Please someone can wake me up?

"M-miss?" Tawag ko sa babae ng makita kong nakatalikod sya sakin."S-sorry po--"
Nagulat ako sa biglaang pagharap nya,puro sya dugo at sugat.Kawawa naman sya.

"Hala Miss!Okay kalang po ba?Ano pong nangyari--" hindi na ulit ako nakatapos sa sasabihin ko

"T-tulungan mo kami.." pagmamakaawa nya at mas humagulgol pa."H-ha?A-ano pong--"

"Nagmamakaawa kami.."

"Palayain mo na kami.."

"Tulong!"

Napaupo ako at napatakip sa tenga ko ng ang daming sumisigaw ng tulong at kung ano ano pa!What's happening?!

Naramdaman kong may mga yapak ng mga tao kaya't napatingala ako at nagulat ng marealize kong..

Puro sila dugo dahil patay na sila.

"A-anong kailangan nyo sakin?" Lumuluha kong tanong."Nakakulong kami dito,parang awa mo na.Ikaw lang ang makakatulong samin." Sabi ng isang babae na nakapangkasal at sa tingin ko ay nagpakamatay dahil sa iniwan sya sa altar o ano."Ikaw lang ang daan." Napalingon ako sa nagsalita,isang babae na nakadress ngunit sira sira na ito,puro pa sya pasa."A-anong maitutulong ko?Pasensya pero hindi ko kaya--"

"Malaki Fiana!Kaya mo!Nagmamakaawa kami,Fiana please.." mistulang sumakit yung puso ko ng pasadahan ko ng tingin ang lahat..

May mga magulang pa na kasama ang anak

May mga bata din

Kawawa sila.

"P-paano?" Sambit ko at tumayo."Sya lang ang susi sa mga kadenang nagkukulong saamin,sya lang.Kailangan mo syang talunin Fiana,ngunit mag-iingat ka dahil maraming buhay ang mawawala Si S---"

Hindi na natapos ng babae ang sinasabi nya ng bigla silang maglaho na parang bula."Anong ginagawa mo dito?!" Napako ako sa kinatatayuan ko at nagtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa takot."Sumagot ka!" Nakakabingi yung sigaw nya!"N-naligaw---"

"Walang basta bastang nakakapunta dito!" Sigaw nya ulit kaya napatakip ako sa tenga ko."ANONG GINAGAWA MO NGAYO'T MALALIM NA ANG GABI?!" Tanging hikbi dahil sa takot lang ang nasasagot ko sa kanya."SUM--"

"Ahhhhhhhhhhh!"

Napasigaw ako ng may biglang malakas na pwersa ang humitak sakin at bigla nalang ako nawalan ng malay...




"Twinnnniiiieeeeeee!/Fianaaaaa!"

Napatakip ako sa tenga ko ng may sumigaw sa mismong tenga ko!Waah---A-aray!Ang sakit ng katawan ko huhu---

Teka?Nasa kwarto nako?

Dali dali akong napaupo at sinuri yung buong kwarto,omg!Panaginip lang yun?Thankgoood!Pero hindi eh,damang dama ko talaga yung sakit ng katawan ko ng may malakas na pwersa ang humatak sakin.

"Fiana ano ba?Mukha kang tanga jan!Anong oras na,kanina pa si Nathan sa baba!" Sermon ni kuya sakin kaya tumayo na ako pero ramdam kong may masakit sa paa ko.Inangat ko ang panjama ko at nagulat ako ng may pasa akong nakikita sa binti ko " Oh twinnie,napano yan?" Tanong nya kaya nagkibit balikat nalang ako at pumunta na sa banyo.


Love Me Till The End. (On Going)Where stories live. Discover now