CHAPTER 7: LETTER FOR BLAKE

Start from the beginning
                                    

"Huh? Ah eh w-wala naman." Binalik nalamang niya ang kanyang sarili sa pagbabasa.

Bigla namang nag Vibrate ang Phone ko kaya kinuha ko sa bag.

2 text message?

From: Yuhan

Ky, Hindi muna ako papasok. Masama pakiramdam ko. Pakisabi nalang Kay Sir. Salamat :)

Halaa. Ano naman kaya nangyari dun? Pupuntahan ko nalang siya mamaya. Titignan ko na rin sana ang isa pang text ng bigla namang dumating ang Math Teacher namin kasama yung...

Teka? Siya yung lalaki sa rooftop ah! Yung kaibigan ni Yuhan? Ano nga pangalan nito?

"Good Afternoon Sir." Sabay sabay kaming tumayo at nag bow para batiin ng good afternoon si Sir.

"Good afternoon Class. Today, I would like to introduce you, our new student Tobby Choi. He's an exchange student from North. So Class, be good to him. Okay?" Sir

Kaklase namin siya? Tsk.

"Yes Siiiir." Classmates

Umupo si Tobby sa pinakalikod. Ano to? Drama lang? Haaay.

Teka, nasaan pala si Blake? Gusto ko sana siyang makausap.

"By the way Class, Where's Mr.Lee, Mr.Santiago, Ms.Lopez, Ms.Villa, Ms.Flores and Ms.Vargas? Where are those people?" Sir

"Ah Sir, hindi daw po makakapasok ngayon si Yuhan dahil masama daw po ang pakiramdam niya. Ewan ko lang po sa iba." Paliwanag ko kay Sir.

Sasabihin ko bang, wala na si Vargas? Aiiiish

"Oh okay. So lets proceed to our next discussion." Sir

After 1hr Discussion, nag padismiss na si Sir kaya nilapitan ko muna si Tobby. Wala pa naman yung Science Teacher namin.

"Hey!"

Hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa bintana. Anong problema nito? Psh.

"Kung ayaw mo akong pansinin, okay fine. Ito! Yan yung notes ni Jessna. Aralin mo para makahabol ka. Mabait ako sayo kasi friend ka ni Yuhan. Okay?"

Hindi niya parin ako pinapansin.

Okay fine. Bahala ka sa buhay mo. Tatalikod na Sana ako ng may sinabi siyang kakaiba.

"Wala ka bang balak lumipat ng School?" Seryosong tanong niya sa akin.

Huh? Bakit niya naman natanong?

"Wala. Bakit?" Sagot ko sa kanya.

Wala akong balak lumipat. Kailangan kong malaman kung sino ang pumatay kay Ayen at Keisha. Malakas ang kutob kung ang mga nakapanghood kagabi ang salarin.

"Wala." Tobby saka binalik ang tingin sa bintana.

Ang weird niya. Sabagay weird din mga tao dito. Psh.

Mayamaya lang ay dumating na si Ma'am Agnes ang aming Science Teacher.

Habang nagtuturo siya ay napalingon siya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa.

Kinilabutan naman ako ng makitang nagbago ang kulay ng mga mata niya. Naging kulay red. Nakakatakot. Biglang nanginig ang mga kamay ko kaya hinawakan ito ni Jessna.

"Shhh. Wag mong pansinin." Jess

N-nakita niya rin kaya?

Mabilis na natapos ang discussion kaya agad naman kaming pinalabas ni Ma'am Agnes.

*********

Kristine's POV:

Mataray ako? Wala akong pakialam.

Nakakainis! Hindi pumasok si Yuhan. Natapos ang klase na hindi ko manlang nakita si Yuhan.

The reason kung bakit galit ako kay Kyla because she's always with Yuhan. I'm jealous. Matagal ko nang gusto si Yuhan. But sad to say, he don't like me. May iba daw siyang gusto. At si Kyla yun. Kaya sobra talaga akong nagalit sa kanya.

"Kristine." Jane

"Yes?"

"Tigilan na natin to. Ayoko na." Umiiyak ba siya?

"Hey! Nasimulan na natin to kaya wala nang atrasan. We need to do this kung ayaw mong isunod ka nila." I told her then iniwan siyang umiiyak

Kung mahina ka, siguradong mamamatay ka.

********

Third Person's POV:

Isang babae ang iyak ng iyak sa taas ng puno. Mukhang ang pagtambay sa taas ng puno ang nakakapagpagaan sa kanya ng kanyang mga problema.

"Ayen? What should I do? Pagod na pagod na akong mag panggap sa kanila." Iyak na sabi niya.

Hawak hawak niya ang page ng pinunit niya sa libro ni Ayen habang iyak parin ng iyak.

Binasa niya ulit ang nakasulat sa punit na libro.

"Destroy the Black Book! Burn the Red Circle. Save the Lives of Students! Kill the Principal. Survive in the School."

"Gusto kong gawin ang gusto mong gawin Ayen. Pero hindi ko kayang suwayin si Daddy. Mahal ko siya. At hindi niya magugustuhan kapag nalaman niyang alam ko ang pinag gagagawa nila." Iyak niyang sabi sa kanyang sarili.

Tinalikod niya ang page ng libro saka binasa ang isa pang nakasulat.

"Dear Blake,

I'm sorry for everything I've done to you. I'm sorry for not telling you about what's happening in this school. For not telling you about your dad. After 3 years for having a secret about what happened to my cousin, I realized I need to do this. I need to make things right. But what should I do? He already know that I have a copy of their ritual. I have a copy of what they have done to my cousin. And now, my life is in danger. If you read this, maybe, I am no longer in this world. So you need to continue what I need to do. You need to give my memory card to the blue house. Don't give it to the police. I put it in Kyla's box. Nasa likod ng bahay nila nakatanim sa ilalim ng paborito niyang puno. I put it when I once visited her. So go and tell her that you need her help. I love you Blake. I'm sorry for leaving you alone.

Love, Ayen"

Sunod sunod na pumatak ang mga luha ng babae. Nagiguilty siya sa kanyang ginagawa. Pero wala siyang magawa dahil takot at mahal niya ang daddy niya.

Lalo pa siyang umiyak na maalala niya ang isa pa niyang kaibigang namatay. Wala siyang magawa kung hindi ang umiyak ng umiyak.

********

OMG! Sino kaya yang babaeng yan? Nacucurious ako! Grabe! Nagpapanggap? Kilala kaya siya ni Ayen? OMY!!! Hindi kaya si? Abangan niyo nalang po sa susunod na Chapter. ^^ Don't forget to vote and comment. Thank you. Mwaaa :*

*****

Next Chapter: Escaping

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now