Prologue

59 4 1
                                        

Dear future husband,

Hi!, this is the first time im writing you this letter. Ewan ko kung mababasa mo 'to pero nagbabakasakali ako na kapag nabasa mo nga itong sulat ko sana ikaw na ang the one ko.

Sabi nila malalaman mo daw na siya ang the one kung may sparks, yung bang pag nasa harap mo na siya parang hihinto ang mundo mo at siya na lang ang taong makikita mo na wala ka nang makikitang iba kung hindi siya lang. Alam ko corny pakinggan pero umaasa ako na sana maramdaman ko rin ang mga bagay na yun. Na maramdaman ko kung paanong umibig sa isang taong pareho ang bugso ng aming damdamin.

Taong mamahalin at tatanggapin ako ng buong buo walang labis walang kulang.

Taong hindi ako iiwan at sasamahan ako sa lahat ng pagsubok

Taong sasabihan ako ng okay lang yan pag ako'y nabigo at yung taong sasabihan ako ng "mahal kita" galing sa puso hindi galing sa isip.

Future husband sana mahanap na kita. Sana bigyan mo ako ng sign na ikaw na nga yan. Para hindi na ako umasa at masaktan ng ganito, na sana may isang tao akong masasandalan sa pagsubok na 'to.

Nagmamahal,
         Teya

Dear future husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon