***

Magkatext at magkachat kami buong araw at noong susunod na araw. Nagkita rin kami ulit sa condo niya noong Linggo para naman daw "may pa-miss effect." Ganoon pa rin: nanood kami ng Netflix series, nagtawanan, natulog, kumain sa labas, nagkwenta ng ginastos at pinagsisihan at nangakong magtitipid, at tatawa dahil alam naming hindi na naman naming matutupad 'yon. Ang kaibahan lang, sa pagkakataong 'to, nahahalikan at nayayakap at nasasabihan ko na siya ng "Mahal kita."

Pagbalik ko sa bahay, nagkwekwentuhan kami kung paano kami nahantong sa ganito, kung paano kami unang nagkita kahit alam naman namin kung paano, kung ano talaga 'yong mga tunay naming nararamdaman noong mga panahon na hindi pa amin alam 'yong totoo na may gusto pala kami sa isa't isa.

Magkachat kami ng alas-diyes ng gabi ng Linggo, halos kababalik ko lang sa bahay, nang biglang sinabi niya na online si Luke.


Kabi

Kayi, wait lang ha?

Online kasi siya.

Sasabihin ko na mag-usap kami ng Martes.


Kayi

Sure.

Take your time po.


Kabi

Sabi niya nag-online siya para sa akin pero ako unang nag-chat.


Kayi

Once an asshole, always an asshole.

Pero joke. Sana magbago siya.

Hay.

Nag-aalala ako, alam mo 'yon?


Kabi

Na?


Kayi

Magbago desisyon mo.


Kabi

Alin? 'Yong mahalin ka?


Kayi

Hindi.


Kabi

Eh ano?


Kayi

'Yong piliin mo ako.


Kabi

Pokekon kita.

At pokemon mo ako.

Pero ang sagwa. Haha!

Ang gusto ko sabihin is . . .

Di ko na 'yon babawiin.

Pinipili kita.

Kaya sana . . . piliin mo rin ako.


TibokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon