Chapter 22: Mr. Rivera's Order

Bắt đầu từ đầu
                                    

Itunuro ng babae ang sarili kong banyo.

"Take your time, Ms. Laurencio. We will wait for you."

Kanina ko pa napapansin ang pagiging magalang nilang dalawa pareho. Kahit na sabihin natin na mas mukha sila kagalang galang at sopistikada sa akin ngayon ay parang ingat na ingat sila sa pakikipag-usap sa akin.

Pumasok na ako ng banyo at namangha ako matapos kong makita ang bath tub na punong puno ng pulang petals. Lumapit ako dito at napansin kong puti ang tubig at napakabango. Naisip ko ang babaeng lumabas mula dito kanina. Malamang sya ang may gawa nito.

Mabilis na akong naghubad ay binabad ang katawan ko sa bath tub. Napapikit ako sa sarap na naramdaman ko. Mabango at madulas sa balat. Napamulat ako ng marinig kong may kumatok sa pinto. Boses ng isang babae.

"Ma'am, papasok na po kami."

Hindi ko na nagawang makahila ng tuwalya ng bumukas ang pinto kaya binabad kong mabuti ang katawan ko.

Nakita kong pumasok ang isang matandang babae kasama iyon babae kanina. Parehas silang nakauniporme ng katulong.

"Tutulungan po namin kayo ma'am. Magshashampoo na po kami sa buhok ninyo."

Bago pa ako makapagsalita ay marahan na nilang inangat ang ulo ko. Mabilis ang kilos nila at parang alam na alam na nila ang dapat gawin.

"Ano pong nangyayari?"

Tanong ko habang nagshashampoo sila ng buhok ko. Hindi nagsalita ang kahit sino sa kanila.

"Nasaan po si Callie?"

Nagtinginan silang dalawa hanggang sa nagsalita na ang isa.

"Pasensya na ma'am. Hindi po namin kayo pwedeng kausapin kung hindi ay mananagot kami kay Sir."

Napabuntong hininga ako. Nakakadismaya na hindi ko sila maaaring makausap. Ang Sir na tinutukoy nila ay malamang na si Callie. Siguradong lahat ay pinagbawal na noon dahil iisipin nyang iisipin ko pa ring makatakas. Hindi ko na kinausap ang dalawang babae at pinabayaan na lamang sila sa gagawin sa akin. Ayoko rin namang madamay sila, sumusunod lang sila sa utos. Kapag naiisip ko ang galit na mukha ni Callie noon at kinikilabutan ako, parang hindi sya. At hindi ko na gugustuhin na malaman nya at magalit pa sya sa dalawang pobreng matanda.

Matapos ang mahabang oras ay inabot na sa akin ng isa ang bath robe na hawak ng isa sa kanila. Nailang pa ako dahil mukhang pinatatayo na nya ako pero mukhang wala naman itong pakialam.

"Akin na po."

"Pero ma'am-"

"Sige na po, akong bahala."

Kahit nagdadalawang isip ay inabot naman nya ito at mabilis ko namang isinuot iyon habang tumatayo. Inalalayan pa nila ako sa paglabas.

Nakakailang. Para naman akong prinsesa nito. Para akong isang bagay na pwedeng mabasag kapag hindi inalagaan ng husto. Pero utos iyon sa kanila.

I Need A Girl (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ