"TULONG!!!"

Tinakpan ang bibig ko at di ko na magawang sumigaw.

"Hmmmm tu--"

"Bitawan niyo siya!!!" rinig kong sigaw sa paligid. Napalingon naman ako at nakita ko si Sasuke na nakakuyom ang mga palad. Binitawan naman ako ng dalawang lalake at tumakbo sila.

Tumakbo ng mabilis si Sasuke. Ang pagtakbo niya ay patalikod ang mga kamay. Naabutan niya naman ang dalawang lalake at pinagsusuntok niya ito. Walang kahirap-hirap na napatumba niya ang dalawa.

Us usual, may mga lumapit na tanod samin. May mga hawak silang batuta at hinila nila ang dalawang lalake at idadala nila sa presinto.

Napatingin naman ako kay Sasuke na mabilis ang paghinga.

"Salamat." sabi ko.

Ngumiti siya sa'kin. "Ang galing ko noh!" pagmamayabang niya habang nagpapagpag ng damit.

Oo nga, magaling siyang manuntok parang si Naruto lang. Pero mas malakas parin si Naruto ko.

"Halika na umuwi na tayo." aniya at hinigit na ako. Hindi parin ako makaget over sa nangyari. Paano kung hindi siya dumating?

"Salamat talaga." sabi ko pagkarating namin ng bahay.

"Kulang pa yun sa lahat ng pagtulong niyo sa'kin." aniya.

"Wag mo sanang sabihin kay Nanay ang nangyari ah." pabulong kong sabi at tumango naman siya.

"Saan kayo galing?" tanong ni Nanay pagkapasok namin ng bahay.

"Nagpaload lang po ako." sagot ko.

--

Kinabukasan nang dahil sa dalawang araw nalang kami dito sa probinsya ay sinulit ko na ang pagbabakasyon. Namasyal kami ng mga kaibigan ko sa Mall at nanood na rin ng sine.

Pagkauwi ko, nadatnan ko si Harold na nasa daan.

Si Harold? Oh no! Kailan pa siya nakalaya? Kinabahan naman ako bigla.

Ngumiti siya sa'kin nang makita akong bumaba ng tricycle.

"Hi Mandy!" nakangiti niyang bati.

"Anong ginagawa mo dito?" galit kong tanong. Naalala ko na naman lahat ng ginawa niya. Ang pagkidnap niya kay Naruto, parang biglang kumulo ang dugo ko.

"Nandito ako para humingi ng tawad sayo sa lahat ng nagawa ko, I'm so sorry." aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Gusto ko ng magbagong buhay." dagdag niya pa. Lalong kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya.

"Mandy!" rinig kong tawag sa'kin ni Sasuke.

"Sino siya?" tanong ni Harold.

"Ako si Sasuke, bakit?" maangas na sabi niya.

Bigla namang napahagalpak ng tawa si Harold. "HAHAHA! really? Sasuke?" natatawang tanong niya.

"Ano namang nakakatawa sa pangalan ko? Mandy, binabastos ka ba nito?" turo niya kay Harold.

"Relax Bro, ako nga pala si Itchigo ah este Harold. Haha!" aniya sabay lahad ng kamay pero di naman ito tinanggap ni Sasuke.

"Hindi sapat ang paghingi mo ng tawad." seryosong sabi ko at tinalikuran na siya.

"Tara na," sabi ko kay Sasuke at hinila na siya papuntang bahay.

"Mandy, sana pagdating ng panahon ay mapatawad mo na ako." rinig kong sabi ni Harold.

Tsk.

--

Kinahapunan, nandito ako sa dalampasigan na tinatanaw ang papalubog ng araw at gumagawa din ako ng sandcastle. Nagre-reminisce ng magiging kasal namin ni Naruto. At pagkatapos ng kasal syempre, err.. bigla akong kinilabutan sa aking naisip. Tila nagsintindigan ang mga balahibo ko.

"Ang ganda naman." biglang bungad ni Sasuke.

Inirapan ko nalang siya.

"Heto oh, inihaw na bangus." aniya sabay abot sa'kin ng grilled bangus. Natakam naman ako sa amoy nito.

"Thanks!" sabi ko at tinanggap na ito.

Mabilis ko naman itong nilantakan.

'Hmm...sarap...'

Nagulat nalang ako nang maramdaman ang thumb niya sa gilid ng labi ko.

"May..may d-dumi." aniya at lumapit sa mukha ko. Pinilig ko nalang ang ulo ko at iniwasan siya.

"Tulungan kita." sabi niya sa ginagawa kong sandcastle.

"Wag na, baka masira mo pa." angil ko.

"Lagyan mo nito." Bigla niya namang nilagay ang lobster shell at nang dahil sa pangingialam niya ay nagiba ang palasyo namin ni Naruto.

'Grrrr!!'

"Sorry, HAHA!" napahagalpak naman siya ng tawa at tinakbuhan ako. Nakakairita! Ugh!

Hinabol ko naman siya at binato sakanya ang shell ng lobster.

Naabutan ko naman siya at pinaghahampas ko ng aking kamay.

"Aray aray tama na Haha!" napahiga siya sa buhanginan at ako naman wala paring tigil sa paghampas sakanya. Nagulat nalang ako nang hilahin niya ako sa kanya. Nagkalapit ang aming mga mukha at di ko na namalayang nahalikan niya na ako.

To be continued....

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now