*Chapter 5* ( LQ here. LQ there. )

118 6 1
                                    

*CHAPTER 5* ( LQ here. LQ there. )

 

~PATRICK's POV~

 

"Mukha kang tanga Patrick."

"Oo nga. Parang baliw eh. Ngiting ngiti si gag*."

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nung dalawang ugok. Mamatay sila sa inggit dyan! Bwahaha!

"Tingnan mo. Lumala pa. Lalong lumapad ang ngiti eh."

"Tsk. Iba na yan. Ano bang nakain ni Kim at sinagot ang sira ulong to?"

"Ewan ko ba. Minsan nga iniisip ko kung tama bang tinulungan natin ang isang yan."

"Sabe ko naman kasi sayo Dennis. Dapat pinabayaan nalang natin ang isa--ARAY! P*cha!"

Binato ko kase ng bottle ng mineral water. Ayun. Sakto sa ulo nya. =___=

"Tumahimik nga kayong dalawa dyan! Kaiingay nyo ba!"

Binato naman pabalik sakin ni Ivan yung bote pero nailagan ko. Oh ano ka ngayon? HAHAHA.

Pag ganitong in love ako eh wag sinusubukan ang kagwapuhan ko. Magsisisi lang kayo! Bwahaha.

Nag-iba na ng usapan yung dalawa. Buti naman. Akala ko puro kami nalang ni kimmylove ko ang paguusapan nito eh. Alam ko namang hindi sila makapaniwala sa narating ng kagwapuhan ko. Kasalanan ko bang maging ganito ko kagwapo? Hahaha.

Ano na kaya ginagawa ni kimmylove? Yan na tawag ko sa kanya. Hindi na miss pretty. Syempre, girlfriend ko na eh. Akin na sya. Pwede ngang dalawa meaning ng bago kong tawag sa kanya. Kimmylove or Kim My Love. Oha! Hanga na naman kayo sa katalinuhan ng gwapong to! HAHAHA.

"Aray! Anak ng! Sino nagbat---"

"Ako. May angal ka?" sabe ng isang gwapong nilalang na gaya ko sabay upo sa tabi ko.

"Pre naman kase! Kailangan talaga mambato ka ng tuwalya?! Tsk."

"Muntanga ka kase dyan. Pangiti ngiti ka pang ungas ka."

Hindi ko naman maiwasan na mapangiti ng nakakaloko sa kanya kaya sumama ang tingin nya saken.

Aaminin ko. Pag tinitingnan ko tong isang to para lang ako nananalamin. Marame kasing nagsasabi na magkahawig nga daw kame. Parehong gwapo! HAHAHA!

"Ikaw pre ah. Sabihin mo nga, ano na bang kaganapan sa inyo ni miss beautiful ha?"

"Ano sa tingin mo?"

"Basted ka?" sabi ko sabay tawa. Namiss ko lang naman asarin ang isang to.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 14, 2014 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

{MFM Side Story} She Came And Remain Forever (SCARF)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ