Chapter 10

347 8 0
                                    

Chapter 10: An end to a new beginning

Alona Dela Cruz

Maaga na naman ako nagising dahil gagawa ako ng letter para kay Austin. It's about saying thank you and saying goodbye. Hay! Ayoko kasi pinagmumukhang tanga ang isang tao.

Anyway, nag-ayos muna ako ng mga dadalhin ko mamaya sa para sa school.

Nang matapos na ako mag-ayos ng gamit, mag-ayos ng sarili at natapos na din ako magsulat ng letter para kay Austin. Aalis na sana ako papuntang school nang biglang tumawag sa akin si Austin. Well, ako di ko na sinagot yung phone. Dumiretso na lang ako sa sakayan kaso naabutan ako ni Austin, ihahatid nya daw ako ulit.

So Awkward.

"Can I say something?" Nag-aalangan pa akong kausapin siya kasi nakangiti siya habang magkasama kami. Hirap magkaroon ng isang tulad niyang masyadong masayahin.

"Ano po yun?" Tumingin siya sa akin at ngumiti na naman. Wag ka na nga ngumiti! Lalo akong nakokonsensiya sa gagawin ko e.

"Di ba ka nagagalit sa akin?" Tanong ko. Alam kong strikto siya sa halos lahat ng bagay lalo na ang celebrations kaya alam kong galit siya sa ginawa ko.

"Bakit ako mamagalit sayo? Dahil doon ba sa hindi ka pumunta kahapon?" Nawala ang ngiti niya at parang naguluhan pa sa sinasab ko pero bumalik din ang ngiti niya.

Tumango ako. "Oo. Di ka galit?"

"Bakit ako mamagalit? I understand naman kung bakit hindi ka nakapunta kahapon." Naiintindihan? Naguguluhan ako sa kanya. Di siya ang Austin na kilala kong magagalit kapag may mali ka nagawa sa kanya.

Pero hinayaan ko na lang siya. Kungkukulitin ko pa siya baka lalong lumala ang sitwasyon. Sabihin ko na ba? "Uhh... okay. Eh hindi ka ba mamagalit kung sasabihin ko na..."

Nakababa na kami ng tricycle. Kasalukuyan kaming naglalakad sa may gilid ng highway papuntang school. Gusto ko na siyang pabalikin dahil late na siya sa klase niya.

Hinawakan niya ang kama ko. Sinakop niya ng mga daliri niya ang spaces sa mga daliri ko. Napatingin ako sa bracelet naming dalawa. "Bago mo sabihin yang sayo, ako muna okay?"

Tumango ako bilang sagot. Tsaka ko na lang sasabihin after niya sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Alona, gusto ko muna sana na mag-cool off muna tayo. Tsaka ko na lang ie-explain sayo kapag okay na ang lahat." Napatigil kaming dalawa sa isang bench na malapit sa park.

Di ko alam kung mabubuhayan ako o mamamatayan ng damdamin pero ang sakit palang marinig sayo ang mga ganung salita.

Ano pa kaya kapag sinabi ko na hihiwalayan ko na siya? Iniisip ko pa lang, ang hirap nang gawin. Para bang hindi ako naging mabuting girlfriend sa kanya, para bang pinaglaruan ko lang siya.

Masakit, masakit din para sa part ko.

I am letting go a great man who give the best in me, you supported me through my ups and downs.

"Cool off pa? Break na lang..." Suwestyon ko. What's the sense of cooling off kung gagawin lang namang paraan yun para maghiwalay kaming dalawa.

Just A DreamWhere stories live. Discover now