Kabanata 1 : Ang Mahiwagang Halaman

147 4 1
                                        

"Doc! Doc! Tulungan ninyo kami! Ang anak ko !"  sigaw ng isang ginang

Agad agad isinugod ng mga magulang sa ospital ang kanilang anak at dinala sa emergency room.

"Sandali lang po. Magintay na lang po kayo sa labas at aming susuriin ang kalagayan ng inyong anak" sabi ng isang nurse.

Makalipas ang dalawang oras ng pag iintay ay kinausap ng doctor ang mga magulang.

"Excuse me, Kayo po ang mga magulang ni Jophet Catu? Ikinalulungkot ko po sir at ma'am. Masyado pong Low tech ang mga kagamitan natin dito sa ating probinsya kaya hindi po masuri ng maayos ang sakit ng inyong anak. Ngayon lang kami nakatagpo ng ganitong uri ng sakit. Kailangan ninyo dalhin sa maynila ang inyong anak dahil dito sa pilipinas, nandoon ang pinaka advance na teknolohiya." sabi ng doctor. 

"Pero doc! sobrang mahirap lang kame at ang tanging pang kabuhayan ko para buhayin ang aking pamilya ay ang pang hoholdap at pandurukot! Kaunti lang ang kinikita ko sa pandurukot ni wala kame pamasahe pa maynila!!!" sabi ng tatay ni Jophet

"Ikinalulungkot ko Mang Douglas ngunit wala talaga tayong magagawa jan sa ngayon at sa totoo lang kung icoconfine mo yang anak mo dito magaaksaya ka lang ng pera dahil di pa talaga nadidiskubre ang ganyang uri ng sakit" sabi ng doktor.

Umiyak ng malakas ang ina ni jophet ng malamang walang ng lunas ang sakit ng kanyang anak at napilitang umalis ang pamilya ng may bakas na pighati sa kanilang mga mukha.

Pag uwi ng bahay agad inihiga si jophet sa kama at naramdaman ng nanay nya na sobrang taas na ng lagnat ni jophet.

"Douglas, Mahal!!!!" sabi ng ina

"Ano yun Angelic? ano nangyari sa ating anak!!!" 

"Hindi ko na kaya ang nangyayari sa ating anak!!! Mapipilitan na ako gamitin ang Black Magic na itinuro sa akin ng aking ina"  sabi ni Angelic

"Wag mong gagawin yan makakahanap pa tayo ng paraan!!!" sabi ni Douglas

Niyakap ni douglas ang kanyang asawa para ito ay tumahan. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng kanyang asawa dahil siya ay isang Ina na gagawin ang lahat para sa kanyang anak. Natulog na ang mag-asawa ng may kaba at hinagpis sa kanilang utak.


3:00 ng madaling araw, tumayo sa higaan si Angelic para tingnan ang kanyang anak at lalong tumaas ang kanyang lagnat. Hindi niya na matiis ang nangyayari sa kanyang anak kaya agad agad niyang kinuha ang nakatagong Ouija Board upang kausapin ang dimonyong binentahan ng kaluluwa ng kanyang ina, walang iba kung hindi si Bathsheba.

Naglaslas ng pulso si Angelic at nagsulat ng Pentagram sa sahig gamit ang sariling dugo, Nagtirik ng kandila sa limang dulo ng bituin at inintay dumating ang ika - 3:07 ng madaling araw.

"Para sa anak ko, gagawin ko ang lahat" Sabi ni Angelic

Crematorium Misatiem Sapiente Diabolica !!!

Nagdilim ang buong kwarto, tumutulo ang dugo sa ceiling at napinturahan ng dugo ang lahat ng pader, 

Lumabas ang sobrang itim na liquido sa bibig ni angelic at isinuka nya ito at nag hugis dimonyong babae ng paunti-unti ang  liquido.

"Bwahahahaha ekekekekek!!!!!! Ako si Bathsheba!!!!! Andito ka ba para ibenta ang wala mong kwentang kaluluwa!!!? dalian mo na bruha ka ng maisama kita sa ibaba!!!" sabi ng demonyo 

"Bathsheba, Andito ako para ipalit ang kaluluwa ko para gumaling ang aking anak! Nagmamaka awa ako" sabi ng ina

"Isa kang Hanggal!!!! Kulang pa ang kaluluwa ninyong mag asawa upang mapalitan ang buhay ng inyong anak! Kung gusto mo magbibigay ako ng impormasyon sa iyo kapalit ang iyong kaluluwa na siguradong makakapagpagaling sa iyong anak!!!! ekekekekek!!!" sabi ng demonyo

hindi na nag isip ang ina at walang alinlangang tinanggap ang pag benta ng kaluluwa sa diyablo.


Sige!!!! pumapayag nako!!! para sa aking anak!!! Ibebenta ko ang kaluluwa ko sabihin mo sa akin kung paano gagaling ang anak ko!!!  sabi ni Angelic

Ekeekkekekekek!!!! Ang sakit ng bobo mong anak ay Katutuborkolosis.  Ang sakit na yan ay nakukuha sa pag singhot ng sobrang sariwang hangin!!! May isang makapangyarihan Dahon   dito sa probinsyang Bulacan na nakakapagpagaling sa kahit anong sakit at kailangan ninyong makuha ito!!!! ekekekekek!!!"  tumawa ng malakas ang demonyo.


" Ano!? sabihin mo sa akin! sabihin mo din kung saan ko makikita yan!" sabi ni angelic

" ekekekekekeke!!! sa bayan ng Meycauayan ay may isang malaking planta na tinatawag na Wanna Merry Corporation kung san nakatago ang mahiwagang halaman sa isang silid na pinaka tuktok ng building.

Dun mismo tinago ng may ari ng kumpanya ang halaman na kanilang pinag aaralan. Tandaan mo ang lugar na iyon ay malaking planta ng taniman kaya pinag aaralan nila ang dahon na kanilang nakuha!!! Sigurado naman na di ninyo makukuha yan dahil mahihina kayong mga tao!!! ekekekekekek!!! Hihigupin ko na ang iyong kaluluwa!!!!!"

Agad agad hinigop ni bathsheba ang kaluluwa ni angelic at biglang nag laho pag katapos. Tumumba sa sahig si angelic hangang makatulog ng tuluyan.

"Angelic! Mahal! gumising ka!!!!" sabi ni Douglas 

Umaga ng matagpuan ni Douglas ang asawa na walang malay at di nagigising pero may sulat na nakalagay sa tabi ng asawa. Nakalagay sa sulat na ito ang lahat ng impormasyon na dapat malaman ni douglas sa sinasabi ng dimonyo na halaman. 

"Anak ng pucha! ang tigas ng ulo mo angelic! dalawa pa kayo ngayon na may sakit! Kailangan ko magpakakatatag! kukunin ko ang halaman na tinutukoy ng dimonyong yun! bakit kasi di ka nakinig sa akin mahal!" isinisigaw ni Douglas sa kanyang utak

Pinagplanuhan mabuti ni Douglas ang pag nanakaw ng tinutukoy na halaman at tinawagan nya ang kanyang ka Riding in tandem.

"Kaibigang Pendukot, Ako to si Douglas may mahalaga akong sasabihin sa iyo"

"Aba? Napatawag ang kaibigan kong si Douglas Mac Catu? naubos na ba yung huli nating ninakaw kaibigan ko? kailangan mo na naman ng pera? kakanakaw lang natin nung isang linggo sa palengke ah?"

Kwinento ni douglas ang mga dapat gawin. Nagulat si Pedro Pendukot sa nangyari sa pamilya ni douglas.

" Doug, Ma frend wag ka mag alala, kahit anong problema magtutulungan tayo, Magdadamayan tayo sa hirap at ginahawa, sa pangkabuhayan pati sa kamatayan. Intayin na lang natin lumipas ang oras at susugod na tayo mamaya" ang sabi ni Pedro

"Salamat kaibigan, Maasahan ka talaga. 7:00 PM  dito sa amin. Mag iingat ka Kapatid."











SINDI - CATUStories to obsess over. Discover now