya.Bawat kilos niya parang..para akong nasa paraiso. May mga ibon sa paligid na parang kumakanta pa nga.. at.. at...
Just like me.. They long to be.. Close to you..
Para akong lumulutang...at may mga nakikita na akong mga bituin.. haaayyy.. high na high..
YOU ARE READING
Catch Me If You Can
HumorMeet Stephen Alejandro. Isang College Student na tamad mag-aral. Mahilig sa action and adventure movies. Kaya pati buhay niya gusto niyang maging action and adventurous ang peg. Nagbago ang boring na buhay niya dahil sa isang babaeng ubod ng ganda...
