60: All About Him

Börja om från början
                                    

"Para saan pa kung makikita ko? kung mahihirapan lang din naman ako." Hindi naman hagulgol ang iyak ko, tama lang ang labas ng mga luha ko kaya parang gumaan din ang loob ko kase nalalabas ko ito sa kapatid ni ace. Hindi ko kasi ito malabas Kay Paul dahil feeling ko wala syang balak pakinggan basta tungkol Kay ace e.

"I mean, kung nandito ka lang hindi mararamdaman ni ace yung ganung paghihirap" nakaramdam nanaman ako ng sakit.

"Sana nga pati ako di ko naramdaman iyon e. Pero criselda parehas lang kami" tinignan ko si criselda habang may tumutulong luha sa Mata ko. "Hindi ko kinayang lumayo sa inyo, lalo na Kay ace. Mahal na mahal ko si ace alam nyo yan"

Natahimik saglit.

"Halos gusto na nyang magpakamatay kasi hindi nya na kaya" ramdam Kong naiiyak na si criselda pero pinipigilan nya lang. "Ako na lang ang nagpapalakas ng loob nya dahil miski ang 'Red Hand' wala na syang pake. Araw araw umiiyak sya, hanggang ngayon."

"Siguro nga nung makita ka nya umiyak nanaman yun e. Alam mo ba minsan nagagalit ako sayo kase hindi mo na napatahimik si ace sa kakaiyak, lagi na lang maga ang Mata nya at kulang na lang dugo ang lumabas" ganun nya ba ko kamahal? Ang isang tarantadong lalake ganun ako minahal? Ang hirap itatak sa isip ko ang mga sinabi ni criselda dahil hindi ako makapaniwala. Nasasaktan akong malamang umiiyak sya hanggang ngayon, at kulang na lang dugo ang lumabas para manahimik na sya. Bakit? Ayokong marinig iyon at lalong ayokong makita syang umiiyak dahil niminsan hindi ko sya nakitang umiyak sa loob ng pinagsamahan namin.

Minahal ko sya hindi dahil sa gusto ko lang. Minahal ko sya kase siya ang pinili ng puso ko at sya ang pinili para patunayan na mahal na mahal nya ko. Pero bakit sa loob ng tatalong taon parang kinaya Kong wala sya? Siguro ay inisip ko lang na para iyon sa kambal para sa ikatahimik namin.

"Sorry, hindi ko alam na ganun ang magiging epekto sa kanya. Kasi hindi ako makapaniwala na mamahalin ako ng isang tulad ni ace na badboy at Playboy"

"Kahit ako hindi ako makapaniwala e, kase sa dinami daming dinalang babae nun sa bahay ikaw lang ang nagustuhan ko" nagkatinginan kami ni criselda. Bakat sa muka nya ang lungkot para sa kapatid nya. " I like you. Kase ikaw yan, ikaw ang totoo yan" ang sarap pakinggan. "Pero ngayon bakit parang Iba na ang kaharap ko? " napatigil ako ng idagdag nya iyon. Ganun ba ang pagbabago sakin? Meron ba?

"Naging mahina ka"

"Epekto, parehas kaming naapektuhan"

"Destiny talaga kayo, parehas na parehas kayo e. Edi kayo na!" Sabi nya sabay tawa. Kahit anong problema talaga ang dumaan sa kanya, gusto nya pa ding maging masaya para lang mawala iyon.


Ngayon lang po ako nakaupdate, sorry po. May ginagawa kasi akong bagong strory hehe, pa vote po para makita ko po kung sino yung nagbabasa, salamat po.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Där berättelser lever. Upptäck nu