My Seaweed Prince V

91.3K 942 85
                                    

My Seaweed Prince V

 

-Lara-

                “Nakasimangot ka na naman Lara..” si Madz.

                “Wala lang ito, wag nyo akong pansinin!” ako.

                “Pinaglilihian lang nyan si Chance...” sabi naman ni Kylie. “Yung totoo girl ano bang status ng relationship nyo ni Chance?.”

                “Anong status ka dyan?! Si Chancellor Ortega the third ay isa lang malaking pigsa sa buhay ko!”

                “Kitams! Kumpleto pati pangalan. At isa pa bakla matindi kumapit ang pigsa kahit anong pagputok ang gawin mo tumatalon naman yun sa ibang parte ng katawan mo..”

                “Pwede bang tantanan nyo ko? Just this time please?” nakasimangot na ko nyan ah.

                “Lalo na yung eksena kanina. Basta basta ka na lang iiyak na parang bata tapos sasabihin mong ‘Hindi na ko kakain ng seaweed ever’...” Kylie said while imitating my voice.

                >__< “Enough okay...”

                Nagtawanan lang sila. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga nasa Mall. Nasa food court nga pala kami ngayon at kasalukuyang kumain ng Siomai. Tinusok ko ng toothpick ang siomai ko at kinain iyon ng buo. All of this, Chance fiasco making my head aches. Mind you, that seaweed is dangerous for my health.

                After naming kumain dumiretso kami sa Department store kasi gustong tumingin ni Madz at Kylie ng swimsuit dahil malapit ng mag summer. Bakit ba kasi kailangan pang mag swimsuit kung pwede namang mag sando or spaghetti strap saka short sa swimpool. Nagpupunta ang mga tao doon para maligo at mag enjoy hindi para magbilad ng katawan at mag-fashion show right?.

                Tapos naman itong mga kaibigan ko kapag mga nasisinagan ng araw parang mga bampira na nagpupulasan patago. Grabe lang ah!.

                “Gusto ko ito..” isang two piece na kulay blue ang nagustuhan ni Kylie tapos One piece naman na stripe ang kay Madz. Nagpunta sila sa loob ng fitting room kaya ako naiwan sa labas mag isa. I rolled my eyeballs na lang, so ano ng gagawin ko?. Panay ang tingin sa akin ng isang saleslady. Wait, iniisip ba nyang magnanakaw ako?.

                Psh, para panty lang ito at bra na iba iba ang kulay nanakawin ko pa?. Ano bang pinagkaiba nila bukod sa sizes at kulay? Ampf!

                Nagkunwari na lang ako na tumitingin sa mga naka-hanger pero actually wala naman ako taste sa mga ganitong bagay. Kakahawi ko ng mga iyon may nakita akong string bikini. O__O <-ganyan mata ko oh. T-THONG?!!..

                Putsa! Ano pa bang itatago ng sinumpang bagay na iyan?. Juice mio! Napasigned of the cross ako ng wala sa oras. Jesus Christ!, Parang isang hilahan lang ito malalaglag na sa taong mag susuot. Bakit ba may mga taong gustong gustong mag suot ng mga ganitong bagay?.

E-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon