I

290 6 0
                                        

Sofia's POV:

“Gumising na kayo! Alas siyete na ng umaga!”

“Hindi na kayo natuto! Ang tatanda niyo na nagpapagising pa rin kayo sa akin!”

Ayan lang naman ang palagi naming naririnig ng kambal ko tuwing umaga, ang pagbunganga ni eomma. Anyways, good morning, Seoul! Pasukan na naman pala, ano? Magsusunog na naman ako ng kilay. Ay, teka nga, nakalimutan ko pala magpakilala... Annyeong! My name's Sofia Boo, 20 years old, Communication Arts Major at De La Seoul University. I'm in my third year already. Sabi nga nila pinaka-nakakapagod daw 'tong year na 'to, pero okay lang, sanay naman na akong mapagod. Haha!

Pagka-gayak ko, bumaba na ako sa dinning area para kumain ng almusal kasama ang kambal at eomma ko. Missing in action palagi si appa, trabaho nang trabaho. Umupo ako sa tabi ni kambal at naglagay ako ng pancakes sa plato ko.

Eomma: Sofia, hinay hinay lang naman sa pagkuha ng pancake. Baka maubusan si Seungkwan.
Me: Dalawa lang naman kinuha ko.
Seungkwan: Oo nga ma, dalawa lang yung kinuha niya. Dalawang malaki.
Me: I deserve it. Panganay ako.
Seungkwan: Pinagsasabi mo jan? Ako yung panganay dito! Diba, ma?
Eomma: Boo Seungkwan! Pati ba naman sa birth order niyo ni Sofia nagkakamali ka! Siya yung panganay! Nauna siyang lumabas sayo ng 20 minutes!
Seungkwan: Sus! 20 minutes lang naman eh!
Me: Ako pa rin ang noona mo.
Eomma: Nako tama na nga yan, kumain na lang kayo para makapasok na kayo. Galingan niyo ha? At ikaw, Seungkwan...
Seungkwan: Po?
Eomma: Kelan ka uusad sa second year? Patapos na ng third year yung kambal mo, ikaw naman second year pa rin.
Seungkwan: Eomma, ang mahalaga po kasi malusog at masaya pa ako. Tignan mo si Sofia, parang matandang dalaga. Aral kasi nang aral.
Me: At least hindi lumalabo yung mata ko kakalaro sa computer shop.
Seungkwan: So? At least kumikita ako ng pera sa paglalaro ko.
Eomma: Boo Seungkwan, tama na yan. Ayoko nang naglalaro ka dun sa computer shop. Delikado na, mamaya illegal pala yung nilalaro mo.
Seungkwan: No, ma. Trust me. Mababait rin naman yung mga kalaro ko dun. Sige, pasok na ako. Bye!
Me: Teka, sabay na tayo.
Seungkwan: Eh? Sumabay ka na sa boyfriend mo.
Me: Wala akong boyfriend.
Seungkwan: Lalakeng kaibigan? Wala ka nun? Okay. Sige ma, una na ako. Bye!

Pagkalabas ni Seungkwan, nagligpit na kami ni eomma ng lamesa at lumabas na rin ako para pumasok. 25 minutes lang yung layo ng school sa bahay, kaya isang bus lang ang sinasakyan ko. Mag isa lang akong pumapasok, apat na taon nang ganun. Nasanay na akong mag isa. Mas komportable ako pag mag isa ako, at mas nafifeel kong masaya ako kasi my only company's my thoughts. I love talking to myself. Pero not in a crazy way, okay? Matinong tao ako. Haha!

Pagdating ko sa university, sobrang daming new faces. Ang dami atang nag enroll this semester, parang naging crowded yung campus. Tinawagan ko na si Soonyoung (But I call him Hoshi), my best friend na kaklase ko rin para may kasabay akong pumasok. Nakipagkita ako sa kanya sa open field ng campus. Lumakad na kami papunta sa arts building at umakyat na kami sa classroom namin.

Pagpasok namin sa classroom, ang sama ng tingin ng mga babae naming kaklase sa akin. Akala siguro ng mga 'to boyfriend ko siya. Chill guys, hindi ko siya gusto at hindi niya rin ako gusto. Umupo na kami sa likod at nagusap usap muna kami dahil wala pang professor.

Hoshi: Grabe, hindi pa natin nakikilala yung professor pero parang gusto ko nang mag drop.
Me: Baliw, wag na. Sayang naman.
Hoshi: Ang boring naman kasi ng subject na 'to eh! Natural Science pa.
Me: Ang sabihin mo lang kasi nahihirapan ka sa science.
Hoshi: Sino ba namang hindi?
Me: Yung prof natin.
Hoshi: *sigh* Basta, pag ako nagkaroon ng girlfriend gusto ko magaling sa science. Turuan niya ako.
Me: Ako naman, gusto kong magkaroon ng boyfriend na tuturuan ako sa everyday life ko.
Hoshi: Sus! Yung ex mo nga hindi ka tinuruan pero minahal mo pa rin.
Me: Ayan ka na naman, bringing up the past. Ayoko na ngang maalala yun.
Hoshi: Nakakainis lang, ilang beses niya pang sinabi na magbabago siya pero hindi. Wala akong nakitang pagbabago sa anyo niya. Gago na siya bago maging kayo, naging mas gago pa nung nakipaghiwalay ka.
Me: O, chill na. Parang ikaw yung sinaktan ah.
Hoshi: nasasaktan lang din ako para sayo, syempre kaibigan kita eh. Text mo lang ako pag ginulo ka nun ah?
Me: Noted.

Seoul University [SEVENTEEN tagalog fanfic]Stories to obsess over. Discover now