Chapter 01: Cassiopeia

21.5K 315 4
                                    

Cassiopeia's P.O.V

"I'm Cassiopeia Alcedera, Twenty years old"

"Eeew? Twenty ka na tapos second year college ka palang?" Tanong ng isa kong kaklaseng babae, napatungo nalang ako at bumalik sa upuan ko.

Narinig ko naman ang bulungbulungan nila tungkol sa akin, na kesyo ang tanda ko na daw para sa second year college

Eh anong magagawa ko, wala kaming pera pang kolehiyo ko buti nalang may tumulong sa akin.

Sabi ng mama ko may kaya naman daw kami dati kaso ng dahil sa isang pamilyang iyon ay nawalan kami ng pera at ngayon ay naghihikahos kami sa buhay, sinusumpa ko sila! Kung hindi dahil sakanila sana masagana ang buhay namin.

Unang araw ko sa eskwela at napakasaya ko dahil sa wakas, nakapag-aral na ulit ako.

Nag discuss lang si Ma'am tungkol sa Policy ng School at introduction sa subject namin. Ang kurso ko ay BS Biology gusto ko kasi mag doctor para kay mama.

"That's all class dismiss"saad ng aming propesor at lumabas ng room, tumayo naman ako at kinuha ang bag ko at lalabas na sana nang harangan ako ng dalawang babae at isang bakla

"Hoy tanda!" Napatingin ako sakanila at nakataas naman ang kanilang kilay

"Hindi ka bagay dito! Hindi ka bagay sa room na ito, napaka eww mo! Tanda!" Tinulak nila ako palabas ng room kaya kitang kita ng ibang estudyante ang pagsubsob ko sa sahig dahil sabay sabay kami ng uwi ngayon dahil orientation lang naman

"HAHAHAHAHAHA" Tawanan nila. Walang gustong tumulong sa akin, wala ni isa. Tumayo ako at tumakbo palabas ng eskwelahan

Nang makarating ako sa gate nakita ko naman doon si Nyx

"What happened?" Tanong niya

"A-ayoko nang mag-aral" tinapik naman niya ang likod ko nang mahina

"Diba sabi mo gusto mo mag-aral para sa mama mo?" tumango ako at nagpunas ng luha

"Tama oo nga pala, salamat Nyx"

Tama siya, kung magpapaapekto ako sa ganun paano ko maliligtas si mama sa papa ko? Kailangan ko maging matapang para makatapos ako ng pag-aaral.
-----

Nang makarating kami sa condo ko nabinili ni Nyx para sa akin nagtungo ako sa aking kwarto at nagbihis, pagkatapos naabutan ko naman si Nyx na nagluluto

Nakilala ko si Nyx nang mabili niya ako sa isang auction akala ko katulad siya ng ibang mayayaman na gagawing alila or parausan kapag nabili ngunit hindi siya ganun sa akin, mabait siya dahil siya ang nagpapa-aral sa akin.

Anong kapalit? Ayun ay ang pagpapanggap ko bilang kasintahan niya sa harap ng pamilya niya. Hindi ko pa namimeet ang pamilya niya, wala din naman siyang nakikwento sa akin, pero sa tingin ko sobrang strikto at strikta nila at masasama ang ugali! Ganun naman ang mga mayayaman diba? Masasama sa mga mahihirap kasi kayang kaya nilang tapakan ang pagkatao nito!

"Kain na" lumapit ako at tinulungan siya sa pagdala ng pagkain sa lamesa.

Kumain lang kami ng tahimik, ngunit binasag ni Nyx ang katahimikan

"Aalis ako bukas hindi kita mahahatid at masusundo, ang balik ko sa wednesday pa. Don't do any reckless things, don't make any decision without my opinion" saad niya, tumango lang ako at kumain

Ayan ang napansin ko kay nyx gusto niya kontrolado niya lahat maski takbo ng buhay ko, oo alam kong nabili niya ako pero? --- *sigh*

Nang matapos kami kumain naghugas na ako ng plato at nakita ko naman na nagsuot na siya ng coat.

"Aalis ka na?" Tanong ko, binanlawan ko ang huling plato at nagpunas ng kamay tsaka lumapit sa kaniya.

"Oo baka hanapin na ako sa amin."

"I-ingat ka" tumango lang siya at lumabas ng unit.

Paano ba ako napunta sa auction na iyon? Ah, oo nga pala nilako ako ng step father ko para nagkapera siya, si mama may sakit pero nagtatrabaho padin hindi ko nga alam kung bakit kinakasama niya padin yung step father ko eh wala namang naitutulong yun sakaniya, lagi pa siyang kinukuhaan ng pera!

Nilako ako ng step father ko sa isaang matanda, at nang makuha niya ang pera mga ilang linggo dinala naman ako sa auction na iyon at doon ako nabili ni nyx. Ang alam ko illegal auction daw iyon, kaya ginagawa siya sa mga tagong lugar

Sobra ang takot na nararamdaman ko nung time na yun, umiyak, sumigaw at nanalangin na ako lahat lahat pero walang nakinig sa akin. Lahat ng nasa paligid ko ay desidido na ibenta ako.

Ibenta na tila ba ang pagkatao ko ay isang maliit na bagay lamang.

Natapakan ang pagkatao ko, pero nagpapasalamat nalang talaga ako dahil hindi masama ang nakakuha sa akin.

Pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko, tatawagan ko lang si mama

Calling: Mama

"Hello?"

"Ma?"

"A-anak?"

"Mama, kamusta ka na?"

"Okay lang, ikaw? Nasaan ka? Sabi ni papa mo nakipagtanan ka daw?"

"Hindi po mama, ibin----- nagtatrabaho po ako dito sa maynila at nag-aaral para sayo ma"

"Anak, s-sorry kung h-hindi ko nagagampanan ang pagiging ina sayo" umiiyak na saad ni mama, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak

"Naiintindihan kita ma, Basta kapag nagkapera na ako iaalis kita diyan pangako"

"Salamat anak"

"I love you ma"

"Mahal na mahal din kita anak" binaba ko na ang tawag at naupo sa kama, pinapangako ko gagawin ko ang lahat maialis lang si mama sa hayop kong amain.

Owned By The Baddest Bidder Onde histórias criam vida. Descubra agora