2

3 0 0
                                    

School

Christine's pov.

"oh macmac pakabait ka ah? makinig ka sa teacher . Ayokong makarinig sa teacher mo na bad ka sa room ok?"  ani ko kay macmac na patango tango lang ang ganti tsaka pumasok na sa classroom nila.

Agad naman akong naglakad patungo sa paaralan namin tutal naman ilang metro nalang ang layo mula sa pinapasukan ni macmac.

nga pala ako si Christine Constantino pero pwede nyo akong tawaging tintin. 17 taong gulang na at ika  sampung baitang na ng highschool.

Ako nga pala ang panganay sa aming pamilya. Dalwa kaming magkapatid ako at si macmac. Sya yung batang makulit kanina sa chapter 1 hahaha.

Di na completo ang aming pamilya pero masaya parin kami kahit na mejo kapos sa pera. Yung tatay ko kasi may bago ng pamilya kaya yung nanay ko nalang yung nag aalaga saamin pati ng bunso kong kapatid.

Napahinto ako sa paglalakad ng nasa tapat na ako ng aming silid kaya dahan dahan kong binuksan ang pintuan at dali daling ginala ang mata sakaling may bakanteng upuan pa sa likod upang di mahalata ng aming guro.

Napakamot ako ng ulo ng makitang wala ng makitang upuan

*ehem* agad akong napalingon ng biglang may tumikhim sa aking likuran.

"uhm miss?" tanong ng lalake sa unahang sa tingin ko ay ang magiging guro namin.

"Christine." tipid kong sabi at syang nakapag patango tango sakanya.

"okay miss christine humanap kana ng upuan mo ." ani at tamang tama namang may bakante pa sa unahang bahagi nga lang hayst.

Sa tingin ko ayaw rin nilang maupo sa unahan dahil iilan lang ang nakaupo dito at tingin ko ay yung mga masisipag lang mag aral.

Pinagmasdan ko ang sa likuran ko at nadatnang may mga gumagamit ng cellphone, yung iba naman nakikipag daldalan , may mga nagppaganda rin at may mga natutulog.

Agad akong napalunok ng may isang babaeng nagtaas ng kilay ng magtama ang mata ko sakanya kaya napabaling ulit ako sa unahan ng wala sa oras.

Ilang minuto pa ang nagdaan ng biglang kumalabog ang pintuan at pumasok doon si Andrei na halatang bagong gising lang. 

Agad namang napatili ang ibang babae at yung mga lalake naman ay napapa ismid

Andei Espinosa isa sa mga lalakeng kinababaliwan dito sa university namin pero di sya yung tipo ng lalakeng mayabang , may bisyo , at astiging lalake tulad ng ibang kinababaliwan dito kundi isang simple at pala-aral kaso nga lang SNOB raw .

Agad agad naman syang umupo sa katabi kong upuan at nagsuot ng headphones.

Di kaaunan sabi ni sir wala pa raw namang masyadong gagawin kasi unang araw palang naman ng pasukan kaya pinakilala nalang namin ang aming mga sarili at umuwi narin.

SatisfactionWhere stories live. Discover now