THE PERFECT MAGIC:1

6.3K 179 36
                                    


Legacy's pov:

Antok na antok na ako habang nagsusulat ng mga data dito sa aking ginagawang device. Kasalukuyan kasi akong gumagawa ng device na kayang mag store ng mana usually kasi yung mga low grade na mana stones kaya lang mag store ng 200mp ng mana at kung gusto mo naman ng mas mataas pa na mp you need to buy it with fortune tapos 300mp lang ang maximum capacity nito and usually illegal ang pagbibenta nito dahil sa lupaing ito ang mga mana stones na high grade ay nasa military for defence purposes kaya kailangan may connection ka sa loob ng palasyo para lang makabili nito.


Ilang araw ko natong ginagawa but it seems na wala akong patutunguhan. Di ko alam kung anong type ng magic ang mayroon sa mana stones at kung bakit kaya nitong mag store ng mana.

Bakit ko ngaba ito ginagawa? Well it's my hobby, hobby ko ang magdiscover ng mga bagay bagay at pag-aralan ang mga ito. Kadalasan sa mga zunzai around my age eh mahilig magtraining para mapalakas ang mga mahika nila pero iba ang pananaw ko sa buhay eh, why would i need to get stronger kung lahat ng nakapaligid sa akin kasalukuyang nagpapalakas at lumalakas. It's not that na tamad ako or anything pero wala din naman akong proprotectahan eh at nag-iisa lang din ako sa buhay. Naulila kasi ako 2 years ago when I was 16 dahil sa war.Other Nation tries to infiltrate our nation Hemilton to expand their territories and my father back then is part of military at isa siya sa casualty and my mother naman eh may niligtas na zunzai si Xyrus na kaibigan ko kaya siya namatay in the front of me so ayun umiyak lang ako then kinsbukasan ok na ako.

Hindi naman sa binabale wala ko lang ang parents ko pero di mo ako masisisi eh, sanay na sanay na kasi akong makakita ng namamatay in front of me, actually 1000 years ang life expectancy naming mga zunzai pero dahil nga sa kabilaanang war at patayan kaya hindi din masyadong dumarami ang populasyon namin or should I say tama lang. Simula sa lola at lolo ng mga lolo ko, mga kaibigan at mga kaanak,
silang lahat namatay and some of them is sa harap ko kaya ayun well trained na ako then na immune.



At dahil nga sa pagligtas ni mama kay Xyrus kaya naman kinupkop ako ng pamilya ni Xyrus at binigyan ng maayos na buhay at edukasyon. Well kaya ko namang mabuhay nung mga panahon na iyon ng mag-isa dahil tiyak naman ako na tutulungan ako ng mga natitira kong kaanak since nag insist ang pamilya ni Xyrus bilang pagtanaw ng utang na loob sa aking ina at para narin hindi mapahiya ang pamilya nila at ma issuehan na walang awa sa anak ng nagligtas sa anak nila eh tinanggap ko nalang. Ang papa kasi ni Xyrus ay isa sa 7 generals na namamahala sa militar it means mainpluwensiya silang pamilya.

Ang ingay ko talaga sa isipan ko kapag inaantok na ako pero di pa pwedeng matulog.

Mag uumaga na at nakikita ko na ang pagsikat ng araw. Yung bintana ko kasi kung saan ako nagsusulat ay nakatapat sa bintana kung saan sumisikat ang araw. Perfect nga tong kwarto nato para sa akin eh.


Ang bahay nila Xyrus is gawa siya sa blocks ng bato which is kitang kita mo payung mga line pero dito sa amin isa na ito sa best quality and house pero in my eyes hindi, promise hindi talaga.


Continue parin ako sa pagsusulat kahit na alam ko sa sarili ko na di ko naman talaga kailangan isulat ang mga naoobserba ko dahil part ng magic ko ang makaalala ng lahat ng mga nakikita,naamoy, naririnig, nalalasahan, at pakiramdam once na nahawakan ko ang bagay. I keep this as a record nalang siguro, umaasa kasi ako na someday may magkakainterest nito.

Let's talk about my magic para di ako makatulog. Aside dun mga mga nabanggit ko kaya ko ding magpalutang nga mga bagay gamit ang isipan ko usually ginagamit ko ito pag namimitas ako ng mga prutas and aside from that kaya ko ding gumamit ng telepathy pero nung nagpaexamin ako dati kung anong magic meron ako ang alam ko lang by that time is hindi ako makalimot sa mga pangyayari at makapagpalutang ng mga bagay kaya naman nalagay ako sa category ng mga may supporting magic. And the most intriguing part is my magic is new sa lupaing ito, it means ako palang ang may ganitong naiulat na kaso kaya hindi pa napapangalanan ang magic na taglay ko. Di padin kasi tukoy hanggang ngayon ang extent ng magic ko at wala ring nakakaalam kung may katulad ba akong mahika sa ibang mga kaharian o wala. On the other hand the down side of my magic being new and only one is wala akong mababasang mga guide or books related sa magic ko kaya tuwing my training sa magic related subject namin eh kailangan kong magdoble sikap pero minsan nga ginagawa ko pang tripleng sikap pero wala ding saysay dahil clueless ako kung anong kakayahan ang meron ako at kung paano ko ito palalabasin.



The Perfect Magic (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon