Chapter 2: Huh?

424 4 2
                                        

Ano ba yan! Ilang araw na ako dito sa college na ito. Wala naman. Bakit di ko nakikita? Bakit sila nakita siya? Baka naman niloloko nila ako? Tsk! Ang sama naman nila kung niloloko lang nila ako. Pero pwede ding hindi diba? Kasi siya yung nakita ko nun diba? Tama siya yun! Pero baka dahil sa sobrang pag-iisip lang? Ano ba?

“Mr. Santiago nakikinig ka ba?” ‘tay tayo dyan! Di ako nakikinig.

“Anong method ang ginamit sa problem na to?” Hala? Ano nga ba? Tsk, tae naman oh. Expense method? Tsk. Di ko alam eh, haha

“Sorry ma’am, di po ako nakikinig.”

“Sit down!” ‘Yan, napahiya nanaman ako haha. Pusha naman eh! At natapos din ang accounting na subject. Terror talaga ng prof na yun. Walang pinapalagpas eh. Akalain mo bang nalaman pa niyang di ako nakikinig? Badtrip talaga yung prof na yun. Break na namin. Nag-iisip ako kung saan ba magandang pumunta? “Hoy Aireen! Saan magandang pumunta?”
“Aba malay ko sayo.”
“Hanapin natin si Ms. Picture,” suggest ni Jolo “Mahirap maghanap sa taong di mo alam ang pangalan”—Aireen
“Eh pwedeng pumunta siya ulit dito,” Jolo
“Kung tanungin na lang kaya natin yung boyfriend niya dito!” –Aireen

“Di niyo kaya sinabi sa akin kung sino yung boyfriend. Mamaya ang panget pala!” sabi ko
“Oi oi oi! Hindi panget. May hitsura pero mas pogi ka lang ng konti,”

lahat naman ng tao may hitsura ah, pero konti lang? Tiningnan ko yung mga kaklase naming lalaki. Ako naman ata pinakagwapo dito? Di ko pa rin kilala mga kaklase namin. Mahina ako sa memorization ng pangalan. Tumayo na si Aireen sa kinauupuan niya.
“San ka pupunta?” tanong ko “Lalapitan ko na yung guy para naman malaman kung sino na yang babae na yan noh!”
Hala? Lalapitan? Sira ulo to. Paano kung BF nga niya yun? Edi lagot ako? Tsk
“Lakas talaga ng loob nung si Aireen,” sabi ni Jolo
“Sinabi mo pa.”
“Kaya nga gusto ko yun eh,” nagulat ako sa sinabi niya
“Gusto mo siya?”
“Oo, bakit? ‘Di ba obvious?” “Tatanungin ko ba kung hindi gago!” “ahaha. Pero busted ako eh, haha” “Okay lang yan. Busted? Magugustuhan ka rin niyan.”
“Sana.” Kawawang Jolo, magustuhan daw ba kasi tong mas malakas pa sa akin? Haha, joke.
“HOY!” –Aireen
“Oh ano?”—Jolo
“Lady Lyn Labanza. Cool name huh? 3L, haha. 17 years old, IT student , single since birth, not interested in boy-girl relationship kaya wala kang pag-asa! haha” Pero, sh*t! Kahit na di siya interesado. Ibig sabihin! Wala siyang boyfriend at ang maganda pa niyan, di pa siya nagkaboyfriend! Haha, pusha naman, pati pangalan alam ko na!
“Pero teka. Kung di niya boyfriend yun, eh ano pala niya?” nice naman magtanong itong si Jolo, ako nga di ko na inisip yun. haha
“Ah, classmate niya noon,” sagot naman ni Aireen.
Naks, daming nalaman nitong Aireen na to ah
“Ow, I see,” sabi naman ni Jolo, haha “Hoy, ikaw Aldrin—“
“oh ano?”
“^______^” Tsk? Bakit ang lapad ng ngiti nitong Aireen na to?
“Ano? Di mo pa sabihin?” si Jolo laging atat. tsk
“Mamayang uwian, punta ka daw sa may garden nitong school.”
“Gagawin ko dun?” “Ano pa? Edi makipagkita ka kay Lady Lyn!”

Whaaaaaaaaaaaaaat? Pusha! Di pa ako handa! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Mapagkamalan pa akong stalker nito! Badtrip ka talaga Aireen! Anong gagawin ko? Uwian na kaya namin! Tsk, asar naman. Pero-pareho ba kami ng sched? Sana sana, natatakot ako. Ano siya multo? Haha. Pero at the same time excited dahil at last makikita ko na siya! Nandito na ako sa garden. Kinakabahan ako, nakakabakla ang putek.

Haha Tiningnan ko yung mga nakaupo sa bench. Wala pa siguro siya. Eeeerrrr, nakakabading haha Naglalakad-lakad lang ako sa may garden. At siya na yata to? Nilapitan ko >.< wala na akong hiya. haha “Ahhhhm, ikaw ba si—“ humarap siya sa akin. Siya nga!
“Hi ^___^” bati niya
“Hello,” na-speechless ako. tsk
“Ikaw daw yung nakapulot nung litrato?” tanong niya.
Heto na to. tsk
“Ah oo, matagal na.”
“Dala mo?” tanong niya
“Oo. Eto oh,” tas nilabas ko yung wallet ko. Nakakahiya tsk. Saka ko nilabas yung picture para ipakita sakanya.
“Waaaaaaaaaaaaah!! Ito na nga yun! Thank you, thank you talaga ^___^” tas niyakap pa ako. Hala? Ganun ba kaimportante yung picture na yun sa kanya?

“Ang tagal ko tong hinanap, buti tinabi mo. Grabe, super thanks talaga ^___^”
“Huh? Eh bakit mo ba hinahanap?” “Secret ^__^” feeling close kasi ako. tsk
“Neh, anong pangalan mo?” tanong niya
“Aldrin—“ “Aldrin?” “Santiago.” “Oooooooohhhhh, salamat Aldrin ah.”
“Walang anuman,” Bakit ganun? Bakit parang iba? Sa picture lang ba ako na-in love? O dahil ba masyado pa akong bata noon? O dahil wala talaga akong nararamdaman sa kanya? Bakit ang weird?
“Oi, natahimik ka?” tanong niya
“Ah eh, kasi—“
“Neh—“ “Ano?”
“Pwede ba kitang maging—“ “Maging?” “—boyfriend?”
WTH? Akala ko ba single since birth to? Eh bakit ang aggressive? Sa ganitong tao ba talaga ako na-in love?

**************

END OF CHAPTER 2!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

PICTURE OF YOUHistórias para pegar e não largar. Descubra agora