Chapter 6

7.2K 92 2
                                    



After we had breakfast with Lolo Anton tumungo ako sa garden para mag dilig ng mga halaman...

Nangangalahati na ako sa pagdidilig ng mapasulyap ako sa Terrace ng kwarto ni Ronnie.... Speaking of the devil, nandun nga siya matalim ang tingin sakin..

Agad akong nag iwas ng tingin at mahinang kinurot ang sarili.... My Gggggggg.... Kanina paba siya nakatingin sakin??



Nakakainis talaga dahil di ko mawari ang ugali niya, minsan mabait, minsan masungit na para bang inis na inis sakin.

Bakit kung galit o naiinis siya sakin, inaalagaan niya parin ako??
Bakit Hindi parin siya umaalis sa tabi ko?
Dahil ba yun sa utos ni Lolo?
O gusto niya ako kaya ganun??

Ayyy! Mali!

Walang gusto sakin yun, Wala!!! Assuming mo naman masyado Honey Jane!
Walang gusto yung taneng na yun sayo nuhh!! 😶🙄 ... And FYI, Hindi ko rin siya gusto! Hmmmmm.. 😮🤔



Once again, napasulyap na naman ako sa Terrace ngunit Wala na siya doon.

Saan nagpunta yun?

" Honey... "

Hmmmmm... Nasa likod ko siyaaaa.... Bigla yata akong nanlamig...

Hinarap ko siya.

" Yes? May kailangan ka? "


Imbes na magsalita, hinatak niya ako palapit sa kanyang katawan. As in talaga Sobra akong na shock at Hindi mawari ang aking gagawin ni halos nanigas na lamang aking buong katawan at nakatitig sa kanyang mga mata..

Unti Unti niyang inilapit ang mukha sa mukha ko at tuluyan na nga niya akong hinalikan..... I feel the warmth sensation of that kiss... Pakiramdam ko punong puno ng pagmamahal ang halik na Ito...

Saglit pa'y umalis na si Ronnie at naiwan akong napamaang dahil sa nangyari.
Out of the blue kong hinawakan ang aking labi na kanina'y inangkin ng isang lalaking di ko Alam kung mahal ba ako....






*****************





Nagkulong si Honey sa kanyang silid at Hindi na sumabay sa hapunan kasama sina Lolo Anton at Ronnie.

Nakahega siya sa kama habang tinititigan ang litrato ni Rafael. Maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan Pero ni isa wala siyang nasagot.... Naguguluhan siya kung bakit nagawa yun ni Ronnie...

May gusto ba Ito sa kanya??
O Baka naman, pinaglalaruan lang siya??

Hindi niya matanggap na si Ronnie Ledezma ang kanyang naging first kiss!
Isang taong walang ibang ginawa kundi ang asarin at inisin siya...
Isang taong wala namang espesyal na kaugnayan sa kanya...
Nothing's special about that first kiss!
Para Kay Honey, napaka horrible ang sinapit ng kanyang unang halik. 😣




*************




Nagkakape si Ronnie sa may gilid ng Pool habang malalim na ang gabi.
He was thinking about that first kiss of him, with Honey Jane...

Isa lang ang rason na pumapasok sa isipan niya kung bakit niya nagawa yun.

He had feelings for her.... An special feelings towards her.... Ng mga sandaling yun, gustong gusto niyang yakapin ang dalaga at ibigay dito ang una niyang halik...

Pero paano si Mia??
Yun ang natatanong niya sa kanyang sarili.
He is committed with her.
Hindi siya pwedeng magmahal ng dalawang tao.

Pero kahit ganun pa man, Alam niyang Hindi parin si Mia ang makakatuluyan niya sa huli dahil sa isang kasunduan.

He should marry his Brother's Fiancee.

Tradition kasi ng kanilang angkan yun, na pag namatay si Rafael ng Hindi pa nakakasal Kay Honey, Automatically si Ronnie ang magpapakasal Kay Honey Jane, since siya yung kapatid ng namayapa.

Ibig sabihin, sa ayaw at sa gusto ni Ronnie at Honey Jane, nakatadhana na silang ikasal pagsapit ng 25th birthday ng binata. Yun ang nais na mangyari ni Lolo Anton.





*************




Maagang gumising si Honey, nadatnan niya sa may sala si Lolo Anton na nagkakape habang nagbabasa ng business magazines.
Wala kasing pasok Ito sa kompanya dahil weekend.


" Good morning Lolo, "

" Good morning Hija... Kumusta naman tulog mo? "

" Okay naman po Lolo.. "

Aniya habang palinga linga sa paligid na waring may hinahanap ang kanyang mga mata.


" Si Ronnie ba ang hinahanap mo? "

" po? "

" wala siya... Maaga siyang umalis papuntang Sagada para mag bakasyon ng isang linggo kasama si Mia. "

Para siyang binuhusan ng mainit na kape sa sinabi ni Lolo Anton....

Hmmmp!! Paki ko ba?! Kahit magsama pa sila habang buhay wala akong paki! Sana nga Hindi na bumalik ang taneng na yun dito, kung maari Hindi ko na makikita ang pagmumukha ng unggoy na yun! 😣😣😣



****************





Wala naman talagang balak na isama ni Ronnie si Mia sa kanyang bakasyon kaya lang, nagpupumilit ito kaya wala na siyang nagawa....

Pero naisip niya ring ito na ang pagkakataon na magkaroon sila ng quality time together ni Mia.

Ngunit sa loob ng kanilang isang linggong bakasyon Hindi man lang siya na enjoy.
Naninibago siya sa kanyang sarili, dati dati gustong gusto niya ito makasama at ang saya saya niya... Pero bakit ngayon, Hindi na niya ito nararamdaman??

Gusto niyang maging masaya sa piling ni Mia Pero kahit Anong pilit niya wala parin ni kahit katiting na saya?

Bago paman sila umuwi sa Manila, klaro na sa isip at puso ni Ronnie na wala na siyang nararamdaman para sa dalaga...
He felt guilty but he can't deny the truth na ibang babae na ang laman ng kanyang puso.

Hindi niya naman sinasadya na ma fall sa iba.... Hindi niya naman sinasadya na mahulog ang loob sa iba... Hindi niya naman sinasadya na kalimutan ang pagmamahal niya Kay Mia....

He's already fallen in love with his Brother's Fiancee.


***********










My Brother's Fiancee Where stories live. Discover now