Hoy! Keleleng! Ano ba yang pinag-iisip mo! Namanyak na yang isip mo! Inis na bulong ko sa sarili at iniling iling ko pa ang ulo ko.
"M-marco ano y-yun?" Waaah! Bat ako nauutal? Tapos parang kinakabahan ako pinamumulahan din ako ng pisnge.
"Pakihilot naman yung likod ko kasi ang sakit." Salita niya sa malanding boses. Napakagat labi naman ako.
"E-eh... Pero hay! Ano pa nga bang magagawa ko." Sabi ko na lang at nanginginig na lumapit ako sa kanya.
Umupo ako sa kama niya. Unti unti kong hinilot yung likod niya at talagang pinigilan kong manginig. Hindi ako magaling manghilot pero taeng to si Marco umuungol. Nako! He's trying to seducing me... My ghosh! Umeepekto! Dahil kunti na lang... Di ko na keri.
"Ooh, bakit tumigil ang sarap sarap pa naman ng hilot mo, saka pwede bang pahilot nit---" di ko na siya pinatapos dahil hinampas ko siya ng unan at syempre sinugurado kong malakas yun.
"Aba sumeswerte ka ah! No ka chicks? Pakshet ka! Hindi mo ako manghihilot no!? Ang usapan matutulog lang ako dito hindi magiging yaya!" Inis na sigaw ko sa kanya at nagmamadaling lumabas na kwarto niya. Hingal na hingal nga ako pagkadating ko sa master bedroom.
Kainis yung lalaking yun! Nakakairita siya tapos ako naman tong gaga muntik nang magpabihag! Sinusubukan talaga ako nung lalaking yun! Buti di ko binasag ng tuluyan yung eggyok niya! Hay naku!
Inis na humiga ako sa kama. Kasi naiisip ko pa rin yung nangyayari kanina. Di maka-get over ang lola niyo. Ang chaka chaka lang!
Pero bakit ganun? Pag naiisip ko yung pesh niya biglang tumitibok ng mabilis yung puso ko.
Ano ba tong nangyayari sa akin?
Nababaliw na ata ako?
---
Frustrated na humarap ako sa salamin. Ang panget panget ko tuloy lalo, mukha akong zombing ewan. Tapos andami pang dumagdag na pimples sa akin face. May plus pang kumakaway na eyebag. Di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kakaisip dun sa mga nangyari.
Ganun lang yung nangyari pero para sa akin ang big deal nun! Pero bakit nga ba? Ganun lang naman yung nangyari? Hay! Ang ewan na nga ng face ko ang ewan pa ng pag-iisip ko!
Naloloka na ako!
Huminga ako ng malalim!
"Wag mo ng isipin yung mga nangyari Kelly! Isipin mo walang nangyari parang wala yung mga nakita mo! Wag ko dapat i-big deal yun! Kaya ko to! Aja!" Sabi ko kasabay na pagtaas ko ng kamao ko.
Nagsimula na akong maglinis ng aking katawan at sinuot yung pangpasok ko. Buti na nga lang naisipan noong kolokoy na yun na ipalaba yung damit ko dahil kundi wala akong gagamitin pampasok sa school. Bawal pa naman ang hindi naka-uniforme sa school dahil sa guidance ka pupulutin para pirmahan yung likod ng notebook mo for violation.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para kumain. Pero hindi ko inaasahan ang isang kagandang tanawin. Nakapantalon si Marco tapos nakapolo siya pero bukas lahat ng butones kita tuloy lahat ng palaman niya! Di ko tuloy napigilan yung boses ko.
"Are you seducing me?" Napahalagpak naman siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hahahaha, s-sorry sorry." Nakangiting sabi niya habang pinipigilan ang tawa. "So? Ano naman." Sabi niya at humakbang papalapit sa akin. Gusto kong umatras pero parang na-freeze yung paa ko. "Naaakit ka naman?" Tanong niya with a sexy tone.
Gusto ko siyang sagutin ng "Oo! At baka ma-rape na kita!" Pero pinigilan ko ang sarili ko mamaya sabihin pa niya na may gusto na ako sa kanya.
"Ako naaakit? Hahahahaha." Fake laugh. "In your dreams."
Nagsimula na akong kumain. At sigurado maraming nagtataka kung bakit ko nasabi yun? Eh pano ba naman kahapon ko napapansin na para bang inaakit niya ako, yung paghuhubad niya ng pantaas niya sa harapan ko dahil daw 'mainit. Wow lang! Fully aircon kaya tong bahay niya ako ng nilalamig eh kaya hininaan ko yung aircon sa kwarto. Buti na nga lang di ako kumagat!
At wala rin akong pake kung sa tingin ko yun. Kung assumera ako basta hindi ako kumagat! Syempre laman loob din naman ako.
"Halika na. Alis na tayo." Sabi niya at tumayo na.
"Di ako sasabay. Kaya ge, bye." Nauna na akong lumabas sa kanya.
Nasa tapat na ako ng gate ng may maalala ako. Di nga pala ako makakalabas dahil na kay Marco yung remote nitong gate. Kaya inis na tumalikod ako para bumalik... Sana. Kasi nasa harapan ko na siya na nakasakay sa kotse niya. Pumunta ako sa harapan niya.
"Pakibuksan." Wika ko habang nakapameywang.
"Hatid na kita." Sabi niya lang.
"Ayoko."
"De hi---" hay! Blinakmail na naman niya ako!
"May magagawa pa ba ako?" Sumakay na ako sa sasakyan niya pero sa backseat dahil ayokong tumabi sa kanya. Choosy ako eh. Di naman siya umangal.
Itinuro ko kung saan ako nakatira at syempre pakarating ko sa bahay inintriga agad ako. Ang aga aga nga eh nasa hot seat ako! Tapos loko pa tong nanay ko, binebenta talaga ako. Pano ba naman ang sabi pakasalan ko na daw kasi pogi na mayaman pa. Choosy ko pa daw eh ang panget panget ko naman.
Ouch nga lang eh! Nanay ko ba talaga ang nanay ko? Nakakainis! Kainis din tong Marco na ito pati tuloy muntik na akong mapaaway ng dahil sa kanya syempre may funs club ang koya niyo. Buti na lang magaling ako mangarate kaya sila din ang nasaktan. Pero di bale, keri ko to! 5 buwan na lang naman ang titiisin ko.
At saka sa susunod sisiguraduhin kong napuruhan si Marco para ma home school na siya sa susunod dahil matatakot na siya sa akin!
Bwahahahahahahahahahahahahahaha--- *cough*
Grabe hirap tumawa!
"Class, nga pala may maililipat dito sa class natin na galing sa section 2. Siya ang president ng glee club ngayun dahil siya ang ipinalit kay Anna at dahil mahina siya sa math gusto kong i-tutor mo siya Kelly. Yun lang you may go." Naunang lumabas si sir sunod na lumabas kaming mga studyante.
"Uy Kelly sino kayang itu-tutor mo?" Hay! Di ba natatapos ang araw na to na hindi ako ginugulo nitong si Marco.
"Abay ewan ko. Sana nga lalaki para ma-in love siya sa akin at ng tigilan mo na ako sa kahibangan mo na gusto mo ako! Loko mo. Sinong maniniwala na ang gwapo na in love sa panget?" Inis na sagot ko dito. Para naman batang nag-pout to.
"Eeeh! Kahit na! Aagawin kita sa kanya! Akin ka lang!" Parang batang sabi niya. Inismiran ko lang siya.
"Ulol mo! Di mo ko pagmamayari nu! Kaya wapakels ka! K?"
Iniwan ko siya doon. At ipinagdadasal ko na sana di ko din...
"Hello Ms. Mickey---" agad na hinampas ko siya ng backpack ko na bag. At tiningnan ko siya ng matalim.
"Shut your mouth! Freak! And staw away from me!" Pagkasabi ko noon ay agad agad na tumakbo ako papaalis.
My ghods! Maaga akong tatanda nito! Kakasabi ko lang na sana wag ko siyang makita.... Mali pala sasabihin ko pa lang na sana wag ko siyang makita man o makasalubong pero duh?! Nakasalubong ko agad siya! Kainis lang ah. Madadagdagan na naman ako ng pimples nito eh!
---
Vote and comment aman diyan!!!???
4th (Seducing)
Magsimula sa umpisa
