Chapter 15: Papa

6.4K 120 18
                                    

Joseph's P.O.V

Lintek na! Ilang araw na ako dito sa maynila hindi ko parin mahagilap yung mag-ina, gaano ba kalaki ang maynila?!

Sa pagkakatanda ko, kahapon ang birthday ni Cassi.

Saan ko kaya sila mahahanap para naman maihatid ko yung regalo ko sakaniya

Naglalakad ako ngayon dito sa isang mall nagbabakasakali---

Sandali--- parang kilala ko yun ah?

Sinundan ko ang babaeng nakita ko at nagtago naman ako malapit sakaniya.

Tama nga ako, Siya nga.

Akala ko pa man din malaki masyado ang maynila, ayun pala makikita ko din siya agad.

Sinundan ko lang siya ng palihim hanggang sa magbayad siya counter ng mga pinamili niya.

Nandito kasi kami sa supermarket, ayon doon sa nakasulat ng makapagbayad siya ay sinundan ko siya hanggang sa lumabas siya ng mall at pumuntang parkingan ng kotse

"Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong niya

Aba akalain mo nga naman, nakatunog ang loka.

Lumapit ako sa likod niya at bumulong

"Ako to, Papa mo. Kamusta cassi?"

Narinig ko ang pagsinghap niya at unti unti siyang lumingon at ng makita niya ako ay agad siyang natumba.

Inabot ko naman ang kamay ko ngunit hindi niya ito tinanggap

"Papa? A-anong ginagawa mo dito?! Anong kailangan mo?!"

"Na saan ang mama mo?"

"Nagpapagaling siya, at hinding hindi ko na siya ibabalik sa poder mo!"

"Ang sarap naman pala ng buhay niyo dito, hindi naman pwedeng ang anak at asawa ko lang nagpapakasarap ako din dapat"

"Hindi kita tunay na ama!" Tumayo siya at akmang tatakbo ng mahila ko ang buhok niya

"Akala mo matatakasan mo ako? Kahit lumayo ka, hahanapin kita."

"Bitawan mo ako!" sigaw niya

Sasampalin ko sana siya ng may bumusina sa amin, kaya agad ko siyang pinakawalan at tumakbo na ako at nagtago

agad namang may bumaba sa kotse at lumapit kay cassi, isang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad niya lang

"What happened?! Sino yun?" tanong nito

"W-wala yun, tara na"

"Wala pero sasaktan ka? Irereport ko to sa police" Aba mukhang mayaman talaga ang nabingwit nung babaeng yun ah?

"Nyx tara na" Saad ni cassi at hinila ang lalaki papasok sa kotse.

Naguumpisa pa lang ako.

Ng makapasok sila sa kotse at makaalis ay agad akong ng taxi upang sundan sila.

Ilang minuto lang ay pumasok ang sasakyan, sa tingin ko ay condominium

Dito ka pala nakatira. Mukhang malaki laki ang makukuha kong pera sayo ah?
----
CASSIOPEIA'S P.O.V

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nandito siya.

Ano pa bang kailangan niya? Binenta niya ako, tapos ngayon gusto niya kaming guluhin ni mama?

"WALA KAYONG SILBI!" Narinig kong sigaw ni nyx

Kanina pa mainit ulo niya dahil doon sa insidenteng nangyari sa mall.

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now