Sarah mentally shook her head to erase the image of Gerald's amazing body. Muling nanlaki ang mga mata ng maalaala ang kaniyang sitwasyon. "W –hat are you doing here?" She said nervously.

“What am I doing here?" Ethan one eyebrow arched cynically. "As far as I could remember, this is my house and you're in my room," He announced. Putting more emphasis on the word 'house' and 'room'.

"Your house? your room?" Ang hindi makapaniwalang sabi ni Sarah.

"Yes," Gerald replied nonchalantly. Binuksan ang closet at humugot ng puting T-shirt. "You are too drunk last night and to make the story short inuuwi kita sa bahay ko." Muli nitong binigyan ng diin ang salitang 'bahay ko'. "Dahil hindi ko naman alam kung saan ka nakatira." Ang paliwanag nito habang nagsusuot ng pangitaas.

Inuuwi sa bahay niya? Pero paanong nangyari iyon samantalang iniwan niya ito sa unang bar na pinuntahan niya, maliban na lang kung sinundan siya nito.

“And yes, to satisfy you. Sinundan kita kagabi,” Gerald answered her thoughts. “And dahil nandito ka na rin lang ay pagkakataon mo ng magpaliwanag."

Ano namang dapat niyang ipaliwanag? Hindi ba at ito ang dapat nagpapaliwanag dahil dinala siya nito sa bahay nito ng walang paalam. Pero bago pa niya masabi iyon ay muling nagsalita si Gerald.

"Tell me, what else is not true sa resume na ipinasa mo sa opisina aside from your address?"

Sarah gulped. Paano nalaman iyon ng boss? Sinadya talaga ni Sarah na ibahin ang ibang detalye tungkol sa kanya. Ayaw niyang may makaalam kung saan talaga siya nakatira sakaling magkaroon ng problema. Ginamit lang naman niya ang trabaho dahil sa kanyang plano... na hindi nagtagumpay.

Gerald eyed her and waited for her answer but Sarah kept her silence at mukhang walang balak sumagot at pilit iniiwas ang tingin kay Gerald.

A frown creased on Gerald's forehead. Peeved. Hindi nito gusto ang ipinapakitang pambabalewala ni Sarah sa mga sinasabi niya.

“Alam mo bang pwede kitang idemanda sa pagsisinungaling mo?” Gerald threatened, which immediately gets Sarah's attention. 

Idedemanda? Ibinaling ni Sarah ang paningin kay Gerald para magpaliwanag. "I – I never meant to---" Sarah stammered. Paano kung idemanda nga siya ni Gerald? Pero teka, bakit ba kailangan niyang magpaliwanag. Nagresign na siya sa trabaho, pangatlong araw na ngayon kaya hindi na siya nito emplayado.

“Papalampasin ko iyon, I guess it’s not necessary.”

Sarah released a sigh of relief at muling nadako ang paningin sa katawan ni Gerald na nagkataon namang inaalis ang tuwalya na nakatakip sa baywang nito at hindi maintindihan ni Sarah kung bakit sa halip na takpan ang mata ay natuon ang paningin niya doon. Laking pasalamat na lamang niya at nakasuot na ito ng boxer briefs.

"Hindi ko alam kung ako ba ang dapat mailang sa panood mo sa ginagawa ko. Ganoon ba talaga kaganda ang katawan ko at hindi mo maiwasang hindi titigan?" Gerald teased at kung pinamulahan ng mukha si Sarah kanina ay mas lalo na ngayon. Dahil huling-huli siya ni Gerald kung saang parte ng katawan nito siya nakatingin. She immediately spun around to hide her face in embarrassment and gritted her teeth when she heard him chuckled.

Naring niya ang kaluskos mula sa pagbibihis nito at ang pagsara ng closet. "I'm finished, pwede ka ng humarap."

Sarah inhaled deeply and face him again. "Bakit ganito ang suot ko?” She pointed at the shirt na kasalukuyan niyang suot.

"Isinuka mong lahat ang nainom mo kagabi at nagkadumi ang damit mo. Ayaw ko naman na mangamoy ang kama ko, so I took the priveledged of undressing my guest," Gerald explained, eyes were intent on her waiting for her reaction, at hindi ito nabigo ng makita ang kaniyang reaksiyon.

"W—hat ikaw ang nagbihis sa akin!”  She exclaimed. Nanlalaki ang mga mata. Hinubaran siya nito, ibig sabihin nakita na nito ang lahat-lahat sa kanya?

"What do you want me to do? Alangan naman na gisingin ko ang mga kasambahay para sabihin lang na may kasama akong babaeng lasing na puno ng suka ang damit kaya’t pwede bang pakibihisan ito. I’m not that inconsiderate para istorbohin sila sa oras ng pagtulog." Gerald explained nonchalantly, na para bang hindi big deal dito ang ginawa nitong paghuhubad sa kanya.

“Kaya ikaw ang gumawa ganoon ba?!” Sarah said under her teeth. The nerve of this man! Sino ba ito sa akala niya at basta na lang siya hinubaran ng hindi niya nalalaman.Yes, she offered herself to him but it doesn't give him the right to take her clothes off without her permission!

"Anong problema? Makikita ko rin naman iyan kung sakaling tinanggap ko ang alok mo."

"At dapat magpasalamat pa ako sa iyo ganoon ba?" Sarah hissed.

"Hindi ba at dapat ay ganoon na nga ang gawin mo."

Ano daw? Bakit ba napakaantipatiko ng lalaking ito. “May ginawa ka ba sa akin? May ginawa nga ba ito sa kanya? Her eyes widened for her extreme thought. Pero wala naman syang nararamdaman sa katawan.

“I'm not a rapist to have sex with you while you were sleeping. Lalo na at sa isang babaeng halos wala na sa sariling katinuan dahil sa kalasingan. Pero kung sakali naman, ano naman magiging problema kung may nangyari nga sa atin?" He smirked. "As far as I could remember, you offered yourself to me in exchange of money at kung hin--"

"That’s almost three days ago!" Sarah cut him off. Her chest rose and fell in anger. Ang magaling na lalaki, ipinamumukha nito talaga sa kanya ang ginawa niyang kagagahan.

“Exactly my point… Dahil kung ibang lalaki lang siguro ang nakakita sa'yo na susuray suray sa kalye ay malamang talagang napahamak ka na."

Sarah clenched her fist to ease her anger. “Why, thank you, Mr. Anderson.” The insincerity on her tone was obvious pero hindi iyon pinansin ni Gerald.

“You’re welcome, Miss Geronimo." Ang nakakalokong sagot nito, bago ng bow na tila isa siyang dugong bughaw. Na inirapan naman ni Sarah.

Kung tutuusin ay dapat niya talaga itong pasalamatan, pero simula ng tanggihan siya nito ay hindi mawala-wala ang inis niya sa lalaki.

“I need to go home.” Tangkang lalabas na ng kwarto si Sarah ng mapatigil siya sa sinabi ni Gerald.

“Wearing my shirt." Gerald raised an eyebrow.

Yes, Sarah was wearing his T-shirt and his groin hardened seeing her with his own shirt.  Magulo ang buhok nito dahil sa pagtulog but it didn't make her less beautiful, at mas sexy pa nga ito sa paningin niya. And those pretty legs. Oh, how he wants to feel those pretty legs around his waist habang hinahalikan niya ito. His eyes move up to her breast. Not big, not small, katamtaman lang, and just right for him.

Sarah cleared her throat getting uneasy with Gerald very obvious staring. He was gazing at her as if she wears nothing. Sus kagabi nga nakita na niya ang katawan mo. Ang sigaw ng kanyang isip.

Gerald shook his head at kinalma ang sarili, kung ano-anu na ang naglalaro sa utak niya. "Wait here at ipapapanhik ko ang mga damit mo.” And curse himself silently when his voice comes out hoarse. He cleared his throath before he spoke again. "Pwede kang maligo kung gusto mo." At tuluyan ng umalis.

Ilang beses nagpakawala ng buntong-hininga si Gerald ng makalabas ng kuwarto. Pakiramdam niya ay kailangan niya ulit ng cold shower. Kagabi ay halos isang oras syang nagtapat sa shower upang alisin ang pagiinit ng katawan. Ginawa niya ang makakaya upang huwag tingnan ang katawan ni Sarah habang pinapalitan niya ito ng damit kagabi pero natukso siya. At ang reaksyon ng katawan niya kagabi at kanina ay iisa. He wants her. In his arms, in his bed habang hinahalikan niya ang malasutlang balat nito. Gerald groaned when he felt the stirring of his groin. Gustong pagsisihan kung bakit tinanggihan ang alok ni Sarah.

Fallin' (Edited version of Can't Help Fallin')Where stories live. Discover now