Part 11 : Have i found you ...

455 23 8
                                    

Ren's Pov

Tama ba yung narinig ko ? Nagustuhan ni jacob yung nangyari ? Pero ako ?

Nagustuhan ko din nga ba ? Dapat ko bang magustuhan yun ? Napailing ako.

Hindi ako nakapagsalita agad.

Maya maya ay naramdaman ko ang kamay ni jacob na nakahawak sa isang kamay ko.

"sorry ren .. " yun lang ang sinabi nya saka lumabas na ng kwarto.

Parang gusto ko syang pigilan at sabihin na gusto ko din yun , pero nandoon pa din yung katotohanan na mali yung ginawa namin.

===

"ren ?" narinig kong tawag ni trish sa labas ng kwarto.

"pasok ka .. " sabi ko saka nya binuksan ang pinto at pumasok.

"bessy ano na ? baka gusto mong kumain ? kagabi ka pa kaya hindi kumakain .. " paalaa nya sakin.

"sorry bessy ah, wala lang talaga ko gana kumain kagabi eh " sabi ko nalang saka tumayo na.

"lika , kain na tayo " sabi ko pa ulit saka lumabas na at sumunod nalang sya palabas.

===

"bessy , may isusuot ka na ba mamaya ? tanong ni trish

"para saan?"  balik ko naman ng tanong sa kanya.

"mamayang gabi na kasi yung sayawan para sa kasal ni ate jane , yung ate ni jacob " - trish

"ahh uso yun dito ? " - me

"oo bessy , kaya tara na samahan mo na ako sa bayan para makapamili tayo ng isusuot natin mamaya " excited sya ha?!

===

Napakaliwanag ng bakuran nila, malawak at masasabi mong may kaya din naman sa buhay ang mga nakatira dito.

Mula dito sa kinatatayuan ko kita ko ang maraming tao na nagkakasiyahan.

Yung lugar na'to pamilyar talaga sakin.

Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita ito pero para bang nasasabik akong pumasok sa loob at hanapin ang taong gustong gusto kong makita.

"bessy , lika na pasok na tayo sa loob ! "

narinig kong sabi ng bestfriend ko, saka wala sa loob na sumunod na ko sa kanya.

Pagpasok ko sa loob nakita kong maraming puting upuan na nakapalibot sa maliit at mababang entablado.

Platform !, Tama yun yung tawag dun.

dito siguro sasayaw yung ikakasal - sa loob loob ko lang na sabi.

" bessy ! " tawag sakin ni trish nilingon ko sya, naroon sya sa may pinto ng bahay ay may kasamang babae.

Napansing kong medyo kahawig ni jake yung babae kaya marahil ay ito ang kapatid nyang ikakasal bukas.

Nakangiti akong lumapitvsa kanila.

"ate jane , sya nga pala si ren , bestfriend ko " pakilala sakin ni trish nang makalapit na ko.

"hello ren " bati sakin ni jane

"hi po ! congratulations po pala sa'yo ate " nakangiti kong bati din sa kanya.

"thank you ah " - jane

"eh nasaan nga pala si jacob ate ? " - trish

Nang marinig ko ang pangalan niya biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"nasa kwarto niya, kanina ko pa niyayaya na bumaba na eh , ayaw naman " - jane

ayaw niya lumabas ? bakit kaya ? ayaw niya ba akong makita ?

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon