Chapter 3

9.7K 125 1
                                    


Pagkatapos ng malagim na trahedya na dumating sa buhay ng mga Ledezma ay muli silang nagsimula ng panibagong buhay at kasali na si Honey dun, syempre.

Honey's POV...

Lumipas ang dalawang linggo buhat nang mailibing na si Rafael ay ipinakuha ako ni lolo sa bahay namin kasama ang ilang mga gamit ko.

Nang makarating ako sa mansion ng mga Ledezma ay isa lang ang masasabi ko, EDI WOW! 😱😱😍

Grabeeee. . sobrang ganda ng mansion nila, ang laki laki pa. Parang palasyo sa mga fairy tales!

Buhay prinsipe pala dito si Rafael.
Garden palang nila, parang isang hektarya na.

Gaganda ng mga bulaklak! Dito at sa gitna ng harden ay may isang malaking swimming pool.

Nang makita ko si Lolo na papalapit sa akin ay umayos ako, baka sabihin niyang napaka ignorante ko! HAHAHAHA

" hija! Welcome sa mansion namin & of course welcome to our family! "

Saglit akong niyakap ni lolo at tinawag niya yung mga katulong para kunin yung mga dala kong gamit.

Iginiya ako ni lolo papasok sa loob nang mala palasyong bahay.
Dito, Mas lalo akong napa wow dahil puros antique yung mga furniture nila dito at hango sa Spanish time ang theme ng kanilang bahay.

" Lolo, "

" bakit hija? "

" bakit niyo po ba ako pinapunta rito? "

Dahil wala talaga akong clue kung bakit at hanggang ngayon suot ko parin ang engagement ring namin ni Rafael kahit wala na siya at hindi na matutuloy pa yung kasal namin.

" hija, since ikaw ang Fiancee ni Rafael, I want you to live here forever. "

May ipinakita na mga papeles sakin si Lolo.

" lahat ng mga ipapamana ko sana Kay Rafael ay mapupunta lahat ng yun sayo. Dahil nga't ikaw na sana yung mapapangasawa niya, ngunit hindi na matutuloy dahil sa nangyaring aksidente. "

" pero lolo, hindi niyo naman po ito kailangang Gawin. "

" hija, tanggapin mo. Tradisyon ito ng angkan namin. "

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin nalang. Alam niyo ba kung saan ang magiging kwarto ko rito?
Edi sa mismong silid ni Rafael!

Iniwan na ako ni lolo sa loob ng kwarto para daw makapag pahenga na ako saglit bago maghapunan.

{ background music : When I meet you by Sarah G. } 🎶🎶

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Ang laki naman dito, may dalawang malalaking closet..... May sariling banyo at reef...
Dalawa pa ang aircon with a huge bed.

I saw a picture sa mini table katabi ng lamp shade. Solo picture ni Rafael.... Hmmmm... Ang gwapo niya talaga!

At may isang litrato pa akong nakita... Yung picture naming dalawa on that night...

Natigilan ako ng biglang umihip ang isang malamig na hangin sa batok ko at biglang nagtayuan ang aking mga balahibo.

" Rafael... Minumulto mo ba ako? Wag naman oh... Aalis nalang ako dito sa mansion niyo. "

Nangangatal na pagkasabi ko.
Mas lalo pang lumakas ang ihip ng hangin kaya di ko na kinaya!!
Kasing bilis ni flash ako nakalabas ng silid at napadpad sa isang jakuzee area ng bahay habang wala ako sa sarili.

My Brother's Fiancee Where stories live. Discover now