Chapter 3

623 16 2
                                    

Chapter 3: Doubt

Alona Dela Cruz

Pumunta kami ng McDonald's kasi nandoon yung mga friends niya. Ang dami nila, puro lalaki. Medyo nahiya ako nun. Syempre, ako bumitaw na sa kamay ni Marcus Tyler baka kung ano pa isipin nila, di ba? Paano kaya naging kaibigan ni Marcus Tyler 'to? Mayaman kasi kaya may power siya na makilala yun no.

"Guys, this is Alona Dela Cruz." Pagpapakilala sa akin. Napatigil sila sa pagkukulitan at tiningnan ako ng masama. Anong problema nila? Di ko alam kung matatakot ako o ano e.

"Hi!" Maikling sabi ko na lang. I don't want them to judge me by my words kaya naman isang ngiti din ang binigay ko sa kanila.

Pinakilala sa akin ni Marcus Tyler yung mga kasama niya na si Carson, Carl at Rey.

"Bakit ka nahihiya sa amin?" Hinila ako bigla paupo ng isang lalaking naka-leather jacket. Is he a gangster or hoodlum? But by the looks of him, hindi siya nananakit kasi maamo ang mukha niya. This must be Rey.

"Di kami nangangagat, si Marcus Tyler lang." Malakas na tawanan ang sumunod na nangyari. Sumimangot lang si Marcus sa kanila at tumabi sa akin.

"Ako na naman." Walang ganang sagot ni Marcus. Bakit ang cute niya kapag naka-pout? Sabagay, baby face kasi e.

"Please lang! Order na kayo, gutom na ako." Sabi ng chinito guy na nasa dulo ng table na si Carson. Naka-jacket naman siya at may piercing sa may kaliwang tenga but cool niya tingnan.

"Palagi ka namang gutom Carson e." Binatukan siya nung isang lakaking naka-leather jacket din na si Carl at may piercing. Bumagay sa kanya ang messy hair. Medyo nagmumukha tuloy siyang emo.

Pagkatapos nun eh kumain kami sa Mcdo. Buti na lang may money akong dala but si Marcus Tyler napakakulit, ililibre na lang daw niya ako.

Syempre, di ako pumayag kaso walang laban e. Buong boys na yung kumulit sa akin. Nag-usap kami about sa sasalihan nilang competition doon daw sa city nila, actually sila lang nag-uusap at nakikinig lang ako sa kanila.

OA naman? Pag-uusapan na lang yung sa laban nila, dito pa sa amin. Layo ng pinagpupulungan nila. Ako, di na ako nakinig sa pinag-uusapan nila. Naglaro na lang ako ng games sa phone ko habang nakikinig ng music.

"Alona, gusto mo ba? Hey!" Nagulat na lang ako nang alisin bigla ni Rey yung earphones ko. Panira naman ng moment 'to oh.

"Huh? What? Ano yun? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ko. Ano daw? Di ko sila maintindihan, di naman ako nakikinig sa kanila e.

"Tinatanong kita kung gusto mo ba?" Nakatingin sila ng masama sakin. Anong meron? Anong gusto ko ba ang ano?

"Gusto? Can you clarify what you are saying?" Di ko sila maintindihan. Puro pa sila pa-suspense, nagtitimpi lang ako sa kanila kaya umayos sila.

"Kung gusto mo sumama sa bahay nila Marcus Tyler?" Sabay-sabay silang ngumiti with matching puppy eyes except for Marcus, nakatungo lang siya. It won't work.

"Ano gagawin natin dun? At tsaka maggagabi na. Ayoko sumama." Bumalik na ako sa paglalaro, since wala naman akong mapapala sa pakikipag-usap sa kanila.

"Magla-livestream lang kami, kasama ka. Sumama ka na. Ihahatid ka naman ni Marcus Tyler hanggang sa bahay niyo."

"Kahit gusto ko, hindi talaga pwede. Okay?" They sighed in defeat.

Nagulat ako kasi nakita ko yung mga dati kong classmates na papunta ng Mcdo at kasama nila si Austin. What? Bakit nila kasama yun? Syempre ako, sabay tayo at lumapit sa kanila.

Just A DreamWhere stories live. Discover now