Chapter 7

7.1K 106 0
                                    



Masayang nag uusap at nag tatawanan sina Lolo Anton at Honey nang may biglang nag door bell.

" Oh, Baka si Ronnie na yan "

" ako na po ang magbubukas ng gate, "

" sige, Hija. "




Pagka bukas niya ng gate ay bumungad sa kanya ang mestisong lalaki na mga nasa edad 25. May dala itong mga maleta at marahang napangiti sakanya.


" Hi??? Ahmmm, Nandyan ba sa loob si Sir Anton Ledezma? "

Tanong nito.

" ahmmm... Oo, Sino po ba sila? "


" Cj! "

Masayang wika ni Lolo Anton na nasa likod na pala ni Honey.

" Sir Anton! 😊 Magandang araw po. "

" Magandang araw din hijo, halika sa loob.. Welcome dito sa bahay namin, Feel at home and enjoy your staying here. "

" salamat po.. "

Pumasok na sila sa loob bahay at ipinakilala ni Lolo si Honey Kay Cj.

" Cj, this is Honey Jane Montañez. She is the Fiancee of my deceased Grandson Rafael. And she's also staying here with us. "

" Nice to meet you, Honey. "

Nakangiting iniabot nito ang kamay sa dalaga. Tinanggap naman ito ni Honey.

" Nice to meet you too, Cj. "


Cj is the Only Grandson of Mr. Randy Ortega na matalik na kaibigan ni Lolo Anton.
Doon ito lumaki sa America at doon narin ito nagtapos ng pag aaral.
At ngayon, nag decide itong umuwi sa Pilipinas para tuparin ang pangako nitong mag tatrabaho sa Hotel Mercedez bilang isa sa mga Board of directors.

Nag offer kasi si Lolo Anton na dito nalang pansamantalang mag stay si Cj sa Mansion since wala pa itong kakilala masyado sa Manila at gusto din kasi ni Lolo na marami siyang kasama sa bahay.



***********************


Naghahapunan sila ng dumating si Ronnie.
Nabigla ito ng makita si Cj. Bago kasi ito sa paningin niya at biglang napataas ang kilay ng makitang nilalagyan nito ng pagkain ang pinggan ni Honey na parang close na close ang mga ito.

" Oh, Hijo! Welcome back! Come here, maghapunan kana rin. Saluhan mo kami dito and we have a special visitor here, Cj Ortega the Grandson of my best friend Randy. "

Wika ni Lolo.

Lumapit si Ronnie sa mga ito at nakipag kamay sa binata. Pero Hindi siya kumain dahil nawalan nalang siya ng gana saka niya tinapunan ng masamang tingin si Honey at umakyat na sa taas.

**********************




Napapansin ni Honey ang kakaibang saya na namumutawi sa mga mata ni Lolo Anton habang nakatanaw Kay Cj na nasa sala habang nagbabasa ng libro.

" Lo, parang ang saya saya niyo po yata na pansamantalang dito Muna titira si Cj.. Malapit po ba kayo sa kanya? "

Biglang tanong niya sabay tanaw na rin sa binata

" Oo Hija.. Nung mga panahong pumupunta ako sa America at bumibisita sa kanila ay napalapit na sa akin ang batang yan.... At Hindi lang yan, naaalala ko sakanya si Rafael. "

" Hmmmm... May pagkakahawig nga po sila ng konti ni Rafael... Pareho po sila ng mga mata, yung mga ngiti nila, yung kilos at pananalita nila... Nakikita ko din po sa kanya si Rafael... Kung Hindi lang po siya anak ng ibang tao, iisipin ko po talagang magkapatid sila.. Hehe.. "

" yun nga Hija... Kaya nga parang kasama narin natin ulit ang namayapa kong Apo... "

" miss na miss nyo na po talaga siya.. "

" Oo naman, ikaw ba, Hindi mo ba namimiss ang taong dapat ay naging asawa mo na? "

" Ahmmm, namimiss ko naman po siya... "

" kaya lang, maaga tayong iniwan ng Apo ko... "


********************




Isang araw kinausap ni Lolo si Honey at sinabi sakanya ang tungkol sa Hotel Mercedez. Gusto kasi ni Lolo na siya na ang mamamahala sa Hotel na dapat sana Kay Rafael.

Tumanggi si Honey sa gusto ni Lolo dahil Hindi niya kayang patakbuhin ang Hotel... Wala siyang experience sa mga ganito kalaking negosyo... College level lang siya, Hindi nakapag tapos ng pag aaral, she didn't have any background to manage a huge business like this.

But Lolo Anton want her to manage the hotel so bad. He really insist...
Kaya naman Hindi na muling Naka angal si Honey, nag aral siya kung paano patatakbuhin ng malago at maayos ang Hotel Mercedez, Nandyan naman si Lolo Anton at Cj para alalayan siya.


Ipinasyal siya ni Lolo sa Buong Hotel pati na sa mga Branches pa nito sa ibang lugar.
Sa mga araw na nagdaan mukhang may mga natutunan na si Honey, araw araw kasi niyang pinag aaralan ang mga techniques at method na gagamitin at wala namang sawang sinasanay siya Nina Cj at Lolo Anton.



**********************




Kinahapunan ng pinatawag ni Lolo, sina Cj, Ronnie at Honey sa sala.

" Pinatawag ko kayo dito para ipaalam sa inyo ang gaganaping victory party sa Hotel Mercedez bukas ng gabi at yun na ang tamang panahon para ipaalam sa lahat na si Honey na ang magiging bagong CEO ng Hotel. "

" ayos po yan Sir Anton.. "

Cj said with a smile on his face.

" Oo, Hijo... And I'm expecting the three of you na dadalo sa party, lalong lalo kana Hija... "

" Opo, Lolo.. Dadating po ako.. Makakaasa po kayo.. "

" Very good... And you should have an escort on that event, a Date rather. "

" ey, Lolo, wag nalang po.. "

" No, you must have a date on that night... You must have to choose, "

" pipili po ako?? "

" yes, between Cj And Ronnie. "

Matagal nakasagot si Honey... Nag iisip pa kasi siya ng Mabuti kung Sino ang pipiliin niyang ka date sa naturang event.

Ayoko Kay Ronnie, may atraso pa siya sakin! He stole my first kiss! 😣😣 Alam ko din namang may ka date na siya, ang bruhang si Mia! Hmmmp!! 😣😒

Wala na naman akong ibang pagpipilian kundi ito nalang lalaking nasa left side ko na Ala Rafael Ledezma ang dating.


" Si Cj po ang gusto ko maging escort.. "

Nakangising saad ni Honey sabay sulyap Kay Cj na ngumiti naman sakanya ng napaka tamis. Naalala niya tuloy ang mga ngiti noon ni Rafael Nung unang beses niya itong makilala.



Napansin ni Lolo Anton sa mga mata ni Ronnie na nadismaya ito sa naging desisyon ni Honey.

Matanda na si Lolo Anton, Pero Hindi Ibig sabihin nun, manhid na siya para Hindi makaramdam...

Malakas ang kutob niya na may gusto na itong si Ronnie Kay Honey...
At ramdam niya din ang pagseselos na nagaganap sa Apo niya dahil Kay Cj, may kahati na kasi ito sa atensyon ng dalaga.

My Brother's Fiancee Where stories live. Discover now