Kayi

Ako pa ba?

Matagal na kitang pinili.


Kabi

Sana piliin mo ako araw-araw.

Wait, baka selfish masyado 'yon.

Piliin mo kung saan ka masaya.

At nandoon ako sa bawat pipiliin mo.


Kayi

Huhu.


Kabi

Bakit?


Kayi

Natunaw 'yong pusong bato ko.

Talino mo eh no?

Paano mo naiisip 'yong mga ganon?


Kabi

Natural na lang ata ang mga banat kapag mahal mo 'yong tao.

O sige na.

Wait for me, okay?


Kayi

Okay.

I love you.


Kabi

Mahal din kita, Kayi.


Naghintay ako na may kaba at lungkot, nagdadasal na sana totoo 'yong mga sinabi niya. Paulit-ulit ko atang tiningnan 'yong cell phone ko kung online at active pa siya.

Mga ala-una ng umaga, nakatanggap ako ng screenshot ng chat nila ni Luke.


You cleared the nickname for Luke Hernandez.


Kalmia Bie

Luke?

Are you online?


Luke Hernandez

?

natural online ako

nag ol ako para sayo tas iniba mo nick


Kalmia Bie

Nag-online ka pero sa 'kin hindi mo ako chinachat?

Haha. Benta 'yong ikaw lang 'yong kailangan ko palitan ng nickname.


Luke Hernandez

pakahanap na nga ng signal eh

pero saglit lang ako

may ginagawa pa kami

TibokWhere stories live. Discover now