Ang inaasahan kong gagawin ni zach ay pauulanan nya ng apoy si raven pero ilang minuto na ang lumipas pero hindi nangyari ang inaasahan kong mangyari. Sa halip ay nagtitigan lang sila.

Di ko alam pero biglang nagtaasan ang balahibo ko habang tinitignan sila ngayon.

Mabilis na lumapit si brent kay raven at mabilis na hinila ito palayo kay zach sanhi para maputol ang pagtitigan nila. Nagpamulsa naman si zach.

"Okay ka lang ba raven? Di kaba nasaktan? Bakit kasi di ka huminto? Di mo ba naramdaman na may invisible thread sa daraanan?" sunod-sunod na tanong ni brent at bakas parin ang pag-aalala

Napakunot naman ang noo ko sa inaasal ni Brent. Ngayon ko lang sya nakitang mag-alala ng ganyan sa iba. Kahit nga samin di sya ganyan kung mag-alala. Yes. Nag-alala sya samin pero di katulad ng pag-aalala nya kay Raven na kala mo buhay ni Raven ang nakasalalay.

"Don't worry I'm fine. Ang totoo kasi nyan mahina ang senses ko eh. Pasensya na"

Mabilis namang lumapit si liana kay raven at hinila ito at niyakap.

"You don't have to apologize. We understand you grew up in the mortal world so its natural that you don't know how to strengthen your senses"

Pag-aalo ni liana. Di na sumagot pa si raven at tumango na lang. Nauna na naglakad si zach. Kaya sumunod naman agad kami sa kanya.

LIANA'S POV

PAGPASOK namin sa room nagbabagang tingin na agad ni chloe ang sumalubong samin.

"Ikaw! Ang kapal ng mukha mo na lumapit sa royalties pagkatapos ng ginawa mo kay Zach!"

Susugod na sana sya kay Raven pero humarang ako kaya napatigil sya. Mas lalong sumama ang tingin ni Chloe kay Raven. Habang si Raven naman ay nakayuko lang tapos sakin naman bumaling ang mga masamang tingin ni Chloe.

"Bagay kayong dalawa magsama liana. Isang plastik at isang basura. Oh diba bagay na bagay."

Pagkatapos nyang sabihin yun ay bumalik na sya sa upuan nya pero nanatili parin ang masamang tingin nya kay raven.

Umupo na lang kami ni raven sa upuan namin.

"Pagpasensyahan mo na si Chloe ah" sabi ko

"Bakit ikaw ang humihingi ng sorry para sa kanya? Are you related to her?" tanong ni Raven

Napatitig ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Pero kaibigan ko sya. She needs to know the truth. Bumuntong hininga muna ako para makakuha ng lakas ng loob

"She was our best friend back then but she suddenly change without telling us her reasons. Basta bigla na lang syang lumayo samin"

"Noon? Bakit di mo na ba sya tinuturing na kaibigan ngayon?" tanong ni Raven na nagpatanga sakin

"Hindi na" sabi ko

"I can sense the hesitation in your voice. You're not sure aren't you?" sabi ni Raven na tila siguradong-sigurado sya sa sinabi nya

Pero tama naman sya di naman talaga ako sigurado eh. Ako mismo sa sarili ko di ko alam kung tinuturing ko parin syang kaibigan eh. Kahit ako naguguluhan na din kung ano ba talaga ang nararamdaman ko dahil sa tinanong niya kanina.

Ngayon lang kasi may nagtanong sakin ng tungkol samin ni chloe kaya di ko napaghandaan ang tanong ni raven. Simula ng hindi na sumasama samin si chloe wala ni isang nagtangkang magtanong tungkol sa pagkakaibigan namin.

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating yung prof namin kaya di ko na natuloy yung dapat na sasabihin ko.

Buong klase walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang sagot sa tanong ni raven. Ginulo lang ni Raven ang isip ko eh!

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now