1

3 0 0
                                    

Christine's pov.

"Good morning bunsoy!!!! " ani ko sabay yugyog sa kapatid kong antok na antok pa ata

"Uy bunsoy gising na ano baaa! Gusto mo bang malate sa first day of school? Ha? Ha? Naku kung ako sayo babangon na ako " ulit ko pero yung loko nagtakip lang ng unan sa mukha at natulog ulit.

Naku naman yung bunsoy namin ayaw nanaman makinig kay ate nya tsk tsk

Kinuha ko yung unan sa mukha nya at hinila sya sa paa upang gumising na pero yung loko ang lakas ng kapit at ayaw padala sakin!

"ate naman eh! Antok pa ako naman oh" ani sabay nguso.

Napakamot nalang ako sa batok at kinausap sya.

"bunsoy gusto mo bang mapagalitan ng teacher  mo tapos ni nanay?  Anong oras na kaya malalate kana. Tignan mo si ate bihis na bihis oh" kaya napatingin agad sya saakin

"oh tignan mo yung sarili mo. Buti sana kung maliligo ka nalang tapos pupunta na sa school pero di eh. Mag aalmusal ka pa tapos ireready mo pa uniform mo tapos gagawa pa ng name tag taps ipeprepare mo pa mga gamit mo sa school " ani ko na napapa iling kaya agad na tumayo ang 8 years old kong kapatid at hinila ako palabas ng kwarto.

      *Sala*

"oh anak andun na ang lahat ng atsara sa plastic bag . Sigurado ka bang magtitinda ka talaga sa iskwelahan nyo? baka pwede namang pag uwi mo nalang . Naku parang nakakahiya naman sa panig m--"

"naku naman nay , bat naman ho ako mahihiya? Mabuti nga yun kasi makakatulong ako sainyo at tsaka maraming bibiling titser dun panigurado! The best kaya yung atsara mo nay! at tsaka baka konti lang yung kita pag mag aantay pa sa pag uwi ko eh hapon pa yun e tsaka wala tayong kakainin nyan sige ka"  ani ko na nakapagpatikom sa bibig ni nanay.

Pano nga nanaman kami makakabenta kung andito lang sa bahay yung paninda namin tsaka wala rin kaming pwesto sa palengke  kaya mahirap .

"oh sya sya . Sige na mag ayos kana at baka malate pa kayo ni macmac." ani nanay sabay kuha ng bag ko at bigay saakin.

"anjan na yung pananghalian mo. Wag masyadong magalaw baka matapon yan" nakangiting sambit sa amin ni macmac na nasa tabi ko na pala at handa ng pumasok .

"sige po nay salamat! Mag iingat ka dito ah?" tango nalang ang nai-ganti ni nanay kaya ngumiti nalang rin kami sabay halik sa pisnge ni  nanay at umalis na kasama ang kapatid ko.

SatisfactionWhere stories live. Discover now