B3C7: The Journey (part 1)

1.2K 81 7
                                    


Bumalik tayo ilang linggo na ang nakaraan, ika-5 ng Hunyo.

Sa hapon na ito, nagpaalam si Linley sa tatlong itinuring na mga kapatid. Naksabit sa likod ang balat na bag, si Linley ay binaybay ang daan patungong Mountain Range of Magical Beasts.

"Skwek! Skwek!" Masayang sigaw ng maliit na Shadowmouse na nakapatong sa balikat ni Linley.

""Boss, sa wakas patungo na talaga tayo sa Mountain Range of Magical Beasts. Wow! Sobrang excited ako!" Ang tinig ng maliit na Shadowmouse ay umalingawngaw sa utak ni Linley. Ngumiti lang si Linley. Sa mga sandaling iyon, isang puting sinag ang lumabas at nag anyo bilang si Doehring Cowart.

Sinabi ni Doehring Cowart, "Linley, kapag naglalakbay kang nag-iisa, dapat kang mag-ingat. Marahil ay makakatagpo ka ng mga bandido."

"Alam ko Lolo Doehring." Tawa ni Linley.

Ilang beses na paulit-ulit na sinabi ni Lolo Doehring ang babala tungkol sa panganib ng mag-isang naglalakbay. Sa ngayon si Linley ay nakadamit ng matigas pantalon at walang manggas na t-shirt. Kung pagbabasihan ang umbok ng kanyang mga kalamnan, kahit sino ay siguradong masasabing isa siyang mandirigma (warrior).

Ayon kay Lolo Doehring, sa Mountain Range of Magical Beasts, ang roba na kasuotan ng isang mage ay mahirap gamitin at magiging sagabal lang.

Mabilis ang kilos ni Linley. Kahit na ang daan mula Ernst Institute patungo sa kabundukan ay may baku-bako, pero kung ang pagbabasihan ay ang stamina ni Linley bilang warrior ng 4th rank, sa loob lang ng isang oras ay madali niyang tinahak ang 40 kilometrong layo. Tamang-tama naman, bigla siyang may nakitang tatlong tao sa unahan.

"Hmn?" Natuon ang tingin ni Linley sa partikular na tao.

Ang taong iyon ay talagang naka roba pa ng isang estudyante ng Ernst Institute. Sa natirang dalawa, ang isa ay sobrang maskulado at may dalang higanteng warblade sa kanyang likod. Ang isa namang lalaki ay sobrang payat, at may shortsword na nakasukbit sa gilid nito. Iyong payat na lalaki ay alertong tumungo at tinitigan si Linley.

Hindi nag aksayang pagtuunan ng pansin ni Linley ang mga ito at mas binilisan pa at humandang daanan lang ang mga ito.

"Linley, ikaw ba yan?" Biglang sabi ng isang boses.

Nagtatanong na lumingon si Linley. Ang lalaking nakaroba ng isang magus sa Ernst Institute ay nakangiting tumawag, "Linley, ako si Delsarte [De'sha'te], natatandaan mo ba ako?"

"Oh, Delsarte, ikaw pala yan!" Huminto si Linley.

Totoong kilala ni Linley si Delsarte.

Si Delsarte ay katulad niyang isang wind magus ng 5th grade class. Bagaman hindi sila masasabing may malalim na pagkakaibigan, magkaklase pa rin sila.

Dinala ni Delsarte ang dalawang kasama patungo kay Linley at nakangiti at mabait na sinabi, "Linley, hindi ko inaasahan na ikaw, isang magus, ay magbibihis ng ganito. Hindi kita halos makilala. Nang makita ko itong maliit na Shadowmouse sa iyong balikat saka ko lang napagtantong ikaw pala ito."

"Kava [Ka'wa], Matt [Ma'te], hayaan mong ipakilala ko sa inyo. Ito si Linley, isa sa Two Ultimate Geniuses sa aming Ernst Institute. Siya ay labinlimang taong gulang laman, ngunit siya ay isang magus ng 5th rank." Masiglang pakilala ni Delsarte.

Si Kava ay iyong maskuladong mandirigma, habang si Matt ay ang payat na mandirigma.

"Matagal ko nang naririnig ang pahayag ni Delsarte tungkol sa 'Two Ultimate Geniuses ng Ernst Institute. Hindi ko inaasahan na ngayong araw na ito ay swerteng makilala ka namin." Magalang na sabi ni Matt, habang ang mga mata ni Kava ay namilog na parang baka. "Isa kang magus? Bakit ka parang isang mandirigma sa akin?"

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Where stories live. Discover now