Chapter 33

693 14 0
                                    

Wedding

"Saglit"

Tamad akong bumangon sa kama at dumeretso sa living room para pagbuksan ng pinto ang hinayupak na nakatok

"Saglit nga sabi eh"

Bumungad sa akin ang inip na mukha ni Sky at siya na mismo ang tumulak ng pinto para makapasok

"Bakit naman ganiyan pa ang istura mo? Anong oras na oh?" salubong na kilay niyang sabi bago maupo sa sofa

"Uhm.. 3:32?"

Ngali-ngali niya akong batuhin ng throw pillow sa aking sagot

Bakit kaya? Nagtatanong naman talaga siya ng oras eh

"Yun na nga eh, bakit hindi ka pa nagbibihis eh alas kwatro ang kasal?" asar niyang sabi bago tumayo at nagtungo sa kusina

Sinundan ko naman siya habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri

"Ano naman? Bisita lang naman tayo eh. Kahit nga sa reception na tayo pumunta" bagot kong sagot sa kaniya

Pinapanuod ko siyang magbukas ng cabinet na parang may hinahanap. Maya-maya pa ay kinuha niya ang isang box ng cereals at dumeretso sa ref para kuhanin ang gatas

Kumuha rin siya ng bowl at kutsara saka dito inilagay ang gatas at cereals

"Umupo ka na" masungit niyang utos bago ipatong ang ginawa sa mesa. "Kainin mo na 'yan"

Kunot-noo ko lang siyang tinignan pero pinanlakihan niya ako kaagad ng mata

Sungit

"Yan ba 'yung tinatawag nilang wedding jitters?" pang-aasar ko na ikinairap naman niya

"Nakahanda na ba 'yung susuotan mo?"

"Wala pa nga akong nahahanap eh", cool kong sagot saka sumubo

Iniling lamang niya ang kaniyang ulo marahil ay dahil sa disappointment

Sus. Bakit naman kasi ang OA niya? Hindi naman ako ang ikakasal

Iniwan niya muna ako sa kusina siguro ay para ayusin ang aking kama at ihanda ang aking isusuot

Kaya gusto ko kapag nandito si Sky eh, palagi akong may instant yaya

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako kaagad sa kwarto at tama nga ang aking hinala— ayos na ang aking higaan at nakalatag na rin doon ang aking susuotin

Sakto namang lumabas siya mula sa banyo at saka lumapit sa akin

"Naayos ko na 'yung damit at sapatos mo, inilabas ko na rin 'yung mga kailangan mong gamitin sa mukha mo. Naihanda ko na rin 'yung pampaligo mo. Ang kailangan mo nalang ay gumalaw, okay?"

Mahina naman akong napatawa dahil sa kaniyang sinabi. Bakit naman kaya dito niya naisipang mag-OJT ng pagiging yaya?

"Ya, ligpitan mo na rin 'yung pinagkainan ko ha?" sigaw ko matapos niyang saraduhan ang pinto

Bago pumasok ng banyo ay chineck ko na muna ang damit na pinili ni Sky

Isang simpleng white knee-length body-hugging dress na may manipis na strap ang nakalatag ngayon sa aking kama. Hindi ko naalalang nasuotan ko na 'to dahil ayoko naman ng mga fit na damit

Pumasok na ako sa banyo at nagsimulang maligo. Matapos ng halos isang oras na pagbababad ay lumabas na rin ako at sinimulang mag-ayos ng sarili

Hindi naman ako gaanong marunong maglagay ng make-up sa mukha kaya simple lang ang kinalabasan. At saka alangan namang sobrang bonggahan ko 'to, baka naman mamaya sa akin itapat ang mic kapag magsasabi na ng "I do"

Kinulot ko nalang din ang dulo ng aking buhok bago ito iloose ponytail

Nang makuntento na ako sa aking itsura ay napagpasyahan ko nang lumabas ng kwarto

Napangiti ako nang madatnang mahimbing na natutulog si Sky sa sofa

Dahan-dahan ko siyang nilapitan para gisingin

"Buti naman natapos ka ngayong araw" una niyang sabi pagkamulat ng kaniyang mga mata

Ang OA talaga

Matapos siyang mag-ayos saglit ng sarili ay sabay na kaming lumabas ng bahay

Inalalayan niya akong sumakay sa kaniyang kotse bago umikot papuntang driver's seat

"Saan tayo dederetso?" tanong ko nang mapansing lampas alas singko na pala. "Pupunta pa ba tayong simbahan?"

"Oo. Dumaan na muna tayo doon dahil baka maabutan pa rin natin sila. Madali namang pumunta sa bahay nina Yana kung sakaling tapos na ang ceremony eh"

Tango na lamang ang isinagot ko sa kaniya
Makalipas ang halos trenta minutos na byahe ay nakarating na rin kami sa simbahan. Bumaba kaming dalawa dahil nakita naming nandoon pa ang mga sasakyan kaya malamang ay hindi pa rin tapos ang kasal

Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa simbahan ay rinig ko na ang boses ni Devil

"I only ever thought there were two kinds of loves: the kind you would kill for and the kind you would die for. But you my darling, you're the kind of love I would live for"

Agad akong napangiti dahil sa sinabing iyon ni Dev— okay fine, tatawagin ko na muna siyang Archer dahil nakakakilig siya

"Till death do us part, they say", pagpapatuloy niya sa basag na boses. "I say, I will love you till this life to the next. And if next life won't grace me with you, I will still love you till the next one, and the next, and the next. Till death finally give up on us"

Awww. Ang sweet nun!

You got me, man

Lumingon ako sa aking kasama at nakita kong seryoso lang siyang nanunuod sa harap

Alam kong masakit, Sky. Pero ganiyan talaga

"You're now my home, Julianna. And starting from now on, there will be no more goodbyes, only goodnights"

Matapos ang ilan pang seremonyas ay natapos na rin ang formality ng kanilang kasal

"By the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride"

Malakas na palakpakan at hiyawan ang namayani sa buong simbahan

Maging si Sky ay pumalakpak rin at lumingon sa akin habang nakangiti

"Okay ka lang?" tanong ko bago siya yakapin

Mas hinigpitan naman niya ang yakap at saka humiwalay sa akin

"I'm more than okay, Sammy" matamis ang ngiti niyang sambit. "Honestly, the best feeling ever is realizing you're not sad anymore over something you thought you would never get over"

Muli naming niyakap ang isa't isa dahil sa kaniyang sinabi

Sobrang saya ko para kay Sky, sobrang saya ko para sa aking kaibigan

Hindi bale, alam ko namang mahahanap niya ang pagmamahal na para sa kaniya balang araw. Hindi man sa katauhan ni Yana or sa katauhan ko, hindi rin magtatagal, makikita niya 'yung taong para talaga sa kaniya

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon