Prologue
"Miesha, malakas ka. Alam kong kaya mo, kaya paki-usap, lumaban ka!"
"Pano kung... Paano kung sasabihin kong pagod na ako, kuya? Paano kung gusto ko ng magpahinga, hindi mo ba ako papayagan?" she almost whispered.
"Miesha naman, malakas ka! Ngayon ka pa ba mapapagod? Marami ka ng pinagdaan, ngayon pa ba?"
"Kuya, pagod na akong maging malakas e. Pwede bang magpahinga muna ako?"
"Basta ipangako mong magising ka. Ipangako mo, Miesha!"
"Pangako. Pangako, kuya na lalaban ako. Kahit gaano na kasakit, lalaban ako. Pero hindi ako nangangakong magising kasi ayukong umasa kayo. Lalaban ako para sa inyo, kuya, kasi mahal ko kayo. Mahal na mahal."
"Maghihintay ako, Miesha. Hihintayin ko ang panahon kung kailan ka ulit magising."
---
YOU ARE READING
Hidden
Teen FictionFormer title: Invisible Tears This story is edited. And I'm still editing it. Enjoy reading!
