Chapter 9: First Date

9.3K 171 0
                                    

CASSIOPEIA'S P.O.V

Pagkatapos ng scenario namin sa mini cafe nagpatattoo kami ni nyx sa may wrist ang pinatattoo namin ay yung date na naging kami in roman numeral

Which is ngayong araw. Pagkatapos namin magpatattoo sabay kaming umuwi at pinagluto niya pa ako ng dinner at natulog kami sa unit

~
"Yung mama mo pala stable na ang kalagayan niya sa private hospital na pimagdalhan ko sakaniya" balita ni nyx.

"Wow! Talaga? Pwede ko ba siyang dalawin?" Tanong ko, thanks Goodness talaga at nakilala ko si Nyx

"Oo pero hindi pa ngayon, stable na siya pero under medication pa din" tumango ako at ninakawan siya ng halik sa labi

"Thank you, Nyx" i said.

"Wala yun, kahit ano gagawin ko para sayo." He said. Tumayo na kami sa mesa at niligpit ko na ang pinagkainan namin ng breakfast, wala kasi akong pasok ngayon. Vacant day ko

Dinala ko na sa sink ang pinagkainan at hinugasan, pagbalik ko sa sala's nakabihis ng maayos si nyx

"Aalis ka?" Tanong ko

"Aalis TAYO, kaya maligo ka na at magbihis"

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko

"Stroll" tumango ako at pumasok sa kwarto tsaka naligo, naglinis ng katawan, nagbihis at nag-ayos

Paglabas ko nakita kong may kausap si Nyx sa phone, binaba naman niya ito ng makita niya ako at lumapit sa akin.

"Beautiful" naramdaman ko naman ang pagpula at pag-init ng pisngi ko. Hihi

"Ang gwapo mo din"

"Of course kaya nga tayo suitable diba?" He said and wink

Bumaba na kami at dumiretso sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

"Pwede kang matulog if you want, medyo mahaba habang biyahe ito" paalala niya

"Okay basta paalala ko lang din may pasok ako bukas, reporting"

"Yes, Ma'am" nagdrive na siya, at ako naman tahimik lang na nakatingin sa bintana

Sa sobrang tagal ng biyahe nag stop over muna kami sa isang gasoline station ako naman nagtungo sa convenience store sa tabi nito

Kakalagpas palang namin ng cavitex diko nga alam kung saan punta namin eh.

Bumili ako ng biscuits, junkfoods, mineral water at iba pang pwedeng inumin at kainin. Nang makabili na ako bumalik ako sa pwesto namin at sakto tapos na din magpa-full tank si nyx kaya pumasok na kami sa kotse at binaybay ulit ang daan

Hanggang sa nakatulog.

Nang magising ako nasa kotse padin kami. Kumakalam na sikmura ko eh, hindi ko tuloy nakain mga nabili ko kasi nakatulog ako, huhu sayang

"Anong oras na?" Tanong ko

"Three thirty sorry nagutom pa kita malapit na tayo" saad niya

"Okay lang"

Maya maya huminto kami sa isang restaurant kaya bumaba kami at kumain.

"Ano bang gagawin natin?" Tanong ko

"Secret" he tease. Tumawa nalang ako at sinabihan ko siya ng 'bahala ka sa buhay mo'

Nang matapos kami kumain, sumakay kami sa kotse at wala pang ilang nagpark siya sa isang malaki at malawak na parking lot at bumaba kami at pumasok sa loob parang beach?

Pero puro yate ang nandoon.

"Sir Nyx! Okay na po ang pinayos niya kaninang umaga tara po!" Sinalubong kami ng isang lalaking nasa tantya ko ay edad thirty pataas. Hinatid niya kami sa isang magarbong yate, na may nakalagay na 'Lissandra'

"Kay mommy ang yate na ito kaso hindi niya naman masyadong ginagamit kaya ako nalang ang gumamit" saad ni nyx.

"Cool"

Pumasok kami sa loob at nag-ikot, ang ganda at ang laki, sobrang linis at halatang hindi pinapabayaan.

"Sir, mag laot na po tayo?" Laot ano to? Bangka hehe djk.

Tumango lang si nyx at sinabihan ako ni nyx na magpahinga muna sa kwarto kaya pumunta ako doon at binagsak ang katawan ko. I'm so tired
~

"Pretty, wake up" minulat ko ang aking mata at nakita ko si nyx na nakangiti at hinihintay ata ang paggising ko.

"Anong oras na?" Agad kong tanong

"Seven pm, let's eat dinner" tumayo ako at nag hilamos at toothbrush (may toothbrush sa cr nila eh, hindi pa nabubuksan kaya ginamit ko) tsaka ako nagayos ulit at lumabas.

"Nasaan na yun?" Tanong ko, wala si nyx eh.

"Ma'am? Si sir nyx po na sa deck hinihintay po kayo" inalalayan ako ng isang babae na pumunta sa deck ng yate at doon nakita ko si nyx na naghihintay habang may naka ayos na mesa, upuan at may pagkain

Lumapit naman ako sakaniya at yumakap.

"Thank you" i said. Tinaas niya ang mukha ko at hinalikan ako.

"Walang wala ito kumpara sa saya na idinulot mo sa aking buhay" pinaghila niya ako ng upuan at umupo naman ako doon at kumain na kami.

Rinig na rinig ko ang hampas ng tubig sa yate at ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat

Pagkatapos namin kumain pinaligpit na ni nyx ang mesa, upuan at pagkain tsaka kami umupo sa may deck ng yate

"Ang ganda ng bituin no?" Saad ko habang nakatingala at natitig sa mga bituin sa langit.

"Yep, pero mas maganda ang tinitignan ko ngayon kesa sa constellation ng stars" tumingin ako sakaniya at nakita kong nakatitig siya sa akin kaya sinandal ko ang aking katawan at ulo sa balikat niya, namumula ako eh! Ayoko lang na makita niya. Kahiya

"Ahm ano kayang magandang endearment natin?" Saad ni nyx, naramdaman ko naman ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko

"Isip ka" saad ko

"Wala nga akong maisip eh"

"Edi huwag na tayo mag endearment" saad ko at tumawa.

"Ayoko, dapat may tawagan tayo para sweet" tumawa naman ako sa dahilan niyang sobrang korneeey.

At natapos ang araw namin sa ilalim ng magagandang bituin at masarap na simoy ng hangin at hampas ng tubig ng dagat. Habang nagiisip ng endearment, sobrang big deal siya kay nyx eh! Hahahaha

First date namin, bilang kami! Best date ever!

Owned By The Baddest Bidder Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon