II

254 16 4
                                    

Flashing lights everywhere, hindi ko ine - expect na maraming tao ang dadalo. Well malamang hindi ko naman alam yung banda eh.

"May ni reserve akong table sa harap tara na." Ang sabi ni Crys, hinatak niya kami ni Juno papunta sa tinutukoy niyang silya. Talagang nag pa reserve pa siya ah.

Hindi ko ina - akala na nasa harapan kami ng stage, bandang left side. Where I think yung bassist ang nasa harapan ko mismo.

Kinuha ko ang cellphone ko, pinindot ko ang paborito kong laro. Inintay ko ito mag load, pero sobrang bagal buwiset.

May nagsalita, maganda ang boses niya pero hindi ako lumingon.

"Hey guys, were iv of spades!" Naghiyawan ang mga tao, pero nag lo - load parin ang game ko.

"I'm Unique, single ako hehe." Nagtilian ang mga babae, at mga bakla? Malamang sa tingin ko, sa ganda ng speaking voice niya malamang ang ganda rin ng mukha niya.

"This is Blaster, and this is Badjao. Taken na yung dalawang yan sorry girls." Nag aww yung mga babae, hula ko magagaling pati good looking yung mga toh. Kasi alam mo naman ang mga babae ngayon, looks lang ang hinahabol, mga plastic. Pero di naman lahat, most lang.

"This is Zild, single rin yan." Ayan nanaman nakakabingi talaga yung mga tili ng malalanding yan.

May sumigaw pa nga ng "Zild baby ko! Akin ka nalang!" Pucha ang kapal naman ng mukha nito.

Kanina pa ako naka order ng isang bucket ng alak.

Kalagitnaan ng laro ko kumuha ako ng bote.

Pero may pumigil sa kamay ko, "ano ba Juno wag mo ako pigilan!" Kinuha ko ang bote ng tuluyan at uminom. Ewan ko ba diyan, di naman ako pinipigilan niyan dati eh.

Pakiramdam ko mag si - simula na mag laro ang banda. Pero tama ako.

Sinimulan muna siya ng pag tama ng drums sticks sa isa't isa, tapos sinumulan siya ng bass at electruc guitar, tunog 70s ang peg niya,teka alam ko toh ah.

Hey Barbara! Maybe I can get you some wine.

Isa toh sa mga kantang memorize ko, pero di ko alam kung sino ang kumanta. Oo ganon ako ka stupid, hindi naman sa tamad talagang ini - iwasan ko makilala ang banda para hindi ako maging fangirl.

Hindi ako nagdalawang isip na ipatay phone ko.

Nilapag ko lang siya at kumuha pa ng isang bote, di pa ako tumitingin sa banda uminom lang ako.

I'm trying my best na hindi sumayaw, kumanta, at tumingin. Kasi ayoko maging plastic.

I don't care what they say

I'm just trying to be one of the boys

Kaso nga lang, nadala ako sa temptasyon na  lumingon, Napatingin ako sa nasa harapan ko, habang umi - inom.

Ay shit ang gwapo.

"Crys, crys. Sino yung nasa harapan ko." Tanong ko sa kanya, di naman maririning ng nasa harapan ko.

"Ah ayan? Si Zild." Kilala ko siya sa mukha pero di sa pangalan, nakikita ko siya sa campus, pero pa sulyap - sulyap lang ng tingin ang aming ginagawa.

Tinignan ko siya sa mata, habang hawak ko ang alak. Hindi ko mapigilan tignan siya,

Ay shet tumingin siya sa akin, at uniwas ako ng tingin.

Kasi sino banaman hindi mahihiya kung ganto ang sitwasyon.

Tumayo ako at di ko na alam kung anong gagawin ko, naisipan kong ayain sumayaw yung dalawa, mukhang wala naman silang ginagawa eh.

"Junnzzz cryzzzz sayaw tayuu." Tumango sila at tumayo, sinabayan nila ako sa pag sayaw at sa pag lipsync sa kanta.

Dance now! Dance now baby! Give it all and I'm gonna start!

Sumasayaw na ako na parang wala akong problema sa buhay, kahit milyon milyon pa siya.

Kinakanta ko ang lyrics na parang walang bukas, hindi ko naman first time na pumunta sa mga gig, pero wala pa akong napuntahan na sumaya ako ng sobra.

Nilagay ko ang alak sa table at nagsaya, wala na akong pake kung ayoko uminom.

Tumingin ako kay Zild ng nakangiti, pero di ko sinasadya.

Ningitian niya ako pabalik!

Halos para siyang tumatawa, pero yung tipong natutuwa.

Feeling ko di na ako lasing, kahit naka ilang bote na ako.

Kontrolado ko na ang sarili ko, at hindi na ako nahihilo.

Masaya ako, sobra.

Laro ♤Zild Benitez♤ iv of spades {hiatus}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon