Chapter 5

6K 216 3
                                    

Wala sa sarili na nasapo ni Gian ang dibdib sa tapat ng kanyang puso nang makapasok siya sa opisina niya. Napakabilis ng tibok ng puso niya.

Nangyari iyun ng magtama ang mga mata nila ng babaeng costumer niya.

Ang kulay tsokolateng mga mata ng babae iyun ang siyang nagpatibok sa puso niya ng ubod ng bilis.

Pero bakit?

Baka siya ang mate natin?!

Natigilan siya sa sinabi ng kanyang inner wolf.

Hindi kaya tama ang inner wolf niya na baka nga ang babaeng iyun ang mate nila?

Pero paano siya kasigurado dun?

Agad na naisip niya ang kanyang mga pinsan. Paano kaya kung magtanong siya sa mga pinsan niya kung paano nalaman ng mga ito na mate nila ang mga asawa nila?

Naipilig niya ang ulo. Ngayon lang siya nakaramdam nito sa isang babae. Sa dami na ng babae na makakatitigan niya ngayon lang siya nakaranas ng ganitong pakiramdam.

May pakiramdam ako na baka siya nga ang mate natin!

Muli alingawngaw ng kanyang inner wolf.

Naikuyom niya ang mga palad.

Napukaw siya ng pagring ng phone niya na nasa ibabaw lang ng desk niya.

Dinampot niya iyun at ang pangalan ng pinsan na si Stanley ang tumatawag.

Agad na sinagot niya iyun.

"Hey,Stan," tugon niya sa kabilang linya.

"Huwag kang mawawala mamaya sa engagement party ko ah," anang ng pinsan.

Oo nga pala,ikakasal na nga pala ang pinsan niya sa mate nito na si Valerie.

Ask him!

"Susulpot ako,don't worry," aniya.

Ask him!

Humigit siya ng malalim na hininga sa pag-uudyok ng kanyang inner wolf.

"Hey,Stan, Can I ask something?"umpisa niya bago pa maputol ang tawag.

"Sure,ano yun?" matiim na sagot ng pinsan sa kabilang linya.

Tinungo niya ang glass wall sa likod ng desk niya kung saan tanaw ang nagtataasang gusali.

"Paano...paano mong nalaman na mate mo siya?" saad niya sa wakas.

Ilang minuto bago sumagot ang pinsan. Malamang hindi nito inaasahan na magtatanong siya bigla ng ganun gayun lagi niya iniiwasan na pag-usapan nilang dalawa ang tungkol dun.

"Hindi tumalab sa kanya ang kakayahan ko na pahintuin ang lahat ng bagay hindi siya nafreeze.. " sagot nito.

Tumango-tango siya. Wala sa sagot nito ang gusto niyang makuhang sagot. Magkaiba sila ng kakayahan magpinsan kaya paniguradong magkaiba ang paraan para malaman niya kung sino ang mate niya.

"Well,dahil magkaiba tayo may isa lang ang pagkakapareho satin lahat sa oras na matagpuan natin sila," dugtong nito na pumukaw sa atensyon niya.

"What is it?" antisipasyon niyang tanong.

"When your heart beat so fast,hindi normal na pakiramdam na bago sa atin...ang tinatawag nilang Love at first sight," pagsagot nito.

Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi nito.

I told you! She's our mate!

Nagdidiwang na saad ng kanyang inner wolf.

Nasa DREAME na po ang series na 'to.

CallmeAngge in DREAME.

Howling for Love Series 6 : GIAN DEBLOISE byCallmeAngge(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now