Prolouge: Tapsilog

667 3 0
                                        

SA ISANG TAPSILOGAN - 2:30AM

Malamig ang simoy ng hangin at damang-dama ng lahat ito.  Kasabay ng lamig na ito ay siya namang pagputok ng nagiinit na ulo ni Adolfo na isang trying hard na siga sa may diyan lang sa tabi-tabi.  Kasama ni Adolfo ang kanyang mga alipores na sina Bertong Unano at Boca, na mainit na din ang mga ulo, na naglalakad sa nanahimik nang kalsada.  Sila ay mga natalo sa sugal at ito ang magiging simula ng isang eksena.

ADOLFO: Hoy taba!  Ikaw na nagluluto ng tapsilog!  Putang ina mo, bigyan mo kami ng pera!

BERTONG UNANO:  Oo nga, magbigay ka kay bossing ng pera putang ina mo!

ADOLFO: Nadinig mo ba kami, bingi ka ba lecheng taba ka!??

KAHERO NG TAPSILOGAN: Opo, opo...  Teka lang po... 

Nanginginig na binuksan ng kahero ang maliit na arinola kung saan dun niya nilalagay ang mga ibinabayad ng mga bumibili ng tapsilog.  Nagdalawang-isip ito kung ibibigay nga ba niya ang kinita sa mga mapang-api na bisita.

BOCA: Tangina mo, laki-laki mong tao duwag ka din pala.  Bilisan mo taba!  

Ang iba ay nagtakbuhan na papalayo habang ang iba naman ay nanigas nalang sa kanilang kinauupuan.  Napuno ng takot ang mga kumakain ng tapsilog maliban sa isa.  Maliban sa isang parak na hindi hahayaang makalusot ang ganitong mga ka-walanghiyaan at pang-aapi.

BADJAO: Putang ina kayo!

ADOLFO: Ha!?  Putang ina mo rin!

BERTONG UNANO: Oo nga, putang ina mo!

BOCA: Putang ina mo talaga leche!

BADJAO: Mga putang ina ninyong lahat!

ADOLFO: At sino ka para sabihing putang ina naming lahat eh putang ina ka, kami nagpapahalik sa mga tao dito sa lupa.

BADJAO: Kayo ang pahahalikin ko sa lupa mga pangit kayo.

ADOLFO: Ikaw ang pahahalikin namin sa lupa!  Sa tingin mo kaya mo kami?

BADJAO: Oo naman putang ina ka, lalo na yang kasama mong unano. At ikaw babae...

BOCA: O ano!?  Papalagan kita tang ina ka.

BADJAO: Di kita pahahalikin sa lupa pero hahalikan kita kahit amoy bayabas ka putang ina ka.

BOCA: Ay pakshet ka!

ADOLFO: Abay manyakis pala tong lokong to ah!

Sumugod si Adolfo kay Badjao ngunit madali siyang nailagan.  Sumalpok ang pagmumukha ni Adolfo sa monoblock chair at siya ay natapunan ng isang mangkok ng toyo.  Sumunod na sumugod naman si Bertong unano kaso wala siyang nagawa kasi tinadyakan lang siya ni Badjao sa nguso.  

BADJAO: Ang totoong lalaki, tumutupad sa pangako...

Umikot bigla si Badjao at sabay hinalikan sa pisngi si Boca na tila yata ay kinilig pa.  Itinulak ni Badjao si Boca sa monoblock chair at ito ay napaupo.  Sa kabilang dako naman ay nakatayo na si Adolfo na handa na gantihan si Badjao.

ADOLFO: Magbabayad ka!  Sisikuhin ko yang tumbong mo!

Biglang hinugot ni Badjao ang kanyang .50 caliber na pistol at itinutok kay Adolfo.

BADJAO: Sige, subukan mo hayop ka, gagawin kong dalawa yang butas sa puwet mo.

ADOLFO: Te-teka lang muna, boss, may baril ka pala...

BOCA: Oo nga, sir, ummmmm, teka pag-usapan natin to...

BERTONG UNANO: Ay shet, may baril ka pala boss e, sana sinabi mo agad boss...

BADJAO: Malamang may baril ako sapagkat ako si Badjao, parak ng Maynila.  Tumakbo na kayo habang tinatamad pa akong posasan kayo mga putang ina kayo.

Kumaripas na ng takbo ang mga nanggulo sa tapsilogan.  Nagpalakpakan naman ang mga tao, lalo na ang kahero ng tapsilogan.  Ibinalik na din ni Badjao ang kanyang baril sa kanyang holster at bumalik na ito sa kanyang lamesa at ipinagpatuloy ang pagkain sa kanyang hindi pa nangangalahating tapsilog.

KAHERO NG TAPSILOGAN: Maraming salamat po, idol!  Iku-kwento ko po ito sa amo ko, sa may-ari nitong tapsilogan.  Maupo po muna kayo, bibigyan ko po kayo ng extra rice, sagot ko na po.

BADJAO: Hindi na kailangan bata sapagkat ako si Badjao, parak ng Maynila.  Hindi ko na kailangan pa ng pabuya.  Ang mahalaga ay nailigtas ko kayo at patuloy ko pa kayong ililigtas sa kung sino pang mga gago ang susubok na gumawa ng krimen.

KAHERO NG TAPSILOGAN: Grabe sir Badjao...  Grabe talaga...  Ang galing ninyo po!!!  Thank you!!! Mabuhay ka sir Badjao!!!

Nagpalakpakan lalo ang mga tao.  Natuwa sila dahil mag-sisimula na ang bagong umaga.  Bagong panimula sa isang siyudad na nagdurusa sa kamay ng mga walanghiya.  Nandito na siya, si Badjao, parak ng Maynila.

Badjao: Parak ng MaynilaStories to obsess over. Discover now