"Miles?" Mabilis kong pinunasan ang aking luha at hinarap ang aking pinsang si Ivy

"B-bakit?"

"Hinintay kita sa Cafeteria pero hindi ka nag-punta. Kaya nagbakasakali ako na nandito ka sa music room at hindi nga ako nagkamali" Umupo siya sa tabi ko "May problema ba?" kaagad ko itong niyakap at dito na bumuhos ang aking luha.

"Ivy, ang sakit. Hindi ko na kaya" naiiyak kong sabi habang hawak ang aking kaliwang dibdib "Hiwalay na kami ni Bryan"

-----

Ivy's POV.

Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Paano? Parang himala naman yata ang malaman na hiwalay na sila ni Bryan. Ang dami kong gustong itanong sa kanya ngunit pinili kong manahimik at damayan siya.

"Lahat ng bagay ay hindi permanente. Naging isang malaking parte man siya sa buhay mo, kailangan mong bumangon para buoin ang nasirang parte nito nang hindi siya kasama."

"Pero paano? Hiniwalayan niya ako at ipinagpalit sa ibang babae, paano nangyari iyon? May nagawa ba ako? Ano? Ivy please, sabihin mo naman sa akin kung may nagawa akong mali, para--- para maitama ko ito at baka sakaling balikan ako ni Bryan"

Alam kong masakit para sa kanya ang nangyari pero hindi niya dapat hayaan ang kanyang sarili na masaktan sa bagay na hindi niya alam ang dahilan

"May dahilan ang lahat pero kung hindi niya masabi sa'yo, ibig sabihin ay hindi pa ito ang tamang oras. Siguro, kapag handa n'yo ng harapin ang isa't-isa"

Kung tutuusin, kilala sila dito sa school bilang isang perfect couple dahil sa tagal ng kanilang pinagsamahan. Kaya nagtataka ako kung paano nga naman nagawa ni Bryan na lokohin si Miles?

Hinarap ko si Miles sa akin na ngayon ay basang-basa na ang mukha dahil sa kanyang luha

"Magiging okay rin ang lahat okay? Tumahan ka na. Nandito lang ako, Miles"

"Salamat, Ivy"

-----

Warren's POV.

Ilang buwan na ang lumipas mula ng makilala ko ang mag-pinsang si Ivy at Miles. Marami ring nagbago, yung dating kaming dalawa lang ni Ivy ang magkasama sa lahat ng bagay kahit tila aso't pusa na kami, ngayon ay kasama na si Miles.

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon dahil napalapit na ako sa taong hinahangaan ko lang noon, napalapit na ako sa taong gusto kong makasama.

Yung dating palihim ko lang siyang pinapakinggan sa music room, ngayon ay kasama ko na siyang kumakanta.

Ngunit kahit na gano'n, alam kong nasasaktan pa rin siya dahil sa paghihiwalay nila ni Bryan. Kaya simula nung araw na nakasama ko si Miles, hindi ko na siya hinayaang mag-isa sa dilim at inisip na kailangan niyang mapag-isa, hindi na ako umalis at nanatili na lamang sa kanyang tabi para damayan siya.

Naging malapit kami sa isa't-isa. Lagi kaming mag-kasama, para na kaming kambal-tuko na hindi magpaghiwalay.

Natigil ang aking pagiisip nang makita ko si Ivy na naglalakad mag-isa. Tumakbo ako palapit sa kanya at kinulit na naman ito

"Ivy, kamusta na siya? Naibigay mo ba yung pinabibigay ko?"

"Oo" walang gana nitong sagot habang patuloy na naglalakad na tila wala sa sarili, nakakapanibago.

Pinigilan ko siya sa paglalakad at hinawakan siya sa noo, "may sakit ka ba?" Tinabig niya ang kamay ko at naglakad nang muli. Sinundan ko na lang siya sa paglalakad baka kasi bigla na lang siyang matumba, mahirap na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HILINGWhere stories live. Discover now