Chapter 1

33.2K 379 32
                                    

"May tumawag ba sa kin, Hope?" Tinanong ni Kathryn ang secretary nya pagkapasok nya sa maliit na opisina sa loob ng gallergy nya.

"Nag-long distance call si Mara from Pinas kanina. Mga one hour ago." Sagot nya habang inaayos ang mga documents sa cabinet.

Napakunot ang noo ni Kathryn sa narinig. "Sinabi ba nya kung bakit?" tanong nya habang naupo sa harap ng desk nya at tiningnan ang mga picture frames na naroroon.

"Ikakasal na daw sya." Hope answered looking at her intently, meaningfully.

Iniwasan nya ang tingin ng kausap. "Talaga?" Nagpanggap syang busy sa ginagawa nya.

"You wont return the call?"

"Later." Sabi ni Kathryn. "Nakaready na ba lahat ng kailangan for the upcoming exhibit?" She tried to divert the topic but her secretary won't let her go easily.

"Kath."

"Alright!" She sighed in defeat at inabot ang phone nya. She dialed Mara's number. "Hindi ko na alam kung sino ba talaga ang boss dito." Bulong nya sa sarili nya at medyo natawa din sya.

"Hello?" Sagot ng nasa kabilagn linya.

She clears her throat playfully. "Hello," Pinalalim nya ang boses nya na parang lalaki.

"Kath!!!" Sigaw ni Mara kaya't inilayo nya muna ang receiver ng telepono sa tenga nya.

"Goodness, Mara. Wag ka ngang sumigaw ng ganyan. Mabibingi ako sayo eh."

"Hindi ko napigilan. Hindi ka kasi tumawag ng 2 months."

"I'm busy."

"Talaga bang busy ka..." Mara's voice turned low. "o baka naman..."

"Mara..." Hindi nya pinatapos ang sasabihin ng kaibigan. "Okay lang ako."

"Sigurado ka ba?" Concerned na tanong ni Mara.

"I'm over him now. One year na rin ang nakalipas. I know that the two of you deserve each other. You make him happy and vice versa, that's the most important thing for me. Kung masaya ang dalawa sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko, wala akong dahilan para hindi maging masaya."

"Thank you, Kath. Thank you for giving us happiness." Naiiyak na sabi ni Mara.

Natawa si Kath sa sinabi ng kausap. "Masyado kang emotional. Are you pregnant?" Pang-aasar nya dito.

Malakas na tumawa naman si Mara. "Paano mo nalaman?"

Nanlaki ang mata ni Kathryn sa narinig. "Buntis ka nga!" Tili nya.

"Oo, four weeks na."

"Kaya ka ba magpapakasal?"

"Actually, naplano na namin tong wedding 3 months ago. The baby is just a bonus. At gusto ko umattend ka sa engagement ko!"

"Kailangan ko munang icheck ang schedule ko."

Mara snorted. "Wala akong pakialam kung ikaw ang pinakasikat na photographer sa buong America. Gusto ko umattend ka sa engagement ko!"

"Can you afford my fee?" Pang-aasar nya.

"Yabang!"

Tumawa ng malakas si Kathryn. "Kelan ba ang engagement party mo?"

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon