So-called Maybe

25 0 0
                                    

Prologue

“Maybe”

o ika nga sa Tagalog, “siguro,” ito ang salitang nagpapahayag ng kawalang kasiguraduhan. 

Dahil sa buhay, hindi lang naman ang mga salitang “yes” at “no” ang ating kinakaharap tuwing gagawa tayo ng isang desisyon. Darating at darating tayo sa point na hindi natin alam ang kasiguraduhan ng mga bagay-bagay at nasasabi natin ang salitang “maybe.” Kumbaga sa commercial ng Lactum, hindi tayo laging 100% sure at panatag dahil wala namang perpektong tao sa mundo na nakakaalam ng kasiguraduhan ng lahat.

Pero paano kung dumating nga tayo sa point na 'yon?

Paano nga ba kinakaharap ng isang tao ang isang kawalang kasiguraduhan?

Umaatras ba siya dahil natatakot syang harapin ito o matapang niya itong sinusuong kahit na hindi niya alam ang kahahantungan nito?

Samahan si Maybelline Cruz sa kanyang pagharap sa buhay na punong-puno ng ‘what ifs’ and the so-called maybes.

So-called MaybeWhere stories live. Discover now