1] Bar

61 7 5
                                    


Azalea Esquivel

"Sige na kasi, Aza! Sama ka na sa'min nila Mira and Ciana." Pamimilit pa ng isa sa matatalik kong kaibigan na si Lian. Nakanguso siya habang pilit na hinihila ang kamay ko pero hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko.

"Ayoko nga kasi, Li." Pagtanggi ko sa alok niya. Niyayaya niya kasi akong sumama sa kanilang tatlo na magba-bar daw kami. Ayaw ko naman dahil hindi ko hilig na pumunta sa mga ganoong klaseng lugar. Also, I don't drink.

"Bakit ba kasi ayaw mo, Az? C'mon! Today's the last day of vacation and bukas may pasok na! Sama ka na sa'min, please? Mag-eenjoy ka tonight, I swear!" Pamimilit niya pa pero mariin ko siyang inilingan at matamang tiningnan.

"See? May pasok na bukas, Li. I need to sleep early. At isa pa, Dad and Mom won't allow me to go. Pati na din sila Kuya and Ate,"

"Iyon lang naman pala pinoproblema mo eh! Don't worry, Az! Ipapaalam kita kila Kuya Azar and Ate Aziah. Kung gusto mo, pati na din kila Tito Caesar and Tita Azriline. And, hindi tayo iinom ng alcoholic!" Nakangiting sambit niya habang nakataas ang kanang kamay.

Seryoso ko siyang tiningnan at inilingan.

"My answer is still no, Lian." Sambit ko at akmang papasok sa kwarto ko ng bigla na lang hatakin ni Lian ang kamay ko at tumakbo. Masyadong mabilis ang nangyari. Nakarating na pala kami sa Dining Room at naabutan namin doon sila Mom, Dad, Ate and Kuya.

My parents are here dahil restday nila ngayon. Bukas, balik na naman sila sa trabaho. Napatingin sa amin si Ate Aziah. My older sister.

"Lian! Azalea! Come and join us," pagyayaya ni Ate. Mabilis naman akong hinila ni Lian palapit kila Mom and Dad. Iritadong binalingan ko siya ng tingin at mariing inilingan.

"H'wag na kasi, Lian."

She rolled my eyes at me and looked at my family with a big smile on her face.

"Hi po, Tita and Tito! Hi po, Kuya Azar and Ate Aziah!" She exclaimed with full of enthusiasm. I sighed and shook my head. Wala na 'kong magagawa. Hihintayin ko na lang ang sagot nila Daddy. But I'm pretty sure that they won't allow me to go. Especially they are strict and it's already seven in the evening.

"Oh, Lian, come and join us." Alok ni Mommy pero magalang na inilingan siya ni Lian.

"Tita, Tito, ipagpapaalam ko po sana si Azalea."

Daddy, say no.

"What? Bakit? Sa'n ba kayo pupunta?" Tanong ni Daddy.

"Uh, pupunta po sana kami sa Acosta Circle Heights."

I saw Ate Aziah's forehead knotted.

"Acosta Circle Hights? Are you guys going to a bar?" Kunot-noong tanong ni Ate sa aming dalawa ni Lian. Masamang tumango naman si Lian at tsaka tiningnan ang parents ko.

"Magba-bar po sana kaming magkakaibigan sa ACH. Gusto lang po namin sulitin 'yung huling araw namin ng bakasyon, Tita and Tito. Back to school na po kasi tomorrow. Mag-eenjoy po muna sana kami. Hindi naman po kami iinom ng alcoholic. We're just going to have fun po—" Natigil ang mahabang pagpapaliwanag ni Lian ng sumagot si Daddy na ikinalaglag ng panga ko.

"It's okay, hija. Mag-bar na kayo." Nakangiting sambit ni Daddy kay Lian kaya nagtataka ko siyang tiningnan habang si Lian naman ay nagdidiwang na at panay ang pasasalamat kay Daddy.

"Dad, are you serious? You're allowing me to go at the bar at this time?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Daddy na si Mommy naman ang sumagot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Escape Where stories live. Discover now