Bitter Jam XII

44.2K 686 537
                                    

Bitter Jam XII


-Brix-



Sinuklay ko ang buhok gamit ang butuhang mga daliri. Then I noticed na malagkit ang bawat hibla niyon dahil sa hindi pagsa-shower ng mabuti. I sighs defeatedly.


How many times did the Assistant Librarian glared at my direction dahil lang sa pagtitig ko sa kaniya ng halos isang oras? Perhaps 10?


Tapping my fingers on the table, tumayo ako mula sa kinauupuan at wala sa loob na kumuha ng dalawang libro sa bookshelf at naglakad patungo sa counter. Inabot ko ang mga iyon sa Assistant Librarian kasama ng aking Library Card para sana hiramin.


She gave me a weird look again. "Hi, Law Student ka diba? Madalas kitang nakikita dito eh."


Tumango ako.



-"Sigurado kang ito ang gusto mong hiramin?" she was frowning sabay turo sa dalawang libro.



Gusto kong murahin ang sarili ng mabasa ang pamagat ng aklat. REALLY BRIX? Hamlet and The Taming of the Shrew? DAMNATION! Kailan ka pa nahilig sa Romantic Play?


She smiles, "Hindi ko akalain na may tinatago din palang Romanticism sa katawan ang mga Law Students. No offense meant pero kapag nakikita namin kayong subsob sa pagbababasa ng makakapal na libro -" umiling iling ito. "People called your group as 'The Reading Robot Machine'."



Romanticism?! The Reading Robot Machine?! In your eyes, are we still human?



Hindi na lang ako sumagot sa tinuran nya. Tumikhim ako bago, "Actually . . . I'm looking for someone."


-"Sino?"


-"Ahm, kung hindi ako nagkakamali Assistant Librarian din sya dito. I last saw her 2 weeks ago." Kumunot ang noo nito na tila ba nag iisip ng malalim. "...HRM student, short red hair, petite, angelic face, small fairy like nose. . . sa unang tingin aakalain mo na itim ang kulay ng mga mata nya but in reality she has a pair of soulful brown eyes. Meron din syang trademark na nunal sa sulok ng kanang mata, that made her look tough and wicked. She also smells like fresh flower and summer, it must be her shampoo though. At kapag ngumiti sya the world would actually lit up -"



Napatigil lang ako ng mapansing tulala na ang kausap at nakanganga sa akin.


"...Soulful brown eyes?! Smells like flowers and summer? At kapag ngumiti the world would lit up? Tao ba itong hinahanap mo o dyosa?"


Tumabingi ang ngiti ko.



At talagang dumukwang pa ang tsismosang Librarian sa counter, makikita ang excitement sa kislap ng kaniyang mga mata."Is she your girlfriend?"


Gusto kong mapaismid sa sinabi nya. What a ridiculous question! So crazy. "Paano mo naman nasabing girlfriend ko ang hinahanap ko?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

E-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon