B3C20: The Black Dagger (part 2)

820 73 1
                                    

Ang naka itim na robang lalaki ay lima o anim metrong layo mula kay Linley ay hindi binigyang pansin ang Shadowmouse, ngunit nang makita kung gaano kamanghamangha ang bilis ni Bebe, ang malamig na mukha nito ay nagpakita ng pagkamangha. "Anong klaseng bilis ito?" Ang naka itim na lalaki ay nagmamadaling isangga ang kanyang itim na patalim.

Makikitang, itong naka itim na robang lalaki ay mukhang mas malakas kumpara sa orihinal na assassin. Kahit papano nang makaharap si Bebe ay naroon pa rin ang presinsya sap ag-iisip at bilis na gamitin ang patallim nito.

"Swish!" Mabangis na ikinalmot ni Bebe ang kanyang matalas na kuko.

"Clang!"

Habang ang kuko ni Bebe ay humampas sa patalim ng assassin, ang itim na patalim ay sumabog at nagkapira-piraso, habang ang kuko ni Bebe na walang bahid ay marahas na agad inihiwa sa uko ng naka itim na robang lalaki, deretsong pumutol sa ulo. Deretsong ikinamatay ng lalaki.

"Ang distansya sa pagitan ng ika-anim na ranggo at ika pitong ranggo ay talagang napakalaki." Nang makita ito, hindi mapagilan ni Linley na mapabuntonghininga.

Si Bebe ay isang nakapangingilabot na Shadowmouse na kahit ang makapangyarihang Velocidragon na magical beast ng ikapitong ranggo ay napilitang tumakas. Batay sa lakas ng matutulis na kuko at matatalas na ngipin ni Bebe, ang pumatay ng magndirigma na nasa ika-anim na ranggo ay kasing dali lang kagaya ng pagkain ng kanin.

"Riip!" Si Linley ay tumakbo patungo sa bangkay at pinunit ang damit ng naka-itiim na lalaki, agad na kinuha ang nakatagong backpack. Walang ng ibang ginawa, agad siyang tumalikod at tumakas patungong hilaga. Tumaas ang bugso ng hangin palibot sa kanyang binti, elegante at maliksi siyang nagsimulang gumalaw na halos walang makikitang bakas na kanyang dinaanan.

Pagkaraan ng ilang sandali, ang pangalawang grupo na mga naka-itim na damit na mga lalaki ay dumating din sa wakas. Nang makita ang pinsala sa ulo ni #2, lahat sila ay napakunot noo.

"Isang magical beast?" Ang imahe ng iba't-ibang magical beast ay nagsimulang naglalaro sa isipan ng naka-itim na lalaki. "Isang Blue Shadowmouse ng ika-anim na ranggo? O isang Violet Shadowmouse ng ikapitong ranggo? O isang Gold Stoneater Rat ng ikapitong ranggo?" Ang mabangis ngunit maliit na marka ng kuko ay malamang kagagawan ng isang klase ng daga na magical beast.

Sa Mountain Range of Magical Beast, may mga taong naniniwala na ang pinakanakakatakot na posibilidad ay ang makatagpo ng isang magical beast ng ika-walong ranggo o ika-siyam na ranggo. Ang iba ay naniniwala na ang makakatagpo ng nakakatakot kuyog na grupong-klase ng magical beast. Ngunit sa puso ng naka-itim na lalaki, ang pinakanakakatakot na pasibilidad ay ang makatagpo ng kulupon ng Stoneeater Rat o kulupon ng Shadowmouse.

Ang Stoneater Rat ay may nakakakilabot na panangga, matalas na ngipin at matalas na kuko.

Ang Shadowmouse ay may mataas na bilis, matalas na ngipin, at matalas na kuko.

Kung ang kulupon ng ilang libo o libo-libong Shadowmouse o Stoneater Rats aatake, kahit ang hukbo ay maaaring walang matitira, ano pa kaya sampu?

"Bumalik na tayo ngayon din!" Walang kahit konting pag-aatubili, utos ng naka-itim na damit na pinuno.

.......

Sa gitna ng matarik na kabundukan at tagaytay, patuloy na tumatakbo si Linley, paakyat sa paikot sa taluktok ng bundok. Pagkatapos tumakbo ng halos isang daang kilometro ng deretso, naniniwala si Linley na ang humahabol sa kanya ay hindi na siya mahuhuli.

"Boss, bilisan mo at buksan mo na ang backpack at tingnan kung ano ang nasa loob!" Agad na hinimok ni Bebe.

Ang puso ni Linley ay puno din ng pananabik. Habang mas makapangyarihan ang kalaban ay dapat mas lalong maraming magicite core ang laman ng kanyang backpack. Iyong orihinal na assassin ay merong 15,000 gintong barya na halaga ng magicite cores at magicite gems. Magkano ang kaya ang ikalawang assassin, na siyang tinagurian bialng #2?

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Where stories live. Discover now