Chapter 4

5.5K 213 7
                                    

Namamangha inilibot ni Nhovie Ann ang mga mata sa buong paligid habang hinihintay nila ang kanilang order. Napakaganda ng paligid. Sobrang artistic pa para lamang sila nasa hardin na napapalibutan ng iba't-ibang kulay na rosas.

Amoy bulaklak din ang paligid. Nakakamangha kaya naman pala sikat na sikat ang restaurant na ito.

Tumango-tango siya. Five star talaga sa kanya ang restaurant na ito.

"Ang daming tao buti na lang nakakuha tayo agad ng table," untag ng kababata niyang si Alvin habang abala sa pagtipa ng celpon nito.

"May second floor naman di ba?" aniya sabay sulyap sa may hagdanan na patungo sa pangalawang palapag.

Nag-angat ng mukha sa kanya ang kababata.

"Nope,exclusive for the owner family lang daw ang pangalawang palapag," anito.

Napatikwas siya ng isang kilay.

"For real?" aniya.

Well,malaki at malawak naman ang restaurant pero pinagtataka lang niya kung bakit hindi na lang maglagay ng second floor ang mga ito since na dinadayo talaga ang lugar na ito.

"Marami naman na silang branches kaso nga lang ito daw ang main restaurant na unang tinayo," inporma nito sa kanya.

Tinaasan niya ng kilay ang kababata.

"Alam na alam ah,"aniya.

Ngumisi ito sa kanya. " One time na ako nakapasok dito,"anito.

Pinaikutan niya ito ng mga mata.

"Galante ka talaga sa mga chicks mo eh noh,tapos sakin kung saan-saan food court mo lang ako nililibre,"sabi niya rito.

Tumawa ito. "Ikaw lang ang babae na kilala ko na walang arte sa pagkain except that mushroom,allergic ka dun eh," anito.

Humalukipkip siya at sumandal sa upuan niya. Inabot niya ang inumin na Rose flavor din.

Kamangha-mangha!

Maya-maya ay may lumapit na matangkad na lalaki na bitbit ang order nila ni Alvin.

Inabala lang niya ang sarili sa pagsimsim sa baso nya.

"Thank you,amoy pa lang ang sarap na,worth it talaga ang ibabayad mo dito," bulalas ng kababata.

Kahit kailan talaga parang babae itong kaibigan niya. Masyadong madaldal dinaig pa siya nito sa kasasalita.

"This is your order,ma'am,rosebud instead mushroom," anang ng baritono nitong boses.

Nakuha niyun ang atensyon niya. Ang galing lang imbes nga na mushroom ang ilagay rosebud nga ang inihalo dun.

Nakangiti na tiningala niya ang waiter para magpasalamat.

Hindi siya kaagad nakapagsalita ng magsalubong ang kanilang mga mata.

Kulay bughaw ang mga mata nito. Nakakalunod pa kung tumingin. Higit sa lahat ngayon lang din siya magugwapuhan sa isang lalaki. Oo,napakagwapo ng lalaki na katitigan niya.

Agad na kumabog ng malakas ang dibdib niya at napakabilis pa ng tibok ng puso niya pakiramdam niya huminto ang ikot ng mundo habang magkatitig sila ng lalaki.

"Enjoy your meal,Ma'am,Sir..."

Agad na natauhan siya ng magsalita ito. Bigla siya nakaramdam ng pagkapahiya.

Tumikhim siya at nagbawi ng mga mata rito.

"Salamat,"mahina niyang saad.

Wala naman kamalay-malay si Alvin dahil sarap na sarap ito sa kinakain nito.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Alam niyang nakatitig pa rin sa kanya ang lalaki at sandali pa ay tahimik na itong umalis.

Doon lang niya napagtanto na pigil-pigil pala niya ang kanyang hininga.

Damn,ano bang nangyayari sakin?

Howling for Love Series 6 : GIAN DEBLOISE byCallmeAngge(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now